Prologue

696 4 2
                                    

PROLOGUE

"Girls, I'm getting married!"

How I wish I'm the one who's saying that to my friends. Kaso hindi. Malamang sa malamang ako ang nakakarinig niyan mula sa kanila. Ilang kilong inggit ang nararamdaman ko tuwing naririnig ko 'yan. Ibig sabihin mababawasan na naman ng isa ang mga single sa barkada. Halos lahat sila naikasal o ikakasal na. Ako nganga. Napag-iiwanan kumbaga.

"Bakit hindi ka gumaya sa ate mo? Kahit kailan hindi niya kami binigyan ng sakit ng ulo."

Si ate mo ganito. Si ate mo ganyan. 'Yung pakiramdam na kahit kailan hindi nakita ng pamilya mo 'yung tamang nagawa mo. Lahat ng nakikita nila ay 'yung mga pagkakamali mo. Bakit ba kailangan pang ikumpara? Alam ko na naman noon pa na mas magaling talaga si ate sa akin sa lahat ng bagay. Tanggap ko na 'yun, kailangan pa bang ipagduldulan sa mukha ko? If I can't be like her does it make me any less of a person?

"This relationship is not working anymore."

Oo, alam ko na kasunod niyan. Mag-break na tayo, kailangan muna natin ng space, it's not you it's me. Blah blah blah. I even memorized the lines. Sa paulit-ulit ngang eksena para lang akong nasa pelikulang paulit-ulit lang din ang pagpindot sa replay button. Paulit-ulit nasasaktan, paulit-ulit nasusugatan pero umuulit pa rin sa katangahan.

Talunan sa magkakaibigan. Talunan sa pamilya. At talunan sa pag-ibig. Ako si Gabbi. Lahat ng bagay sa buhay ko sablay.

Little Miss LoserTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon