Hulaan Mo. [One Shot]

160 3 1
                                    

"Hulaan Mo. [One Shot]"

By: FallingInLoveWithYou.

A/N: Hellooo. Kung nabasa niyo yung A Wish ko, may kaparehong scene ito dun. Pero iba naman ang story nito. Yun lang. Thank you. =))

----

*You have one new message receive*

From: Dan

Tara laro tayo HULAAN MO ANG KULAY NG SUOT KONG SHIRT. I-forward mo 'tong message na 'to sa lahat ng contacts mo sa phonebook mo. Tsaka kung sinong makahula ng kulay ng suot mo, replyan mo siya ng I LOVE YOU tsaka kung sino nagreply pero hindi tama, replyan mo ng THANK YOU. Magreply kayo ha, bawal KJ.

Psh. Akala ko naman mahalagang message. Kalokohan lang naman pala.

*You have one new message receivee*

From: Dan

Tnggap mo txt ko tol? Chnce mo nyun. Wg kng mgalala. Dko snend ky Berry mo yun.

Ano daw? Chance ko ang alin? At nadamay pa si Berry my loves? Kalokohan talaga nitong si Dan.

Palabas na sana ko ng kwarto ko ng bigla akong may maisip.

Tama, gets ko na ang gustong sabihin ni Dan. Chance ko na nga yun.

----

Ah sht! Hindi talaga ko nagigising ng maaga kahit anong gawin ko! Badtrip.

Nagmadali naman ako para makapasok agad.

Pagkadating ko ay tinignan ko muna ang relo ko.

Shoot. 6:30. Ganitong oras ang dating ni Berry my loves. Ang cute ng pangalan niya 'no?

And boom. Nakita ko ng naglalakad papasok sa classroom nila si Berry.

Bakit kasi hindi ko siya kaklase eh?!

Heh. No time for daldalan.

Dali-dali akong tumakbo papunta kay Berry.

"Berry! Berry!" sigaw ko hanggang sa tumigil siya sa paglalakad at maabutan ko na siya.

Medyo nagulat naman siya sa pagsulpot ko bigla. Hindi naman kasi kami masyadong close. Lam niyo na. Torpe.

"Oh, Troy. Bakit?" tanong niya. This is my chance.

"Hulaan mo kung anong kulay ng suot kong shirt." sabi ko.

"Edi yellow. -______-" sagot niya.

Tsk. Jacket ko yung tinutukoy niyang yellow eh. Sinadya ko talagang mag-jacket.

"Hindi, may t-shirt ako sa loob. Hulaan mo kung anong kulay." sabi ko sakanya.

"Hmm. Black?" tanong niya.

Napasmile naman ako.

"I love you." sabi ko sabay karipas ng takbo.

Ano kayang reaksyon niya? Ang galing naman niyang manghula.

Nung sumunod na araw, naabutan ko ulit siya.

"Berry!"

"T-troy. H-hello." 

Namumula siya. Naiilang siguro. Ang cute niya talaga! Kaya mahal ko 'yan eh. Yak. So gay.

"Hulaan mo kung anong kulay ng suot kong shirt sa loob ng jacket ko." sabi ko. Sana mahulaan niya..

"Uhh.. Emerald? Hahaha. Joke lang." sabi niya. Galing naman niya para mahulaan yun?

Hulaan Mo. [One Shot]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon