Rebound

77 3 0
                                    


Sana magustuhan niyo. ^_^


**


Kian's POV


"Par, wala pa si Topher?"tanong sakin ni Ivan. Andito kasi kami sa may hallway ng school. First day.


"Wala pa. Nakita mo na ba?"pilosopong sagot ko.


Btw, ako nga pala si Kian Alonte. 18 years old. First year College. At eto namang kasama ko, si Ivan Diaz at yung hinahanap niya, si Christopher Villaroel. Mga kaibigan ko.


"Oy, mga Tol!"rinig naming sigaw ng sino man. Kaya tinignan naming kung sino. Speaking of, andyan na si Topher. At may kasama pang babae, sino kaya 'to? Bagong chicks niya? Haha.


Napalinga-linga naman ako sa paligid. Wala pa ba si Allison? Tagal naman ng babaeng yon.


"Yow! Sino yan, Tol? Bagong chicks mo? Haha"natatawang tanong ni Ivan.


"G*go! Pinsan ko 'to. Transferee. Siya nga pala si Alexa. Alexa, mga kaibigan ko, sina Kian at Ivan."pagpapakilala ni Topher.


"Hi."naka-ngiting bati ni Alexa. Nginitian ko na lang din.


"Hello. I'm Ivan."pagpapakilala ulit ni Ivan sa sarili at nakipag-shake hands pa. Tinanggap naman 'to ng pinsan ni Topher.


"Kiaaaan!"rinig kong tawag sa pangalan ko, kaya napalingon ako kung sino. Si Allison pala. Kanina ko pa 'to hinihintay eh.


Siya nga pala si Allison Garcia. Kaibigan ko, pero gusto ko siya higit pa sa kaibigan. Matagal ko na siyang mahal. Pero di ko alam kung ganun rin siya, pero ang sabi niya, friends lang daw kami eh.


"Ang tagal mo naman, Son."sabi ko nang makalapit na siya sa amin.


"Syempre, ang traffic kaya. At 'no ka ba, ang aga pa kaya."ani niya.


"Ehem. Andito pa kami, incase na nakalimutan mo na, Tol."kunwaring pag ubo ni Ivan at natawa pa. Papansin talaga nito.


"Lul. Ah, oo nga pala, Son, si Alexa, pinsan ni Topher. Alexa, si Allison, kaibigan ko."pagpapakilala ko naman sa dalawang babae.


"Ahm, Hi."bati ulit ni Alexa nang naka-ngiti. Pero nginitian lang rin siya ni Son, masungit kasi 'to eh.


"Ah, wait lang, mga Tol. Hahatid ko lang si Alexa sa Culinary Dept."paalam ni Topher at akmang aalis na ng pigilan sila ni Ivan.


"O-oy, sama 'ko!"wika niya. 'To talaga napaka-ano. Type niya lang yung pinsan ni Topher eh.


"Bahala ka."ani Topher at nauna na silang mag-lakad ng pinsan niya. Sumunod naman si Ivan.


REBOUNDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon