Chapter 2

86 7 1
                                    

Chapter 2

Ang sakit ng ulo ko. Nagising ako dahil sa ingay ma naririnig ko sa ibaba. Nandito nanaman ang mga kaibigan ni Kuya.

"Ate? Ate!" Narinig kong sigaw ni James sa labas habang kumakatok. Pumasok siya sa kwarto ko at umakyat sa kama ko at nagsimulang tumalon talon.

"Ate! Wake up! It's almost 12 noon. We were going to eat lunch outside with kuya's friends!" Sabi niya at hinatak ang kamay ko patayo. "Dali na! Get up, Ate! You're too heavy," he said then chuckled.

"Oo na. Wait me outside, James. Magpapalit lang ako ng damit, okay? Where's mom and dad?" Sabi ko at hinatak siya pahiga para mayakap.

"They already left. Mom goes to her work. And... dad also! Ate, ano ba! I can't breath! Let me go!" Kumawala siya sa yakap ko at tumayo na. "I'll just wait for you outside. Make it fast, ate. Im hungry na po," he said then kissed me on my cheeks before he left.

Tumayo na ako at naghanap ng masusuot. Pagkatapos ay dumiretso na sa cr para maligo. Pagkatingin ko sa salamin ay namumugto ang mga mata ko. Napabuntong hininga nalamang ako nang maalala ko ang mga nangyari kagabi. Forget it, Jamie!

Pagkatapos kong magayos ay kinuha ko ang phone ko at puro messages anf missed calls ang nakita ko galing kay Calvin.

From: Calvin

Baby... Let's talk.

From: Calvin

Jamie, Im sorry. Please, answer my calls. Jamie, baby... Im sorry.

From: Calvin

Jamie...Sorry. Let me explain.

Madami pa siyang messages, pero hindi ko na binasa at binura ko nalang. Such a waste of time. Magpapalamig muna ako bago ko siya kausapin. Ayokong magsigawan lang kami kapag nagusap.

Bumaba na ako, nadatnan ko silang nagkakatuwaan habang naglalaro ng Xbox sa sala namin. Napalingon si Pierre sa akin, isa sa mga kaibiga ni kuya, kaya napalingon din ang iba sa akin.

"Baby Jamie!!!" Sigaw niya habang tumatakbo papunta sa akin. Bago pa niya ako mayakap ay hinatak na ni Kuya ang hood ng damit niya.

"Hoy, Pierre! Tanghaling tapat! Magtigil ka!" Sabi naman ni Kevin.

"Parang yakap lang, e! Syempre namiss namin ni Jamie ang isa't isa! Diba, J?" Aniya tapos ay lumingon siya sa akin at inakbayan ako.

"Ano ba kayo. Hindi na kayo nasanay kay Pierre," Ani ko at ngumisi. Well, Pierre is like a brother to me. Magkababata kaming tatlo nila Kuya, kaya siya ang pinakaclose ko sa lahat. Nagtawanan lang sila sa sinabi ko at inasar si Pierre.

"Ano ba yan, Baby J! Hindi mo man lang ako sinakyan. Napahiya tuloy ako," Ngumuso siya at padabog na naglakad palabas. Hay nako.

"Hoy! Kala mo kinagwapo mo yan?! Mas gwapo pa din ako sayo, Pierre!" Sigaw ni Kuya.

"Ay, teka. Aalis na ba? Sabi ni James ay kakain tayo. Pasensya na, tinanghali ako ng gising," Napansin kong kanina pa nakatingin si Rafael sa akin, kahit na kinakausap siya ni James na katabi niya ay sa akin siya nakatingin. What's the matter? "Kuya, where's Cassie?"

"Susunod nalang daw. May gagawin lang daw sandali." Sabi niya habang nagtetext sa kanyang cellphone. "By the way, J. Are you... uhm, fine? I-I mean, yesterday," nag-aalinlangan niyang tanong.

"Oo nga, Jamie. Nabanggit ng kuya mo ang nangyari kagabi. We're very sorry. Hindi namin nahalata iyon," Ani Kendric.

"Gago talaga 'yong si Calvin! Ang lakas ng loob. Dapat doon ay binubugbog. Napaka-walang hiya!" Galit na sabi naman ni Cej.

All About UsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon