hapter 18
Joshua's POV
Hello readers. Alam ko nagtataka kayong lahat sa mga kinikilos ko, pero masisi niyo ba ako? Naguguluhan pa rin ako hanggang ngayon.
Nangyari to one year ago. Sa totoo lang, di talaga ako palakaibigan. Si Yanch lang yung kaibigan ko. Madalas akong maglakad mag-isa. Mas gusto kong mapag-isa kesa makihalubilo sa tao.
Isang araw, pumunta ako dun sa bilihan ng street foods. Yung malapit sa palengke. Wala naman kasing taong lumalapit sakin ng matino except kay Yanch. Kasi daw, para sa kanila, nakakatakot ako.
Tapos eto, kumakain ako ng fish ball sa tabi ng may lumapit sa akin na isang babae. Taga-ibang school kasi iba yung uniform niya.
"Hello kuya, we need your support po :)"
May inabot siyang flyer sa akin. Yung nakasulat is.
"Concierto pabor para makatulong"
"May gaganaping pong concert sa school namin next day. Ang malilikum po na pera ay gagamiting out reach sa mga remote areas. Ang ticket po namin is worth P100, P60, P40 at P20. Mura lang po kaya bili na kayo."
Inirapan ko lang yung babae, pero kahit ganun, pinagpatuloy pa rin niya ang pangungulit sakin.
"Kuya, sige na. Para naman to sa ibang tao ang concert."
Kahit na inirapan ko na siya, nakangiti pa rin siya sakin.
Ewan ko ba. Nung makita ko yung ngiting yun parang ang gaan ng loob ko.
Hindi ko alam kung anong pumasok sa kokote ko at bigla ko na lang siyang binigyan ng P100. Etong namang babaeng to, tuwang tuwa.
"Maraming salamat kuya! Nood ka sa concert namin ha? Salamat"
First time na may nagsabi sa akin na mabait ako. Pag-alis ng babae, hindi ko alam kung bakit napangiti ako.
Pumunta ako sa concert nila. Narinig ko siyang kumanta. Ewan at kung bakit natutuwa ako sa kanya.
Akala ko pagkatapos ng gabing yun malilimutan ko na ang babaeng yun, pero hindi eh.
Hanggang isang araw, muntikan ko siyang masagasaan sa harap ng school namin. Dito na siya mag-aaral? Di ko alam kung matutuwa ba ako o hindi.
Sinubukan ko ang sarili ko na iwasan at magalit sa kanya pero kahit anong gawin ko, utak ko na mismo ang tumutulak papalapit sa kanya. Kahit anong pilit ko na magalit, konting ngiti lang niya. Wala na.
Minsan ng gumagalaw na lang bigla yung katawan ko at di ko alam kung bakit ko yun nagagawa.
Nung naglalaro kami sa park, bigla ko na lang siyang niyakap.
Nung pareha kaming masama ang pakiramdam, nagulat na lang ako na nasa harap na ako ng bahay nila na may dala-dalang supot ng prutas.
Na bigla ko na lang nahuhuli ang sarili kong nakatitig sa kanya mula sa malayo.
Sinubukan ko siyang kalimutan, pero ayaw naman sumunod ng utak ko.
Ganito ba pagmahal mo ang isang tao? Mahirap iwasan at pigilan ang sarili?
Pero natatakot ako. Natatakot ako na balang araw, sasaktan ko lang siya, ipapahamak, at paiiyakin.
Di ko alam kung anong gagawin ko, ng isang araw, mismong sa bibig niya, narinig ko.
"Habang may panahon kang pasayahin ang isang tao, gawin mo. Dahil sa huli baka magsisi ka ni hindi mo ginamit ang oras na yun para mapasaya siya. Baka isang araw, magising ka na lang, nanghihinayang dahil pinalagpas mo ang isang pagkakataon na yun."
Sinabi niya yung nung nasa music room kami, nag-aayos ng gamit.
At dahil dun, buo na ang loob ko.
Habang may panahon na pwede ko siyang mahalin. Gagawin ko. Dahil ayokong magsisi ako sa huli.
BINABASA MO ANG
Valley of Lost Love (On-going)
Fiksi RemajaTransferee, that's what she is, lumipat ng school and met there his ultimate crush, which is super turned off sa kanya, but we don't know what will happened to the two of them. :)