Ang Jeep ni THE ONE

225 2 1
                                    

BTW, real life conversation namin ng friend ko(driver) yung in bold characters. At hindi niya alam na siya ang tinutukoy ko sa mga "hugot" na 'to.

Ang Jeep ni Juan

Unang Sakay

Pasahero: “Ang pag-ibig ko sa ‘yo ay parang pagbabayad sa jeep. Bayad ako ng bayad, wala naman akong natatanggap na sukli.”

Ayaaaaan. Eto tayo sa one-way na pag-ibig. Crush mo si kuya, pero hindi naman niya nakikita ang araw-araw mong pagpapapansin. Gusto mo si ate,pero wala na, you’re late, taken na siya. O kaya naman, mahal mo si someone, pero yung bestfriend mo naman ang mahal niya. Haaaay. Nkakarelate ka ba?  Normal na ata ‘yang nangyayari sa lahat ng tao: Kung sino pa ang gusto mo, yun ang ayaw sa ‘yo. Sakit naman nun. Eh kung hndi ka naman ayaw, hindi ka lang gusto. BOOM! Magkasing sakit lang din yun.  Ayon pa nga sa reader’s digest, sa sitwasyong gusto ka ng 9 out of 10 natao,  sobrang laki ng posibilidad na ang natitirang 1 out of 10 pa ang magugustuhan mo. Sadyaan?! How ironic, diba? Ganun kakumplikado ang buhay.

Kaya naman hindi na ‘ko nagtatakang hindi ka pa sinusuklian ni Driver. Hindi mo ba nakikita? Busy pa siyang suklian ang ibang tao. Isang taong mas importante kaysa sa iyo. Yung  taong mas naunang magbayad. At kung ikaw naman ang naung magbayad, yung taong mas nauna niyang napansin.

May dalawang maaaring kahinatnan ito: It’s either mapapansin ka din kalaunan ng Driver, o kaya naman,  hindi ka na niya mapapansin habang buhay. Hindi na babalik ang sukli mo, at uuwi ka nang nganga, luhaan, at sugatan. Pag napansin ka niya, edi Panalo! Jackpot! Winner! Wagi! Hindi  ka mauubusan ng sasabihin. J Edi maswerte, napansin ka ng taong gusto mong pansinin ka. Sa wakas,  pagkatapos ng mahaba at matagal na biyaheng punong-puno ng pagpapapansin at pagpapa-alala, nakita karin ng Driver at sinuklian ka niya. Bumaba na siguro yung huling sinuklian niya, o kaya  naman ikaw nalang ang pasaherong natitira sa jeep at wala na siyang choice. Charot. Basta ang mahalaga, napansin ka na niya,  and it’s your time to shine!

Sa kabilang dako, kung hindi ka naman napansin ni Driver at  tingin mo wala na talaga siyang balak nasuklian ka… Ay! Engot ka nalang kung aasa ka pa! Napakagahaman naman ng driver nayan, miski one-fourth lang ng sukling gusto mo, ayaw pa niya ibigay? Maghanap kana ng iba mong sasakyan na jeep sa susunod, alalahanin mo na yung pagmumukha nung driver at siguraduhin mong hindi ka na sasakay uli sa kanya, este sa jeep niya. :p Siguro nakita ng Driver na mukha kang mayaman, marami ka pang pamBAYAD sa ibang jeep, (if you know what I mean). O kaya naman alam niyang hindi niya talaga maibibigay ang hinahanap mong sukli. Kaya wag mo nang aksayahin ang oras at panahon mo sa pagpapa-alala ng sukli mo sa kanya. Isang pasahero lang ang nakikita niya, at hindi ikaw yun. OUCH!

Driver: Sakto lang kasi, kaya walang sukli.

Pasahero: Aww. Aww. So dapat sobrahan ko pa?

Driver: Dapat BUO.

Pasahero: Hindi pa ba buo yung binigay ko?

Driver: Baka naman nasuklian ka na pero kulang?

Eh ayun naman pala e. Nasuklian ka naman daw pala. Hindi lang siguro yung sukli na inaasam-asam mong makuha. May iba-iba kasing levels ng sukli e. At syempre, yung buong sukli ang gusto nating makuha. Yung katapat ng binigay natin. Yung we received what we paid for. Saktong-sakto, swak na swak. Walang labis, walang kulang. Para sakto yung naibigay mo at sakto yung binigay niya sa ‘yo, patas kayo. Quits. Syempre ganun talaga dapat ang uri ng ugnayan. Pantay at walang nakalalamang.

Malas mo lang kapag kulang ang isinukli sa iyo. Yung sobrang binigay mo na ang lahat,  pero piso lang ang isinukli sa iyo. Kasi yun lang daw ang kaya niyang ibigay. Yung  inalay mo na ang lahat ng pagmamahal mo, pero pagkakaibigan lang ang kaya niyang ibigay sa ‘yo. In short, friendzonee ka. :)

Pero wag kang mag-alala. Kasi atleast diba? May sukling ibinigay sa ‘yo. Kahit papaano napansin ka niya  at binigyan ka nya ng parte sabuhay niya. Hindi kaniya binitiwan sa ere at iniwang nganga.  Atleast magkaibigan kayo at hindi pa puro lang lihim na ugnayan. Hindi yung pasulyap-sulyap pa kunwari, patingin-tingin nalang sa akin. Yeah \m/ (if you know what I mean).

Pasahero: Baka nga. Oh baka kasi sabi niya barya lang po sa umaga. Masyado pang maaga kaya ayun muna.

Driver: Baka kasi masyado pang maaga para suklian ka? Hinihintay ka lang niya na ipaalala uli na may sukli ka pa?

For the first time, mga kapatid, nagkapareho din ng pananaw sa buhay ang pasahero at ang driver. Baka nga naman daw masyado pang maaga? Eto tayo sa usapang maling oras e. We had the right love at the wrong time, ika nga.

May mga bagay kasi na kahit anong pilit mo, kahit anong gawin mo, kung hindi pa naman talaga oras, eh wala talagang mangyayari.  Di ka naman pwedeng magpapalit ng schedule kay God at sabihing, “Ngayon na! Andito na siya oh! Kami na lang please! Hindi ko na kayang mag-antay pa!! Waaaaa.” Okay ang OA nun. Pero diba? Wala naman ibang makakapag-desisyon sa ganyan bagay. Kasi hindi naman natin alam ang tamang panahon at oras.

At sa ganitong pagkakataon, ang nararapat na gawin ay ang maghintay sa tamang panahon at oras. Patience is a virtue. Oo, alam nating lahat na nakakapagod maghintay. Kahit na sabihin nating kaya nating gawin ang lahat para sa taong mahal natin may mga panahon talagang napapagod din tayo. Kung ang ulap nga, napapagod yan magdala ng tubig. Ang puso din natin ‘no, napapagod din itong umibig. May mga taong nakakayanang maghintay at malampasan ang lahat ng pagsubok. At mayroon din namang bumibitaw at naghahanap ng tamang panahon upang muling kumapit. Kasi kung kayo naman talaga ang para sa isa’t-isa, magkikita at magkakasama kayong muli, Somewhere Down the Road <3

At sa muli niyong pagkikita, maaaring nakalimutan niya na o hindi na siya sigurado kung kinakailangan mo pa ang iyong sukli. Pero sa tingin ko hindi na kailangan ang pagpapaalala. Masyadong masakit ang nakaraan, lalo na kung babalikan. Might as well gumawa nalang kayo ng bagong memories, yung mas masaya at mas kaala-alala.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Aug 26, 2013 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Ang Jeep ni THE ONEWhere stories live. Discover now