#Fear 1: It Begins
"Xen!"
Tsk.
"Xen labas na diyan!"
Haaaay!
"Lalabas ka ba diyan o papupuntahin ko dito yung Head ng Cerenity University?!"
Agad akong bumangon!
"MOOOMMM!!!" Sigaw ko sabay padabog na tayo. "AYOKO NA SABING MAG-ARAL DUN!"
"Nakapag-enroll ka na at lahat! Hindi ka na pwedeng umatras!" Balik-sigaw niya sabay malakas na katok sa pinto ng kwarto ko. "Isa pa ah! Isang tawag pa, magsisisi ka talaga!"
"HAAAYYYSSHHH!" Inis kong dinampot yung unan ko at itinapon ko 'yon sa pinto habang ini-imagine na si mommy yun.
"LABAS!"
Tagis bagang kong kinuha yung tuwalya ko at naligo na'ko sa banyong nasa kwarto ko. Habang naliligo ako ay mura ako nang mura. Paano naman kasi, inenroll na naman nila ako sa Cerenity University. Isa iyong all-girls university na ipinatayo para turuan ang mga estudyante kung paano pagsilbihan ang palasyo. Hindi naman as 'maids', but bilang 'professionals' DAW.
Pero kahit na! Ganun pa rin yun!
Para saan pa ang pinaghirapan ng mga magulang ko kung gagawin lang din pala nila akong taga-silbi sa palasyo?!
Mga walang'ya! Mga walang awa!
Buong pwersa kong isinara yung shower at sa sobrang lakas nun ay natanggal yung handle nito.
"TSK!" Pinulot ko iyon at tinapon sa maliit na tinted glass window.
Nabasag ang bintana dahil sa ginawa ko.
Pamaktol akong lumabas ng banyo at nagbihis. Nagpantalon lang ako't T-shirt, tapos bumaba na'ko para salubungin ang nakasimangot na namang mukha ng mga magulang ko.
"Sweetheart, pakisabi kay manong Richard palitan ulit niya yung bintana sa kwarto ni Xen." Malamig na sabi ni dad kay mommy. "Pati na yung handle ng shower niya."
My mom sighed and walked away.
"What's wrong with you, Xen?" Matiim na tanong ni dad sabay upo sa dining chair.
"Nothing." Coldly, I answered and sat down on the opposite side of the table.
"Ilang beses na tayong ganito. For the fifth time, you broke your shower handle and your bathroom window!" Now he's mad.
Hindi ako sumagot.
I'm so sick of their yells.
BINABASA MO ANG
Ghosts and Gangsters
Romantik"Hindi ako natatakot mamatay at pumatay, pero natatakot akong mawala ka kasi mahal na mahal kita." #COMPLETED ☣ von Einsiedel Series 1 Dalawa lang ang lugar na pwedeng puntahan ni Xenzel: sa lugar ng mga multo o sa lugar ng mga gangsters. Takot lab...