Prologue

148 6 0
                                    


1 year ago, 

"Alyssa Nadine," he gulped. Medyo kinabahan naman ako, ngayon lang niya ulit kasi tinawag yung full name ko. Usually, "Babygirl" or "Love" tawag niya sakin. Nakayuko siya, and he seems to be sad? Ewan ko. Ang gulo, ano ba nangyayari? "Ayoko na. Tapos na tayo." 

Ha? Ano daw? Kumunot yung noon ko, "What? Joke lang 'to diba?" hindi ako makapaniwala, mahal niya ako eh! Forever kami ano ba! "Nate! Hindi nakakatawa!" I started to cry. Teka bakit ba ako umiiyak?! Nate must be joking, hindi kami pwede magbreak! Mahal na mahal namin ang isa't isa! 

"I'm sorry," bulong niya. Nakayuko parin siya hanggang ngayon. Kusang tumutulo yung luha ko, wala akong pakialam kung umiiyak man ako ngayon sa harapan niya. Ang sakit sakit eh, nakakabigla masyado. 

Bigla akong lumuhod, wala na akong pake kung may makakita man samin ngayon, mas importante siya kesa sa pride ko! "Nate please tell me you're joking. Nate Frost, forever tayo diba? Why are you suddenly breaking up with me? Ano ba nagawa kong mali? Saan ba ako nagkulang? Bakit? Nate sabihin mo nang maitama ko! Hindi na ako magseselos sa mga babae na umaaligid sayo. Promise. Just please, Nate mahal na mahal kita. Wag mo akong iwan. Madami pa tayong pangarap diba? We will grow old together pa! Magkakatwins pa tayo! Why are you suddenly giving up?! Nate, please wag mo akong iwan." 

"Alyssa. Stand up," pilit niya akong pinapatayo pero ayoko. 

"Hindi ako tatayo dito hanggang hindi mo binabawi yang sinabi mo," I shook my head, "Two years Nate. Ang tagal nun, tatapusin mo nalang ba yun in 5 words? Yung two years natin, tinapos mo in just 5 fucking words?"

"Alyssa. I'm really sorry, tumayo ka na diyan please," pagpilit niya "Hindi ko na talaga kaya. I'm sorry." 

Tinaasan ko na yung boses ko, "Yung alin Nate? Yung alin yung hindi mo na kaya? Ano ba, ang gulo gulo na! Tangina naman!" inis na inis na talaga ako. Alin ba yung hindi niya kaya? Napakababaw ng dahilan niya! 

"Hindi ko na kayang gampanan yung responsibility ko bilang boyfriend mo. Alyssa, pupunta na ako sa States," pinunasan niya yung luha niya. Nagulat ako kasi sa 2 years na naging kami bilang ko lang sa isang kamay kung ilang beses siyang umiyak. Hindi siya katulad ko na mababaw yung luha kaya pag umiyak siya, totoo at tunay talaga. 

"LDR exists for a reason! Long Distance Relationship gets mo?" tumayo na ako. Hinawakan ko siya sa balikat niya at inalog ko siya baka sakaling matauhan. 

"Babygirl," tumaas yung balahibo ko nung sinabi niya yun, "Mahal na mahal kita but I'm sorry this has to be done. Sabi ni Dad, I have to focus sa music. 3 years ako doon, and bawal na daw ako makipag communicate sayo. Babygirl, I tried to fight for you. God knows how much I did, ilang beses akong lumuhod kay Dad para lang ipaglaban ka at ang relasyon natin. I'm really sorry Babygirl, hindi na talaga pwede. Please, find a better guy. Yung hindi ka tulad ko na iiwan ka, maybe we're really not just meant to be. Maybe nakatadhana lang na makita tayo pero hindi tayo itinakda. Babygirl, I love you so fucking much na para akong pinapatay ngayon. Hindi kita kayang iwan, I have to focus sa music dahil ako yung magmamana ng Music Industry namin. Hindi pwede si Natalie dahil 12 palang siya at si Kuya Nash, alam mo naman na lumayas na siya sa bahay. Babygirl, ako nalang yung natitira na pwedeng maghandle ng business namin. Alam ko hindi mo ako mapapatawad, pero I'm really sorry baby. I love you to the moon and back, through thick and thin, and forever in a lifetime. Please wag mo na akong antayin, magmoveon ka agad alam kong mahirap pero kaya mo yan." he kissed my forehead, I closed my eyes, eto na yun, eto na yung huling beses. 

I pulled him closer saka ko siya niyakap. Galit man ako sakanya ngayon, pero mas nangingibabaw parin yung pagmamahal ko para sakanya. Hindi ko kayang mawala sakin si Nate, I love him so much. "Nate, I love you." 

He kissed me. Sa halik palang niya na yon, ramdam ko na mahal niya talaga ako. Nung nawalan na ako ng hininga, I pulled away. Pinagdikit niya yung noo naming dalawa, "I'm going to miss you so fucking much. Goodbye love." 

Pumatak yung luha niya sa cheeks ko, hindi ko na ring napigilan ang pagiyak. I knew this was goodbye, kasi si Nate sabi niya saakin nun, wag daw kami magsasabi ng goodbye sa isa't isa kasi pag ganon parang hindi na daw kami magkikita. Kaya laging, "See you." yung sinasabi namin. But now, he said goodbye. I knew this was the end. Tapos na talaga kami ni Nate, wala na. 

I'm going to miss you Nate Rixx Frost. 





Still Into You Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon