"Okay maayos na!" Tuwang tuwa ako sa design nang cupcakes na ginawa ko. Baymaaaaax! Ang cute cute.
Napagisipan ko narin kanina habang nag b-baked ako ay dapat maging friends na kami ni Kaiden. Lahat sila. Sige kasama din syempre si Zoey. Kung ano man kinagagalit niya sakin wala akong pake. Dapat maging friends na kaming lahat! Haha
Si Pierce kasi kahit papaano ay kinakausap na niya ako. At ang maganda pa doon ay tumatawa narin siya sa mga corny jokes ko haha!
Nag text ako kay Kuya kung dito sila pupunta sa bahay pag uwi. Kaso sabi niya mag pupuntahan pa daw sila. At mag g-gig din sila. Sayang naman yunv mga cupcakes. Madami pa naman akong binaked.
Kaya nag text ulit kay Kuya kung saan sila mag p-practice para ibigay ko nalang sa kanila yung binaked ko.
Nag bihis muna ako. Ang suot ko ngayon ay Slim fit casual blouse with matching skinny gloss jeans. Doll shoes nalang binagayan ko para sa paa ko. Tinali ko ng messy bun yung hair ko at nag lagay nalang ako ng konting pulbo sa mukha ko.
Bumaba nako para iayos at ilagay sa isang cute plastic container yung mga cupcakes. Nagpaalam nako kila nanay na pupunta ako kila Kuya.
As usual taxi na namana ng lola niyo. Ayaw pa kasi ako payagan mag maneho.
Sinabi ko sa driver yung eksaktong address ng bahay nila... Kaiden. Duon kasi sila Kuya ngayon mag p-practice eh.
Pagtapat sa bahay nila ay nagbayad na agad ako at bumaba na sa taxi. First time ko makapunta dito. Kaso hindi gaya ng bahay namin at nila Keith ito. Ito malaki siya. Tama lang. Magaganda ang mga disenyo. Ang sami mas malaki.
Nag doorbell ako at maya maya pa ay pinagbuksan narin ako ng guard nila ng gate. Pumasok nako.
Tinanong ko muna sa maid kung nasaan sila, ang sabi naman nito ay nasa music room sila. Umakyat ako sa second floor at hinanap ang music room doon. Mas maganda ang bahay nila sa loob. Magarbo ang mga designs. Kaso parang masyadong malungkot yung tema.
Narinig ko na ang ingay sa isang kwarto. Panigurado nandito sila. Kakatok pa lang sana ako ay biglang may nagbukas na ng pinto.
Nagkatinginan kami sa mga mata. Ganun parin ang ekspresyon niya sakin. Malamig.
"K-kaiden may ibibigay lang naman ako kila Kuya" nag iwas ako ng tingin.
"Aalis ka agad?" Tanong niya
"Ah oo. Wag ka mag alala hindi naman ako mag tatagal dito"
"Okay lang naman kung dito ka muna"
"Pwede?" Napa tingin ulit ako sa kanya. Tumango-tango naman siya. Ngumiti ako
"Salamaaaat!" Tumakbo nako palapit kila Keith at nag tatalon.
"Sab!" Tawag sakin ni Keith at niyakap ako. Pumunta naman din sakin si Pierce at nakipag apir.
"Si Kuya?" Tanong ko sa kanila
"Ahh, nag cr lang. Tara upo tayo" yaya sakin ni Pierce.
"Hala ganyanan, si Sab lang talaga niyaya umupo eh" nagtatampong sambit ni Keith. Haha ang kyot!
Lumapit ako sa kanya at kinurot siya sa pisngi.
"Tara na nga"
Habang naguusap kami ni Keith ay biglang tumabi sakin si Pierce
"Sab hehe" sabi ni Pierce sakin at nag papacute
"Anong kadramahan iyan, Pierce? Haha"
"Tulungan mo ako please?"
BINABASA MO ANG
The One
FanfictionMaria Sabrina Collins ang babaeng fan ng grupong 'The Bad Boys Band' na kinabibilangan ng kanyang kuya na si Seth Collins. Ang bumubuo sa banda nila ay sina Keith Montefalco, Pierce Navarro, Seth Collins at si Kaiden Anderson. Kasama niya ang kanya...