Not all stories end up in a HAPPY ENDING, sometimes the END becomes the START for a NEW CHAPTER of LOVE.
"Argh! Kaasar. Kung kailan first pa ng pasukan eh dun pa nagka-traffic. Perwiso talaga 'tong traffic na 'to. Bwisit kang traffic ka. Arrggghh!!! Inhale...exhale...inhale...exhale. Relax ka lang Nicole. Woooohh." sabi ko sa sarili ko
Ako nga pala sa Nicole, isang 3rd year student na nag-aaral sa Royalty Academy, isang elite school ng mga mayayaman at mga sikat lang pero nakapasok ako dito dahil lang naman sa scholarship na bigay nila. Sa totoo lang, ayaw ko dito sa school na 'to kasi puro sosyal na nga yung mga tao eh malayo pa.
Gusto ko tuloy magwala ng wala sa oras. Sino ba naman ang hindi magagalit kung nagmamadali ka ng pumasok dahil male-late ka na sa school tapos bigla na lang nagka-traffic. Pawis na pawis na ko kasi ang init sa loob ng jeepney. Hindi ko na talaga kaya 'to.
Tinignan ko kung anong oras na sa cellphone ko.
7:58AM
Waaahh! Sobrang late na ko. 7:30AM kasi ang klase ko. First day na first day tapos late ako. Tapos amoy pawis pa ko. Bwisit lang talaga.
Nagsimula ng umandar ang jeepney pagkatapos ng matagal na traffic. Habang nagbibyahe eh bigla na namang huminto yung jeepney sa may kanto.
May lalakeng umakyat, umupo siya sa tabi ko. Napatulala na lang ako sa kanya habang umuupo siya sa tabi ko kasi ang gwapo niya.
Maputi, matangos ang ilong, matangkad, maganda ang katawan at mukha siyang artista.
"Bayad nga." sabi ko
Inabot ko yung kamay ko para magbayad at sa hindi ko inaasahang pagkakataon eh nakaabang yung kamay niya para kunin yung bayad ko. Napatulala na naman ako kasi this time eh nagkaharap ang mga mukha namin.
Biglang bumilis ang tibok ng puso sa sobrang kaba dahil nakatingin siya sakin.
"Ba-ba-bayad k-ko." sabi ko
Hindi ako makapagsalita ng maayos kasi bigla siyang ngumiti. Ang cute niyang ngumiti, labas dimples. Feeling ko tuloy eh parang kaming dalawa lang ang nakasakay sa loob ng jeepney. Pero biglang nasira yung daydream ko nang magsalita siya.
"Miss akin na yung bayad mo."
"Ah eto. Sorry."
Ang ganda pa ng mga ngipin niya. Ang puputi at puro pantay. Umurong ako ng konti malapit sa kanya kasi pagbabanung babae sa tabi ko eh may sumakay namang matabang lalake. Bale nakaharap ako sa likod niya kasi nakatalikod siya sakin. Ang bango pa ng pabango niya, amoy Calvin Klein yung perfume niya.
"Dyan lang ako sa tabi manong." sabi niya kaya tumigil yung jeepney
Napatingin ako sa bintana at nakita ko yung school ko. So it means, parehas kami ng school. Ayyiiieeehh. Pagbaba niya eh sumunod din ako. Sabay kaming pumasok sa loob ng school. Habang naglalakad eh lumiko siya kaya hindi na kami magkasama. Akala ko pa naman eh parehas kami ng room. Sayang talaga.
Dumiretso na lang ako sa room ko kasi sobrang late na ko. Nag-o-orient na yung teacher pagdating ko.
"Good morning Ma'am. Sorry, I'm late."
"It's okay. You may look for your seat."
Dahan-dahan akong pumasok sa loob ng room. Dalawa na lang yung vacant chairs at magkatabi pa kaya umupo ako sa isang vacant chair.
"Good Morning Ma'am. Sorry, I'm late."
Habang inaayos ko yung bag eh may narinig akong boses mula sa labas. Buti na lang hindi lang ako yung late. Tinignan ko kung sino yun at bigla na lang nanlaki yung mga mata ko sa nakita ko.