Chapter 12
ABHIE'S P.O.V
Tapos na ang 2nd subject namin kaya naman nagmadali akong lumabas para kumain na sa canteen! Tinatawag ako ni Shane pero iniiwasan ko siya, ewan ko nahihiya kasi ako sakanya dahil sa comment niya sa picture ko kagabi!
Umorder na ako ng lasagna at softdrinks! Tapos umupo ako sa pinakasulok ng canteen, pati si Elle tinatawag ako.
Nagsimula na akong kumain, pero natigilan ako ng umupo siya sa harapan ko. Tumungo ako.
"Iniiwasan mo ba ako?" - biglang tanong niya.
"Ha? Hindi ah!!" - sigaw ko.
"Hindi? Tinatawag kita kanina hindi mo ako pinapansin, may problema ba tayo Abhie?" - ta-tayo? Ka-kami? Ano ba kami? Ah takte masyado kang assuming Abhie!
"Wa-wala noh! Anong problema ka jan. Wala." - sabi ko saka sumubo na ako ng lasagna.
Biglang umupo si Elle at Stan sa table ko, nginitian ako ni Stan! Isa pa 'to! H'wag kayong magtaka kung bakit ako ganito, first time kong masabihan na liligawan ako! Tapos si Shane parang nagyayaya ng date na ewan.
"Abhie!" - tawag ni Shane.
"Hmm?"
"Dahil ba 'to sa comment ko? Okay. Sa Saturday kasi.."
"Birthday ni Shane!!!" - sigaw ni Elle.
Napatingin ako kay Shane!
"Bi-birthday mo?!!"
Tumango si Shane.
"At..gusto kong lumabas tayong dalawa." - seryosong sabi niya, nanlaki ang mata ko! Bakit parang ang dali lang sabihin sakanya yon? Narinig ko ang paghigikhik ni Elle, si Stan naman nakatingin kay Shane!
"Ta-tayong dalawa?!" - sigaw ko. Tumango lang si Shane.
"Kailangan ko pa bang ulitin? Psh." - nagbago nanaman yung mood niya.
"Yiiee.. Magde-date sila." - pang aasar ni Elle saakin, hindi na umimik si Shane, kumain nalang siya.
___________
Nauna ng pumasok sa classroom si Elle at Shane, nag cr pa kasi ako eh. Naglalakad na ako papasok sa classroom ng biglang may humila saakin, paglingon ko.
"Abhie! Tungkol sa sinabi ko sayo kagabi sa chat.. Totoo yon." - sabi ni Stan habang hawak hawak ang braso ko, parang tanga naman akong natulala. Ba-bakit ganito? Bakit bigla silang nagbago?!
"Stan--"
"Basta Abhie ha! Liligawan kita! Sige papasok na ako!" - napansin kong medyo nahihiya pa yung itsura ni Stan, l-liligawan niya ako? Nababaliw na ba siya?
Pagpasok ko sa classroom napansin kong sinundan ni Shane ng tingin si Stan, sumunod naman akong tinignan ni Shane, pag upo ko sa tabi ni Shane.
"May gusto ba sayo si Stan?" - napapitlag ako sa tanong niya! Lumunok ako ng sunod sunod! Lord alam niyo namang crush ko si Shane pero bakit ang awkward ng feeling ngayong parang may gusto siya saakin? *O*
"Ha? Wala."
"Meron." - matipid na sabi niya, alam naman pala niya tatanong pa!
Dumating na yung Prof namin, nagpasulat muna siya sa board. Hindi nanaman nagsulat si Shane dahil tinatapos niya yung project namin sa Social Studies.
"Haay..ang boring, sulat nanaman." - bulong ko.
Narinig kong tumawa siya ng mahina. Tinignan ko siya, nakatingin din siya saakin.
"Amina yung kamay mo." - sabi niya. Napakunot ang noo ko.
"Ba-bakit?!" - tanong ko.
"Basta, bilis." - nakikita ko yung excitement sa mukha niya.
Ilalahad ko palang yung kanang kamay ko nagulat ako ng pagsalubungin niya ang daliri naming dalawa at idiniin niyang mabuti ang kamay niya sa kamay ko. Ngiting ngiti siya. Nanlaki ang mata ko ng maramdaman kong parang malagkit yung kamay niya.
"Shane!"
Ipinakita niya saakin yung lagayan ng mighty bond na wala ng laman! Medyo uminit yung kamay naming dalawa dahil sa mighty bond!
"HAHAHA!"
O_O
Ang lakas niyang tumawa parang wala kaming teacher kung tumawa siya, napatingin sa pwesto namin lahat ng kaklase namin dahil ngayon lang nila narinig na tumawa ng malakas si Shane.
"Mr.Briones and Ms.Bregnas!!" - sigaw ni Mam.Lactan! Kinabahan ako! Pilit kong hinihila ang kamay ko pero masakit dahil sa mighty bond!
Hinigpitan naman ni Shane ang hawak sa kamay ko kahit na nakadikit na.
Tumayo si Shane! Pati ako napatayo dahil sa kamay naming dalawa! Pakiramdam ko nag iinit yung mukha ko!
"Excuse lang po Ma'am. Pero kailangan po naming lumabas ni Ms.Bregnas."
"Yiiieeee!" - mga classmates ko!
"Shane!" - sigaw ko.
Itinaas niya ang kamay naming dalawa at ipinakita yon sa Prof namin, nagsigawan nanaman ang mga kaklase ko.
"Napaghahalataan na talaga kayo ha!!" - sigaw ni Elle!
Lumapit saamin si Ma'am Lactan, galit ang itsura ng mukha niya. Hinawakan niya ang kamay naming dalawa, pero nanlaki ang mata ko ng tumawa si Ma'am.
"Naalala ko ang kabataan ko sa inyo. Ganyan din kami ng asawa ko nung nag aaral pa kami, mighty bond ba yan Mr.Briones?" - nakangiting tanong ni Ma'am.
"Yes Ma'am."
"Yiiie! Edi ibig sabihin magiging mag asawa din si Abhie at Shane!! Woohoo!" - sigaw ng isang classmate namin!
"Quiet class! Bibigyan ko kayong dalawa ng 25 minutes para paghiwalayin yang kamay niyo. Pag lumagpas na ang 25 minutes hindi na kayo pwedeng pumasok ngayon sa klase ko, labas na." - nakangiti pero ma-awtoridad na sabi ni Ma'am.
Tumango si Shane at naglakad kami palabas ng room, rinig pa rin namin ang sigawan ng mga kaklase namin.
Tumigil ako paglalakad!
"Shane ano bang ginagawa mo?! Sayang yung klase natin kay Ma'am." - sabi ko, totoo sayang talaga. Nagbabayad kami ng tuition noh.
"Sabi mo kasi naboboring ka. Kaya tara na." - nakangiting sabi niya, at naglakad na ulit kami. Sinusundan ko lang yung paglalakad niya hanggang makarating kami sa roof top.
May timba dito sa roof top kaya kinuha ni Shane yon at nilagyan ng tubig mula sa gripo. Binuhat niya yon gamit ang kanang kamay niya. Umupo kami sa sahig at inilublob namin ang kamay namin dun sa timba na may tubig.
"Hayaan muna natin sa tubig para maalis." - sabi niya.
Tinignan ko siya, nakangiti pa rin siya. Naramdaman niya yatang titig na titig ako sakanya kaya tumingin din siya saakin.
Nagulat pa ako ng hawiin ng kanang kamay niya ang buhok kong nakatabig sa mata ko.
"Natatakpan yung mata mo." - bulong niya. Tumungo ako. Naalala ko sabi niya kagabi maganda ang mata ko.
Sandali pa kaming natahimik, nararamdaman ko na rin yung pagluwag nung dikit sa kamay namin pero napatingin ako sakanya ng humigpit nanaman yung kapit niya sa kamay ko.
"Sa Saturday. Gusto ko ikaw lang ang kasama ko. Kaya sana pagbigyan mo ako." - seryosong sabi niya.
"B-bakit ako lang? Sila Elle?"
Umiling iling siya at nakita ko nanaman yung ngiti niya saakin.
"Gusto ko ikaw lang. Tayong dalawa lang. Dahil pakiramdam ko kapag kasama kita masaya ako, nakakatawa nga, kung dati hindi naman ako ngumingiti ng ganito, pero simula ng makilala kita sumasakit na ang panga ko sa kangingiti dahil sayo."
****