ang mahiwagang binocular.

38 0 0
                                    

Ako si greg. Isa akong self-sustained student ng isang state university dito sa manila. Galling pa ko ng probinsya namin. Sa kabutihang palad, natanggap ako sa inaplayan kong scholarship program kung saan 75% ng tuition fee ko ay libre at meron pa akong tinatanggap na allowance every 2 weeks. Kaya ang pino problema nalang ng mga magulang ko ay ang pagpapadala ng buwanang renta sa inuupahan kong maliit na kwarto sa loob ng isang malaking boarding house. May apat na kwarto sa inuupahan ko. Bale dalawa lang ang okupado. Isa ang inuupahan ko, at isa naman ang tinitirhan ng may ari ng boarding house na inuupahan ko.

Malungkot  talaga ang mag isa. Maraming bagay na di mo pwedeng magawa ng mag-isa. Maraming nakakalungkot na bagay ang nakikita mo. Nakakalungkot kumain mag isa. Nakakalungkot umuwi na ang dadatnan mo lang ay higaan mo at mga konting gamit para sa sarili mo. Pero meron akong kakaibang gawain. Nagsimula ito noong nasa probinsya palang ako. Meron kasi kaming kapitbahay na napaka ganda at napaka puti pero bibihira lang sya kung lumabas ng tahanan. Isang araw nakita ko na may binocular ang kaibigan ko at agad kong hiniram ito at inuwi sa bahay namen kinagabihan. Sa bawat pagtabing ko ng kurtina ng aking kwarto ay kasabay din nito ang sikreto kong di pupwedeng malaman ng maganda naming kapit bahay. Alam ko ang lahat sa kanya. Mula sa paborito nyang damit na isinusuot hanggang sa paboritong kulay at design ng mga underwear nya. Alam ko ang oras ng pagtulog, pag gising, oras ng pagkain at oras kung kelan patakas na binibisita ng nobyo nya ang kanyang kwarto.

Baon baon ko hanggang manila ang mahiwagang binocular ko. Ang binocular na may kakayaang Makita ang mga bagay na hirap ng abutin ng normal na mga mata ng tao. Gumagabi na, hawak ko na ang sandata ko panlaban sa bagot at sandata ko para manira ng katahimikan ng isang indibidwal na walang kaalam-alam sa ginagawa ko. Pinatay ko ang ilaw ng aking kwarto at medaling umupo sa aking higaan. Sa kanang bahagi ng kama ko ay ang binatana. May mga rehas at salamin kontra  magnanakaw o sa mga lamok na gusting pumasok at mang istorbo sa gawain ko na tanging ako lang ang nakakalam. Hinawi ko ang kurtinang asul, dahan-dahang idinikit ang mga mata sa dalawang butas na may kakayaaang palipitin ang isang bagay na malayo sayong paningin. Panibagong kasalanan.

Ang boarding house na tinitrhan ko ay kabilang sa hilera ng mga kabahayan, tindahan, kainan, compshop at iba pang mga boarging house sa kahabaan ng isang kalsada na nasa loob ng U-belt. Maiingay na kapit bahay, mga nagtatakbuhang bata, mga nagtatawanan na tambay, mga nagiinumang mga tatay, mga usok galling sa mga nagtitinda ng isaw ang kadalasan kong nakakasalumuha sa kabuuhan ng araw ko pagkatapos kong pumasok sa school. Isang mahabang kalsada na ang tanging buhay na makikita mo lang ay mga taong pinipilit na lagpasan ang kabagutan na dinadala ng mahaba at walang patungo na kalsada.

Sa tapat ng boarding house ko ay may isang boarding house din. Bagamat two-story building din ito ay di maikakaila na mas maliit ito kumpara sa tinitirhan ko. Malinis bahay mula bakuran hanggang sa pintuan, at ang mga pader ay kumikinang sa pagkaputi dahil sa malinis nitong pustura. Tinitigan ko ang pintuan at nakita ko gamit ang binocular ko ang  karatulang nakasabit sa pinto. “WANTED LADY BED-SPACER”. Pumintig ang aking sintido nang mabasa ko ang karatula. JACKPOT! Agad kong naibulong sa sarili ko. “puro babae lang nakatira dito, panigurado.”. tinitigan ko ang bintana ng kwarto sa ikalawang palapag. May kurtinang nakaharang at nakapatay ang ilaw. Nadadampian ng dilaw na ilaw ng kalsada ang mga rehas na nakaharang na rehas sa bintana ng isang abandonadong kwarto. Malungkot na imahe kung susumahin mo.

Tumingin ako sa orasan, 7:37pm. Marami rami narin pala ang nasayang kong oras sa pagnuod sa mga nagiinuman, kumakain at nagtatawanan kong mga kalapit bahay. Pero wala pading pumapasok na tao sa boarding house na puti. Ilang sandal pa, isang estudyanteng babae na may dalang dalawang libro, at sling bag na nakasabit sa balikat nya na nakalaylay hanggang sa kanang bahagi ng hita nya. Nadadampian sya ng ilaw ng kalsada, bumabanda sa kanyang mgandang mukha ang dilaw na ilaw ng lamp post na nasa tabi ng boarding house na puti na kinakatayuan nya. Inilabas nya ang susi at sinusian ang gate. Pumasok. Nilabas ang susi. Pumasok sa pinto. Sinara. Kilala ko ang babae.

Bumukas ang ilaw sa kwarto na nasa ikalawang palapag ng boarding house. Ang kwarto na nasa tapat ko mismo at pilit na inaabot ng mahiwagang binocular ko. Kilala ko ang babaeng nasa likod ng mga manipis na kurtinang humaharang sa bintana nya. Kilala ko ang babae na nakasuot ng unipormeng puti na may linya ng pink sa blusa. Kilala ko ang babaeng umaagaw ng atensyon ng madaming kalalakihan. Kilala ko ang babaeng numumula mula ang mga pisngi kapag natatamaan ng araw. Kilala ko ang babaeng dumadanas ng malungkot na buhay na dinadanas ko ngayon. Kilala ko ang babaeng madaming kaibigan. Kilala ko ang babaeng palaging tumatawa. Kilala ko ang babaeng madami na ang nakita kong kasama nyang lalaki. Kilala ko ang babaeng mahina sa math. Kilala ko ang babaeng na late makapag exam sa zoology. Kilala ko ang babaeng palaging kumakain mag isa sa ilalim ng puno ng caimito tuwing als kwatro ng hapon. Kilala ko ang babae na palaging nagbibigay ng tinapay sa matandang babae na nakatambay lagi sa  kanto ng morayta.

Hinawi nya ang kurtina at yumuko ako at nagtago. Kabado na baka makita nya ako. Kabado na baka malaman nya na palihim ko syang tinitignan. Kilala ko ang babaeng maraming beses ng nadapuan ng mata ko ng di ginagamit ang mahiwagang binocular ko. Dahan dahan akong sumilip muli para tignan ang mga maamo nyang mata. Kinuha nya ang cellphone nya at tumingin sa orasan. Kumuha sya ng tuwalya at pintay ang ilaw at isinara ang pinto pagkatapos nyang lumabas ng kanyang kwarto.

Nakabihis na sya, suot nya ang isang maiksing short, sanding kulay itim, hikaw na mahaba, kolorete sa mukha, eyeliner, lipstick, at di padin nawawala ang kulay na mamula mula sa kanyang mga pisngi ng tamaan sya ng ilaw ng lamp post. Habang nagbibihis sya kanina ay naaninag ko ang katawan nya sa kabila ng manipis na kurtinang nakaharang sa bintana nya. Ang makinis at balingkinitan nyang katawan. Ang maputi at napaka glamoroso nyang balat. Kulay ng panloob nya, at nakita ko din kung ilang beses syang nagpalit ng damit. Masyado syang maganda para umalis sa paningin ko. Kilala ko ang babae na naka ayos ngayong gabi. Ang babaeng nag aaral sa mahal na paaralan. Kilala ko ang babae kaya susundan ko sya.

Sa kahabaan ng kalsada ng recto na naiilawan ng mga lamp post at mga ilaw ng mga rumaragasang jeep ko sya tinitignan ng malayo. Lumakad. Nagtetext. Lumakad. Sinusundan ko sya, maingat na wag nya akong mahalata sa parehong paraan na di dapat sya mawala sa paningin ko. “yosi muna” mahina kong sabi sa sarili ko. “nay magkano Marlboro?” tanong ko sa tinder ng yosi. “lights?” sagot nya. “pula” “limang piso lang”. kumuha ako ng yosi at sinidihan ito. Pagkatingin ko sa babaeng  sinusundan ko ay malapit na sya sa kanto ng avenida. Dinalian ko ang lakad ko para di sya mawala sa paningin ko. Ano ba tong ginagawa ko? Bakit ko sinusundan ang isang tao na di ko man lang alam ang pangalan.

Sa may kalsada ng carriedo sya huminto. Nagaabang ng masasakyan? May hinihintay na sundo? May kaibigan na makikipagkita? Gigimik?. Tanong ko sa sarili ko. Sa pagkakataong ito limang metro nalang ang layo ko sa kanya. Bumil ulit ako ng yosi at nagyosi habang tumutingin sa mga paparating na sasakyan, kunwari ay nagaabang ng masasakyan. maraming minute na ang lumipas at nakatayo padin kaming dalawa. Estranghero ang pakiramdam pero parehong nakatayo sa kahabaan ng avenida. Maya maya pa ay may humintong kotse sa harapan ng kilala kong babae. Yumuko sya sa bintana ng bumukas ang salamin na nakaharang dito. Di ko naririnig ang pinaguusapan nila. Siguro nga gigimik sila ng mga kaibigan nya.

Makalipas ang ilang minute ay binuksan nya ang pinto at pumasok sya. May hawak nanaman akong panibagong yosi na hihithitin. Umaandar ang kotse. At dahan dahang dumaan sa harap ko para bumwelo at kumuha ng bilis. Nakita ko ang babae sa harapan ng kotse. Ang kilala kong babae na nakatira sa harapan ng inuupahan ko. Ang magandang babae na sinundan ko hanggang dito nagkatinginan kami ng mga mata. Ang mga magaganda nyang mata ay nababalot ng lungkot. Lumagpas ang kotse sa harapan ko at tumakbo na. sa dulo ng aking paningin nakita ko ang kotse na lumiko sa isang motel sa kahabaan ng avenida. Saying di ko dala ang mahiwagang binocular ko.

ang mahiwagang binocular.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon