Anong gagawin mo kapag yung taong gustong-gusto ehh iba yung mahal?
Tapos isang malaking kasinungalingan pala ang buhay na kinagisnan mo.. na ang taong nag-alaga sayo simula nung sanggol ka ehh nagsinungaling pla sayo?
At yung taong alam mong mahal...
Look who's here!! Gwapo noh? San kaya sya papunta ngayon? FIND OUT!!
😁😁😁😁
Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
[AKESHA REIN’S POV]
Pasukan nanaman.. At simula nanaman ng nakakawindang at nkakapagod na buhay sa Klase namin.
“Rein!!” boses palang, alam ko ng si Drea yun.. sya agad ang bumungad sakin pagpasok ko sa campus!
“Good Morning!” bati ko.
“Tara! Sabay na tayo pumunta sa classroom. Nga pala, may meeting tayo later ahh, alam na ba ng lahat?” Drea.
“siguro. Nag-GM naman si Chloe ehh.” Sagot ko.
Pagpasok namin sa room, ang ingay na agad ng klase, mukhang namiss talaga ng lahat ang isa’t-isa. At andun na din si Chris, na nakadikit agad kay Bianca. Ghad! My eyes 😭😭😭😭 kaya umiwas nalang ako ng tingin at umupo sa upuan ko. Maya-maya, dumating na yung First teacher namin which is English. Hay.. boring agad. 😒😒😒
Maya-maya habang nagle-lesson si Mrs. Garcia, pumasok yung Advicer namin sa Classroom.
“Good morning Mr. Valderama!” we said in unison. “Good morning, take your seat. Btw, Mrs. Garcia, may I excuse the class? May ia-announce lang ako sa klase. Anyway Class, makinig kayo.” Seryosong sabi ni Mr. Valderama
Hmmmft. Mukhang seryoso tong ia-announce ni sir ahh? Di na naantay sa oras ng klase nya i-announce. Napuno naman ng bulong bulungan sa klase dahil dun.
“Quiet class, we have new students, and please welcome them.” – Sita ni Mr. Valderama.
Teka? NEW STUDENTS?? PAANO?? Akala ko ba bawal nang lumipat sa kalagitnaan na ng school year? At sa class pa tlga namin..
At tinawag na nga ni Sir ang mga NEW STUDENTS DAW? At dahil dun, nagkaron nanaman ng bulong bulungan sa klase.
At nagulat naman ako ng makita ko ang dalawang makikisig na lalaki ..
F*CK!!! 😨😨😨
Bigla naman akong napatingin kay Drea na nagtatanong ng “Bakit-di-mo-sakin-nainform-to-look”. Pero parang pati ata sya nagulat dahil tulala sya sa dalawang bagong estudyante. Napatingin ulit ako nang magsalita ang isa sa kanila.
“Good Morning! I’m Miguel Anthony Conception, 16 years young. Nice to meet you all!” sabay kindat at ngiti.
Sabay-sabay namang kinilig yung iba naming kaklaseng babae at pati beki nakikitili. Pero ang napansin ko, si Drea, TULALA.
“Hi! I’m Brent Josef Montenegro, 16 years old. Hope to know you all.” then sabay ngiti.
“Kyaaaaaaah!!!” – sigaw ng isa kong kaklaseng beks.