IKASIYAM NA KAPITULO

278 23 0
                                    

IKASIYAM NA KAPITULO

"Jeremiah, mag-ingat ka baka maapakan mo yung dugo." paalala ni Christian Oliver.

Tumango naman si Jeremiah at dahan-dahang sumunod kay Christian Oliver.

Nang makarating na sila sa may bandang generator, may pinindot o kinalikot na kung ano dun si Christian Oliver kaya gumana na ulit ang kuryente at bumukas ang mga ilaw.

"Woohoo! May ilaw na ulit!" masayang saad ni Jeremiah.

Pero natigil ang pagsasaya nila nang madulas si Jeremiah at makita niya ang katawan ni kuyang driver na nakasiksik sa ilalim ng generator.

Nanlalaki ang mga mata ni Jeremiah nang lumayo ito mula dito lalo na't nang makita niyang dilat ang mga mata nito at punong-puno ng dugo ang butas ng tainga, ilong at bibig nito.

"O-Oliver!" sigaw niya.

Agad namang pinuntahan siya ni Christian Oliver na natataranta. "Jeremiah, anong nangyari?! Ayos ka lang ba?!" Tinulungan niyang makatayo si Jeremiah mula sa pagkakadulas.

Sino ba namang hindi madudulas sa lugar na 'yon? Eh puro dugo ni kuyang driver ang nakakalat sa sahig.

"S-si.." Nanginginig na tinuro ni Jeremiah ang katawan ni kuyang driver.

Sinundan naman ni Christian Oliver ng tingin ang tinuturo ni Jeremiah. Nagulat siya sa nakita. At natakot.

"Walang makakalabas ng buhay sa lugar na 'to! Wala! Mamamatay kayong lahat!"

"Jeremiah, tara na!" sigaw ni Christian Oliver. Hinila niya na ang tulalang Jeremiah papalabas ng lugar na yun.

Saktong paglabas naman nila ay ang pagsarado ng pinto.

Narinig pa nilang ni-lock ito.

Tila parang nabuhusan sila ng malamig na tubig dahil sa nasaksihan.

Kung nahuli sila ng ilang minuto o segundo, panigurado ay nakulong na silang dalawa doon at kung ano nang nangyari sa kanila.

"Oliver! Jeremiah!"

"Ayos lang ba kayo?!"

"Saan galing ang mga dugong 'yan?!"

Hindi na nakasagot ang dalawa dahil sa sobrang takot. Bigla nalang nawalan ng malay ang mga ito.

Pero bago sila mawalan ng malay ay may sinabi sila..

"Patay na si kuyang driver."

***

"So yun ang nangyari.." kwento ni Mark Joshua dahil hindi na makapagsalita si Christian John dahil umiiyak na ito. Sina Jeremiah at Christian Oliver naman ay wala pa ring malay. Sina Kevin at Lyndon naman ay natrauma sa nangyari.

Lahat sila ay kasalukuyang nasa kwarto ng mga girls. Sinabihan nila Christian John ang iba nilang kaklase na lalaki na lumipat sa kwarto ng girls para magkasama-sama dahil isang nakakatakot na pangyayari ang nangyari na naman.

"Guys, ayoko na dito.." Naiyak si Andrea pati na din ang ibang mga babae.

"Gusto ko ng umuwi.." iyak ni Smile. Yinakap niya naman sila Marielle at Ronalyn na katabi niya.

"H-Hindi pa rin ba ma-contact si Ma'am? W-Wala pa rin bang signal?" tanong ng iba.

"Gusto ko nang magFacebook!" biro ni Quincy para pagaanin ang atmosphere.

"Oo nga!" sakay ni Angelika sa trip niya dahil kahit siya din ay takot na takot na.

"Miss ko na ang wifi!"

"Oh edi kayo na ang may wifi! Free data user here!"

"Miss ko na ang bahay ni Smile!"

"Miss ko na si crush! Hahaha!"

Natigil ang pagbibiruan nila nang biglang bumukas ang pinto.

"AAAAAAAH!"

+++

Yan ang Pearl! Seryoso na't lahat ang sitwasyon, nagagawa pa ding magloko! HAHA! 😂

MANSION 49 (2016)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon