I just want to promote my One shot story entitled "Am I Falling in love with Him?". Sana po basahin niyo!!!!!
________________________________________________________
Some people are going to LEAVE, but that's not the END OF YOUR STORY. That's the END of their PART in your Story....
♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥
Kathryn's POV
"Ok , nice shot! Okay guys pack up na!", sabi nung photographer. Hay salamat tapos na rin at makakapasok na ako.
"Naku! two subjects na ang na-miss ko!", habang nakatingin ako sa relo ko.
"Dalian mo na lang magbihis nang makarating tayo sa oras sa school mo!", paalala ni Ate Yvonne.
"Sige po!", at nagbihis na. Pagkarating na pagkarating sa school ay dumeretso na agad ako sa third subject ko. 2 minutes na lang at mali-late na ako.
"Yes! I'm not late!", bulong ko. Agad naman akong umupo sa tabi ni Bea. Medyo weird nga eh. Hindi niya ako pinansin.
"Ahm, Bea", tawag ko sa kanya.
"Bea....Bea....BEA!", medyo nilakasan ko yung pagtawag.
"Ah, ano yun? Kathryn?! Dumating ka na pala?", gulat niyang tanong.
"Ngayon lang. Ano bang nangyayari sayo? May sakit ka ba?", sabay lahad ko ng palad ko sa noo niya.
"Ah wala!", agad niyang iwas.
"Ah okay", inayos ko na yung upo ko dahil dumating na 'yung teacher namin.
Natapos ang subject at pumunta na ako sa locker ko para kunin yung P.E. uniform namin. Nagpasama ako kay Bea. Tahimik lang siya habang naglalakd kami papuntang locker room. Hindi naman kasi siya ganyan. Lagi nga 'yang maingay eh kaya lagi rin kaming napapagalitan kapag dumadaan kami sa corridor. Pero iba ngayon.
"Ah, Bea may problema ba?", seryoso kong tanong.
"W-wala naman..", pilit niyang ngiti sa akin.
"Throw it up!", sabi ko.
"Huh?", tanong niya.
"Sige na friends naman na tayo 'di ba? Mag-open up ka na ng problema mo sa akin"
"Wala nga ito", tanggi niya pa rin.
"Come on, Bea", pilit ko. Nag-sigh siya.
"Si Jhake kasi eh!"
"Bakit anong nangyari?"
"Sinigawan niya ako"
"Ano ba kasing nangyari?"
"Nagpapatulong lang naman ako para sa quiz natin sa Algebra. Tapos bigla na lang niya akong sinigawan", malungkot niyang pahayag.
"Baka nakulitan sa'yo?", tanong ko ulit.
"Sa tingin mo? Baka nga siguro...."
"Hay wag mo na nga lang intindihin 'yan, mamaya mo na lang isipin yan", pagche-cheer ko sa kanya.
"Sige na nga!", at pinilit niyang ngiti.
Nagmadali na kaming magbihis para makapunta na rin kami sa field. P.E. ngayon kaya nasa field kami. Medyo nahirapan ako sa mga pinaggagawa namin dahil hindi naman sporty ang katawan ko. Buti pa si Bea ykayang-kaya niya. May pagkalalaki rin itong gumalaw eh. Pagkatapos ng P.E. ay nagpalit agad ako ng damit. Mahirap ng matuyuan ng pawis magkakasakit pa ako. And in my line of work, bawal magkasakit.
"Tapos ka na?", tanong ni Bea.
"Oo, tara na!", yaya ko at lumabas na kami ng Comfort Room.
Habang naglalakad kami ay may tumawag sa pangalan ko.
"Kathryn!!!!!!", napalingon naman kami at nakita ko si Daniel.
"Oh, Daniel, ikaw pala, Bakit?", tanong ko.
"Kanina pa kasi kita hinahanap,", tumigil sandali at hinabol ang paghinga, "Ahmm kasi 'di ba malapit na 'yung election, eh tatakbo si Khalil, siyempre susuportahan namin siya"
"Kaya?"
"Kaya....gusto sana namin na sumali ka sa campaigning pati na rin ikaw Bea, yun kung pwede lang naman", sabay ngiti niya ng alanganin.
"Hmmm...titignan ko muna yung schedule ko", paalam ko muna.
"Teka teka! Paano 'yan eh niyayaya rin ako ni ella sumali sa campaign ni sino na nga ba 'yun?", sabi ni Bea at pinipilit alalahanin kung sino 'yung tinutukoy niya.
"Si Sofia ba?". Daniel
"Oo 'yun nga!", sang-ayon naman ni Bea.
"Vice President ni Khalil si Sofia, kaya parehas lang tayo ng Party", sabi ni Daniel
"Yun naman pala eh! Okay lang!", sabi ko at ibinaling ang tingin kay Daniel, "Sige susubukan naming sumali!"
"Aasahan ko kayo ah!", paninigurado niya pa. Nginitian ko lang siya bilang pag-san-ayon. Ngiti rin ang ibinalik niya.
"So ganun? Mag-ngingitian na lang kayo dito?", singit naman ni Bea. Sabay naman kaming umiwas ng tingin.
"Alam niyo maraming oras para sa quality time per pwede wag ngayon. Mali-late na tayo", sabi ni Bea. Nagkamot lang ng batok si Daniel.
"Ahhmmm, O Sige mauna na ako! Basta aasahan ko kayo sa Meeting de Avance!", at tumalikod na.
"Tama na 'yang titig mo baka matunaw na si Lover Boy mo!", sabi ni Bea at hinila na ako papuntang next class. Sinulyapan ko ulit sandali si Daniel ng naka-ngiti at itinuon na ang mata sa dadaanan.
Sofia's POV
THIS GONNA BE THE WORST DAY OF MY LIFE!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!
ANG MAKASAMA ANG PINAKAPANGIT NA UNGGOY IN ENTIRE UNIVERSE!!!!!!!!!!!!!!
"Ahhhhhhhh!!!!!!!!!!!!!! Nakakainis talaga!!!!!!!!!!!!", sigaw ko dito sa higaan ko. Bigla namang bumukas ang pinto ng kwarto ko.
"Dyusmeyong bata ka! Ano bang nangyari at kung makasigaw ka eh parang nakakita ka ng multo?!", sabi ni manang. Kung alam mo lang manang, mas malala pa sa multo ang pagmumukha ng hinayupak na 'yun.
"Ah-ah-ah,", ano ba yan wala akong masabi.
"What's that noise? Umagang-umaga nambubulabog ka Sofia", silip ni Kuya mula sa pintuan ng kwarto ko. Halatang naistorbo ko ang pagtulog niya.
"Wala Kuya! Manang labas na po kayo para makaligo na po ako", palusot ko na lang at lumabas na rin sila. Agad naman akong naligo para hindi malate sa breakfast. Mahirap ng mapagalitan. Pagkatapos kong makapagbihis ay agad-agad akong bumaba para kumain. Nandoon na sila Mom at Dad.
"Where's Stanley?", tanong ni Papa.
"Still sleeping. Hayaan mo na ang anak mo, bumabawi lang ng tulog", sagot ni Mommy, "Oh Sofia, kumain ka ng marami para hindi ka madaling mapagod mamaya", paalala ni Mom.
"Bel, hindi na bata si Sofia, para paalalahanan", sabi ni Dad.
"So? She's still my baby", sabi naman ni Mom
"Mom..",
"Okay I'll stop, Ah, Ronald, pakilagay na sa sasakyan yung mga box ng pagkain", sabi ni Mom sa driver namin.
"Aanhin niyo ang mga pagkain na yan?", biglang tanong ni Dad.
"Ahmm, ibibigay po namin sa mga mahihirap na baryo po", sagot ko.
"Iyan ang mga problema sa mga mahihirap, hingi ng hingi, kasi naman kayo bigay ng bigay, tinuturuan niyo silang maging tamad", sabi ni Dad.
"Tumutulong lang naman ang anak mo, Ernest", singit ni Mom, "Come on Sofia, bilisan mo ang pagkain ng hindi ka malate sa school"
"Yes, Mom", pagkatapos kong kumain ay kinuha ko na agad ang gamit ko.
"Sofia, don't forget to give this to the children out there. Siguradong masasayahan sila sa mga laruang iyan", sabi ni Mom at ibinigay sa akin yung mga plastic ng laruan.
"Thanks Mom!", at kiniss na siya.
"Hey, Sofia!", habol niya pa, "Take care of yourself there!"
"I will Mom!", at sumakay na sa kotse.
Pagkarating na pagkarating sa school ay may sumalubong sa akin na unggoy. Ayan, ayan na ang malas.
"Hey, what's that face? Umagang-umaga nakasimangot ka?"
"Tinatanong pa ba yan?", ikaw lang naman ang dahilan.
"Chill lang! Uusok na naman 'yang ilong mo sa galit eh!", inis niya pa.
"Kung ayaw mong tuluyang umusok ako sa galit, tigil-tigilan mo ako Ramos", matigas kong sagot sa kanya.
"Hay, kailan ka ba hindi magsusungit sa akin? Lagi ka na lang galit kapag nakikita mo ako...", singhal niya.
"At sino naman ang hindi magagalit sa pagmumukha mo aber?", at ibinaling naman ang atensyon ko sa driver namin, "Manong pakilipat na lang po yung mga dala ko sa kotse nila"
"This gonna be a fun day!", sigaw naman nung unggoy.
Anong fun? Ito nga ang pinakamalas ko na araw eh!
________________________________________________________
Got To Believe na po mamaya!!! Happy KathNiel Day!!!!!
@Angel_smile
Leissha!
BINABASA MO ANG
The Love Behind Music
FanfictionLove........ Sabi nila, ang pinakamasayang event na dadating sa buhay mo. Pero ito din daw yung pinakamasakit kapag nawala. Kaya mo bang tanggapin ang pagpana ni Kupido sa puso mo? Handa ka na rin bang magmahal and at the same time masaktan? Love...