TDestiny 1: horoscope of the day

11 0 0
                                    

Vaness Rosy' POV

"Best! Anong sodiac sign mo? Dali titignan natin ang kapalaran mo dito sa tenenentenen horoscope of the day!" Masiglang sabi ni samsami, longcut for sam na nakaharap sa dyaryong binabasa nia.

Horoscope of the day? Pinagsasasabi ng kaibigan ko? Jusme adik na adik sa ganyan nd naman totoo yan psh. Ganyan yan si samsami, araw araw bumibili ng dyaryo para lang matutukan ung manyayari sa kanya.

"Uhh, Scorpio?" Sagot ko, nd naman ako masyadong interesado sa sasabihin nia pero sinagot ko parin tanong nia.

Nagulantang ako sa gulat ng mapatayo sya at nakipagsiksikan sa single couch na inuupuan ko. Nagmukha tuloy kaming sardinas na pinagkakasya ang pwet sa isang masikip sa upuan -__-

"OMG!!! Best! Look oh, sabi dito sa horoscope for the day mo may makakatagpuan ka daw dalawang lalaki ngayon, isang magdudulot ng malas at isang nakatadhana sayo!" With hand gestures na sabi ni samsami sakin sabay wagayway ng mahiwaga niang dyaryo sa harap ng pagmumukha ko at eto ako iwas ng iwas.

Para matigil sya tinignan ko nalang din ung dyaryong hawak nia para masabing nakikinig ako sakanya.

"Eh? Di naman totoo yan best, may pa tadha-tadhana pang nalalaman psh, tska pusta oh? Isang libo, wala akong makakatagpuan na lalaking sinasabing nakatadhana raw sakin atsaka ung ano ung... malas" pagtutol ko sa sinabi 'raw' nung dyaryong binabasa nya.

"Ano deal? Isang libo pag nangyari " Pagtatanong ko, ha! Paniguradong mananalo ako psh, nd naman kasi talaga totoo yan. Tska ano ba yang dyaryo na yan para magsabi ng mga mangyayari sa hinaharap, d hamak na tao lang rin ang gumawa nian.

"Hmm, sige deal huh! Sigurado ako matatagpuan mona ung nakatadhana sayo best!! Aaaah kinikilig ako para sayo iiihh!" Kilig pwet na tumayong sabi ni samsami sa mukha ko, habang nagniningning ang mga mata nyang malupet.

Sya pa talaga kinilig haha, ewan pero pailing iling akong napatawa sa kahyperan ng bestfriend ko.

Napagawi ang tingin ko sa orasan ng kwarto ko, 9:00 na pala ng umaga. Ha? Teka napagawi ulit ung tingin ko sa orasan. Hala?! 9:00 na pala!!! Amfufu

Napatayo ko bigla at nakita ko pa si samsami sa pheriperal vision kona na bumalik sa tuliro nia ung diwa niang nag dedaydream dahil sa gulat saking pagtayo. Haha napatawa ko ng mahina sa priceless niang mukha xD

"Best may date tayo nila mikmik ngayon. 9:30 yun dba? Eh? Tumingin ka sa orasan kung anong oras na" sabi ko sakanya bago pumasok sa bathroom at maliligo nako.

" hala! Oo nga! Masabihan pa tayong talkshit, geh bye best!! ligo lang ako sa bahay namen!!!" Rinig kong sigaw ni samsami.

Narinig kong nagbukas sara ung pinto, ibig sabihin umuwi na sya. Magkapit bahay lang kami ni samsami, kaya magkalapit lang kami talaga. Nagsleep over sya dito sa bahay namin kagabi kaya nandito sya hanggang 9.

Tinapos ko nang maligo at naghanda nako para sa date namin kuno xD

***

OTW to mikmik's resort. Dyan ang punta namin, nd naman kay mikmik yang resort na yan eh, pinangalan lang sakanya ng mga magulang nia ung resort, baka kasi isipin nio sya ung nagmamanage ng resort well hindi. It sounds bitter to hear those words to me right. Hindi ako inggit okay? Well slight ^^. There's a reason behind.

"Best, uhm ano... uhm" d mapakaling sabi ni samsami.

Kanina ko pa napapansin na parang kinakamot nia ung pwet nia sa upuan, nd talaga sya mapakali. Ano bang nangyayari sakanya? D kaya kilig pwet sya? Hindi eh, napapangiwi sya. Nd ko alam kung matatawa ko o maaawa ako sa itsura ng pagmumukha nia ngayon.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Apr 15, 2016 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Treacherous DestinyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon