VOL Chapter 19

21 3 1
                                    

Chapter 19

Deiane POV

Walangya yang Joshuang yan! Tulog pa ako tapos bigla bigla akong susugurin sa bahay dahil gustong magpasama gumala. Kung si Yanch na lang yung kulitin niya!

Pero gusto ko naman.

Hahaha. Last week pa to ganito si Joshua sakin eh, nakakapagtaka na nga minsan. At etong si Carla at Ivy, panay asar sakin, nabihag ko na daw yung damdamin nitong si Joshua. Ay ewan ko nalang sa inyo friends!

Di ko alam kung saan na naman ako dadalhin nitong si Joshua. Baka sa arcade na naman.

Kaya eto ako ngayon, nagmamadaling magbihis.

Joshua's POV

Kahit na sinabi ko sa inyong may gusto ako dito sa Deiane na to, mas gusto ko paring makasiguro na mahal niya rin ako.

Gaya nga ng sabi ko sa inyo, ayokong manligaw.

San kami pupunta ngayon? Ewan. Hahahaha. Hayaan na kung san man kami dalhin ng utak ko.

"Ang tagal mo naman!"

"Sorry lang ha! Baka nakalimutan mo babae ako at ang aga mong sumugod sa bahay ko."

"Tara na nga."

"Ma, alas na kami."

"Oh sige, mag-ingat kayo"

Lumabas na kami sa bahay nila at naghanap ng sasakyan.

"Magcocommute tayo?"

"Eh anong gusto mo? Maglakad?"

"Asan pala sasakyan mo?"

"Nasa may-ari."

Sumakay na kami ng jeep. Alam ko na kung san ko dadalhin tong babaeng to.

Bumaba kami sa isang to.

Pumanta kami sa Amusement park, since malapit na yung fiesta dito sa lugar namin, may mini Amusement park na pinatayo sa tabi ng bridge. Yung pinuntahan namin ni Deiane noon nung pumunta kami sa mall para mag-arcade. Gusto ko kasing sumaya ngayon.

"Dito tayo pupunta? As in dito?"

"Oo, bakit ayaw mo?"

"Gusto!"

Since maaga pa at hindi pa gaanong madami yung tao, kumain muna kami ng lunch at 2m pa naman magsisimula yung mga rides.

Nasa may kainan kami ng biglang dumating sina Yanch.

Panira naman ng moment to oh!

Kung kailan gusto ko masolo tong si Deiane, anjan naman sila.

"Ano to? Date?" sabi pa ni Yanch.

"Ahh, hindi, nagpasama lang sa akin si Joshua." Sagot naman nitong si Deiane. Di ba niya halata na ayokong kasama sila?

"Ahh, so kung ganun, sabay-sabay na lang tayo."

Naman! Kung kailan gusto ko ipakita kay Deiane yung intention ko sa kanya, may epal naman.

Nag-ikot ikot kami sa park, nawawala yung mood ko. 

"Tara sakay tayo dun!"

Valley of Lost Love (On-going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon