IKAWALONG KAPITULO
Saktong pagka-alis ni Angelo ay napagpasyahan namang puntahan ni Christian Oliver si kuyang driver kasi ang tagal niyang bumalik sa kwarto ng boys. May gusto kasi siyang itanong dito.
"Oy, Oliver, saan ka pupunta?" tanong ni Jeremiah nang mapansin niyang aalis si Christian Oliver.
"Hahanapin ko lang si kuya. Ang tagal niya eh. Sobrang gabi na oh." sagot ni Christian Oliver. Tinignan niya si Jeremiah. "Sama ka?" tanong niya dito.
Tumango si Jeremiah. "Sige!"
"Sama din ako! Tara, Mark Joshua, Lyndon!" aya ni Kevin sa mga kaibigan nang marinig niya ang usapan nina Christian Oliver at Jeremiah.
"Oy, oy, oy! Anong kaguluhan itetch? Saan kayo gagala? At aba, ikaw pa talaga ang pasimuno, Oliver!" pag-eksena ni Christian John sa kanila. Tinapat niya ang ilaw ng kanyang cellphone sa pagmumukha ng mga kaklaseng lalake.
Tinignan lang siya ni Christian Oliver na parang nagpapaawang tuta kahit na sa loob-loob niya ay tawa siya ng tawa dahil sa itsura ni Christian John.
Nakatapat din kasi sa mukha nito ang ilaw ng cellphone ni Christian Oliver kaya pareho silang nagmukhang multo.
"Ang panget mo, Oliver. Saan ba kasi kayo pupunta? Gabi na." tanong ni Christian John.
Tumawa si Christian Oliver. "Hahanapin lang namin si kuya. Ang tagal niya kasi. Hanggang ngayon wala pa siya." sagot niya.
"Ahhh." Tumango si Christian John. "O, edi tara na!"
Kaya lumabas na ang limang lalaki at isang pusong babae sa silid ng mga lalake at nagtungo sa electric room kung saan nagpunta si kuyang driver para ayusin ang dapat ayusin.
Nilakad nila ang madilim na corridor. Napatingin si Christian John sa likuran nila dahil parang naramdamam niyang may sumusunod sa kanila.
"Psst, bilisan na natin. Nakakatakot dito!" bulong niya sa mga kasama.
Bumingisngis naman si Christian Oliver. "Mamaya, may tao na sa likod mo."
"Bwiset ka, Oliver!"
Natawa naman ang iba pa nilang kasama.
Ilang lakad pa ang ginawa nila bago makapunta sa destinasyon nila.
"Tao po?" tanong ni Kevin. Walang sumagot. Itinapat naman nilang lahat ang ilaw ng mga flashlights nila sa pinto ng electric room.
"Bubuksan ko ba?" tanong ni Kevin sa kanila nang lumingon ito.
"Buksan mo na." sabi naman nila.
Umalis si Kevin sa may bandang pintuan at nagtago sa likod nina Lyndon, Mark Joshua, at Jeremiah. "Kayo nalang. Hehe."
"Duwag nito! Ahaha!" asar ni Christian John.
Tinignan naman siya ni Christian Oliver ng nakakaloko. "Oh matapang ka pala eh, ikaw nalang magbukas!"
Nginitian naman siya ng alanganin ni Christian John. "Uy joke lang, ano ba! Diba matapang ka, Jeremiah?" tumingin ito kay Jeremiah. "Ikaw na magbukas."
"Luh! Ayoko nga!"
Napakamot ng ulo si Christian Oliver at tatawa-tawang binuksan ang pinto. "Mga duwag 'to-"
Natigilan silang lahat nang may makita silang bakas ng dugo.
"Papasok ako." seryosong saad ni Christian Oliver. "Dito lang kayo. Kapag may nangyari, tumakbo kaagad kayo at sabihan niyo yung iba." May ibinulong pa siya na hindi masyado nila narinig, "Sinasabi ko na nga ba, may kakaiba dito."
"T-teka! Sasama ako!" sabi ni Jeremiah. Ayaw niya namang hayaang mapahamak ang kaibigan niya kaya kahit natatakot din siya ay pinili niya nalang sumama kay Christian Oliver.
Pilit na ngumiti si Christian Oliver. "Ikaw bahala. Tara na."
"Mag-iingat kayo, Oliver, Jeremiah!" sabi ni Christian John.
"Bilisan niyo ah." sabi ni Kevin samantalang nanatiling tahimik sina Mark Joshua at Lyndon.
Nang makapasok na sa loob ang dalawa, humarap si Christian John kina Kevin. "Guys, tara, pray tayo."
And so, they prayed.
+++
Gusto niyo bang may mamatay sa kanila? 😂 If yes, comment niyo kung sino. HAHAHA!
Sorry kung matagal akong di nakapag-UD! Ahaha! Hello nga pala kina Leunize, Julius, Diomel, Quincy, Lyka, Alliyah Gaille, Renz, at Angelo na nakasama ko sa swimming ng section natin! Kahit na siyam lang tayo, naging masaya naman ang swimming! Huehue!
BINABASA MO ANG
MANSION 49 (2016)
Mistério / SuspenseUNDER MAJOR REVISION Normal na mga estudyante lamang sila mula sa section ng Perlas na nagbalak na magsama-sama upang magsaya. Ngunit sa kalaunan ng kanilang pananatili sa isang mansyon sa kakahuyan ay unti-unti ang pagsaksi nila sa mga 'di pangkara...