Dear Crushmate (ONE SHOT)

16 3 0
                                    

A/N: Hi! Unedited po ito, kaya pasensya ng marami sa mga grammatical errors at typos. Kauna-unahan ko po itong kwento sa wattpad kaya maraming salamat po sa mga magbabasa :) Kung nagustuhan nyo naman po, please vote and leave a comment.

Nagmamahal nang marami,

~lalelaleynona

*****

"...Brenigan, Aaron Jester P..." napangiti ako ng makita ko ang pangalan nya sa listahan ng mga magiging classmates para sa ko subject na 'to.



Gusto kong magpagulong-gulong,magtititili at magtatalon sa tuwa. OMG! Sa wakas! Magiging kakalase ko na rin sya. Ito na kasi ang kahuli-hulihang subject ko para sa araw na'to kung kaya't grabe nang litaniya ang ginawa ko para lang maka-klase ko sya. Hindi kami magka-department kaya naman talagang malabong magiging kaklase ko sya, ang aking long time crush.


High school palang kami crush ko na si Eyon, ang palagiang tawag sa kanya ng karamihan. Sobra-sobra nga ang tuwa ko nang malaman kong sa kaparehas kong school din sya magko-kolehiyo. BS Civil Engineering sya while ako ay BS Accountancy, kaya nakakapanlumo dahil sobrang dalang ko nalang syang makita. The fact na magkalayo kami ng ng building, malabong-malabo din na magiging classmate ko sya. Sinadya kong kumuha ng tatlong minor subjects na kung saan meron din ang course nila at nagbabasakaling magiging kaklase ko sya sa isa sa mga minor subjects na yun.


Huminga ako ng malalim at ngumiti. This is it! Pansit! Pagkapasok ko ng room wala pang madaming estudyante. Iilan pa lang sila at wala din sya sa iilan na yun. Naghanap ako ng bakanteng upuan sa may gild ng bintana mlapit sa pintuan, 2nd row. Nilagay ko na ang bag at gamit ko at prenteng umupo. Naramdaman kong nag-vibrate ang cellphone ko kaya kinapa ko ito sa loob ng bulsa ko.


From: BFF <3

Om? Ano na? R u still alive? Hihi XD

-end-


Napaka shunga talaga ng best friend kong to kahit kelan. Di ko na sya ni-replyan kasi alam kong mauuwi na naman kami sa chikahan, total may marami pa naman kaming panahon para mag-usap. Nag-bell na, signal na magsisimula na ang klase. Isa-isang  nag sidatingan ang mga kaklase ko na sinundan din ng magiging prof namin. Nilibot ko ang aking buong paningin sa classroom.


"Bat wala sya?" napatanong ako sa sarili ko. Hindi kaya, hindi talaga kami magka-klase? O baka naman absent lang sya? Ngee. First day na first day, absent agad sya? Psh -.-


Nagpakilala lang si Sir sa sarili nya at binigyan kami ng seating arrangement.



"Seat no. 7, Brenigan." Tinuro ni Sir ang upuan malapit sa aisle, 1st row. Nang maramdaman ni Sir na walang kumilos para pumunta sa upuang yun, nilibot nya ang paningin nya sa lahat.


"Where is Mr. Brenigan?" Nakakatakot naman si Sir. Asan na ba kasi si Eyon?


"Here I am Sir." Napatingin kami sa dumating, isang lalaking pawisan at habol-habol pa ang kanyang hininga habang nakahawak sa magkabilang tuhod nya. Ang gwapo pa rin nya! Ano ba yan!

Hello Omniah (ONE SHOT)Where stories live. Discover now