Indebted 15

7.4K 276 30
                                        

Agad kong hinawakan yung labi ko matapos ang saglit na halik na yun. Pinamulahan ako hindi dahil sa kinikilig kundi sa galit. Pinaningkitan ko siya ng mga mata. Nakatitig lang siya sa akin.

Mabuti na lang at walang estudyante dito dahil hindi kadalasan sa mga nag-aaral doon ay rich kid at ayaw sa mga ganitong klaseng lugar. Wala naman sigurong nakakita sa amin maliban na lang sa mga taong nandito ngayon dahil kung meron man, paniguradong uulanin na naman ako ng batikos. Palagi naman kasing ganyan, kapag sino yung nakitang kasama niya ay tiyak pagchichismisan talaga.

Ang daling kumalat ng balita pag si Jimenez na yung kasama sa topic. Wala lang naman 'to sa kanya dahil sanay na siyang maging laman sa mga issue. Sanay na siya na sa kanya yung spot light.

"Masarap na yung pagkain ko Jimenez pero na--" he cut me off. "Pero mas masarap yung halik ko." pagpapatuloy pa niya sa sinabi ko. "Nasusuka ako sa halik mo. Bibili na lang ako ng maiinom!" padabog ko pang sabi at tinalikuran na siya. Lalakarin lang naman yung convinience dito kaya doon na lang ako bibili.

Habang naglalakad ako ay napansin kong hindi siya nakabuntot. Madalas kasi ay gawain niya iyon.

"Huwag kasing mag-expect. Hindi porket madalas niya iyong ginagawa sayo ay palagi na yun. Minsan kasi kailangan rin nilang iparamdam kung ano ang kulang pag wala sila at yung mga ginagawa nila. Gusto lang nilang ipaunawa kung ano yung halaga ng bagay na yun para sayo." litanya ng aking isipan na ikinainis ko naman. Like what the hell! Bakit ang hugot ng isipan ko ngayon?!

I tried not look at my back pero di ko mapigilan na lingunin siya at tuntunin kong baka sumabit siya. I clenched my fist when I realized na sumabit nga siya sa kung saan.

Nakuha niya pa talagang makipag-usap sa isang babae sa bench. Nakatayo siya habang nakasabit yung isang paa niya doon at nakatapak naman ang isa sa ground.

Ewan ko na lang at nagkusa yung mga paa kong lumakad pabalik sa direksyon nila. They are busy talking about something na di ko naman marinig.

"Winter!" tawag ko sa kanya kaya pareho silang napalingon. Mas lumapit pa ako ng bahagya. "Hindi ba't sinabi mong sasabay ka na sa akin papunta sa Tita ko?" pinagtaasan ko siya ng kilay habang naka-cross arm pa. "Ang tagal mo! Ambagal mo pa maglakad." at kung saan-saan ka pa nagpapapogi.

"Nga pala, I have to go." nakita ko pag ang pag-wink niya sa girl na yun. "See you tomorrow na lang." maarteng saad pa nun. I make face when I turned my back to them. Ang putcha nila!

"Tapos ka ng bumili ng maiinom mo?" di niya makapaniwalang tanong sa akin. "Oo pero may nakalimutan pa pala ako." I made some excuses para makabili ako.

"Ahh okay." nakapahimulsa niyang saad. Nakarating na kami sa tapat ng convinience mga ilang minutes lang rin. "Dito na lang ako sa labas maghintay. Ibili mo na rin ako ng drinks." utos pa niya kaya pumayag na lang rin ako.

Makikita ko lang siya dito mula sa labas dahil sa transparent glass. Nakasandal lang siya dun. Itinuon ko na yung atensyon ko sa mga drinks. Saktong kukuha na sana ako nung nakita sa sulok ng mata ko ang isang taong papalapit sa gawi ko.

I smiled only to find out that it was Evan. Siya yung Kuya ni Havana! Minsan ko na siyang nakausap dahil nakapunta na siya sa school namin isang beses. Tinanong niya ako that time kung nasan si Havana.

Ala-ala ko pa talaga yung hugis ng mukha niya. Yung mata niyang kulay brown na parang kay Winter lang. Yung straight nose niya. Ang hot talaga ng Kuya niya. Ay! Shems! Ano ba'tong iniisip ko?!

"Hey! You're Raine if I'm not mistaken." his deep voice. He looks cool on what he is wearing. Naka-jagger lang siya at plain blue na v-neck shirt. 

"Ako nga, diba ikaw yung Kuya ni Havana?" he nodded. "Yes, Evan. Evan Ydeson." sagot niya pa. He looked at the drinks corner at yung hawak ko.

"My treat ako na magbabayad." offer niya pa. Para tuloy nanghihina yung tuhod ko sa ngiti niya. Havana told me na ang sama daw ng ugali ng Kuya niya pero sa tingin ko naman ay hindi.

He is a nice guy. O baka naman pakitang tao lang lahat ng ito. Hindi rin naman kasi magsisinungaling si Havana. What for? Anong mapapala niya sa pagsira ng Kuya niya? She is a great girl as well kaya malabo rin iyon.

"No, huwa--" napatingin ako kay Winter na biglang sumulpot sa gitna namin kahit nag-uusap pa kami.

"I decided to choose my own drink by the way." nakahawak pa siya sa chin niya at pinasadahan ng tingin yung mga iba't ibang klase ng drinks. Talagang susuong pa talaga siya sa gitna namin. Tiningnan siya saglit ni Evan saka balik sa akin.

"Raine, if that's you want then mauna na ako." paalam ni Evan na tinanguan ko lang. Ramdam ko ang pagtutok sa akin ni Jimenez nung tuluyan na siyang nawala sa paningin namin.

"Next time, unahin mo ang utos ko. Know your priority first." baling niya ulit sa drinks at kumuha ng isang can ng soda. "Kanina pa ako nauuhaw. Ang tagal mo kasi." litanya niya sa akin.

Nauuhaw daw. Eh kung makapag-usap nga siya sa babae kanina parang di naman ah.

"Akin na." lahad niya sa kanyang kamay. "Ako na yung magbabayad." ika niya saka naglakad na nung binigay ko na ng walang pagdadalawang isip. Libre na yun tas tatanggi pa ako?

Tahimik lang kami nung naglakad kami papunta sa parking lot.

May mga iilan na tiningnan kami. Pagkapasok sa loob ay akala ko ay magpapaandar na siya subalit nakahawak lang siya sa manibela. Nakatitig sa labas at sa mga estudyanteng dumadaan.Hinihintay ko lang siyang magsalita o magalit. Paiba-iba naman kasi ang mood niya. Daig pa ako.

"Akin ka lang Raine. Pinakayaw kong may kahati ako. I was raised and breed without learning the meaning of sharing." that's the cue on starting his engine.


IndebtedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon