Time out muna tayo kay Brieanne~ sumasakit na ulo ko sa babaeng yun hahahaha lol
Anyways, kay Jia muna tayo oki? (Kung may nagbabasa man, hello~! ahaha)
Enjoy~! ^^
-------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------
Jia's POV
2 weeks na ang nakalipas since nung nag-usap sina Rae at Brie, sino nagsabi? Si Chann lang naman. Napaka-chismosong lalaki talaga kahit kailan. Ang sabi pa nya sa amin, nagulat daw sya na nandun pa si Brie sa school, pero binuking din sya ni Brie na hinintay daw sya nito. Mga galawang Palma talaga. Tsk. Okay naman na sila, pwera kay Shaughn na ang tahimik at sumasama minsan sa amin since kabarkada namin si Rae. Nagtataka nga kami kasi parang naging close silang dalawa ni Harvey. Well, boys and their friendships.
"Okay class, please be quiet. I have something to say." pagpapatahimik sa amin ni Miss kasi sobrang ingay talaga pero parang walang paki ang mga kaklase ko.
"Sige, hindi kayo tatahimik o yung section lang na 'to ang hindi sasali sa intramurals?" bigla namang natahimik ang buong room sa binanggit ni Miss. Wag na kayo magtaka, ganito talaga dito sa room, pag usapang sports na, talagang magiging attentive sila't puro mga excited since Athletic halos ang mga kaklase namin.
"Yun lang pala ang magpapatahimik sa inyo. Okay, since nasa kalahati na tayo ng month of August, it's time to take a break and have fun. Alam ko namang excited na excited kayo kapag nagi-intramurals so, it's your time to shine!" masiglang sambit ni Miss at naghiyawan ang mga kaklase ko. Pero nangingibabaw ang hiyawan ng tatlong ugok---- si Chann, si Harvey, at si Jacque. Ano pa bang bago 'di ba?
"Miss! Diba po may Mr. and Ms. Intramurals? Pano po yun?" tanong bigla ni Elida, oo nga no? Bat di pumasok sa utak ko yun?
"Oh, about that. The Senior High will compete with the Junior High. First time ito since last year hindi kasali ang Senior High. 1 pair or 2 representatives nga lang ang kukunin sa Senior High. Isa sa Grade 11 at isa din sa Grade 12. Pero ganun parin yung sa Junior High, 1 pair each council." pagpapaliwanag nya't napa-"ahhhhh" naman kaming lahat. Buti naman? Last year kasi dismayado ang batch ng Senior High e.
"Pano po pipili ng magre-represent sa Senior High?" this time si Rae na ang nagtanong. Bakit ba big deal sa kanila ang representatives?
"We'll have a meeting for that, kaming teachers ng mga Grades 11 and 12 ang pipili. So, baka bigla nalang silang ipatawag kapag practice na. As of now, Senior High nalang ang walang representatives since nakahanda na pala talaga ang Junior High para dito. We'll have a meeting later kaya baka bukas din, malalaman nyo kung sino ang representative." THE HELL?! Excited talaga sila ha? Ang bilis naman!
"Kailan po ba yung intramurals?" napatingin silang lahat sa gawi ni Shaughn. Okay~ minsan lang kasi umimik to simula nung bumalik sya.
"Next week, Tuesday to Friday." sagot naman ni Miss.
"Ang tagal naman po nun Miss!" reklamo ni Harvey pero napatawa lang si Miss.
"Don't worry, this week will be the week of preparation. Puro practices at try-outs lang ang week na ito. Kaya madalas di kayo nagka-klase or baka di talaga mag-klase." paliwanag ni Miss at nagliwanag ang mga mukha ng mga boys.
BINABASA MO ANG
The Derp and I (Chanyeol FanFic)
FanfictionHi, my name is Brieanne Hadley Buenavista. A simple outgoing girl who became a cold-hearted one because of a fvcking incident. I'm still here hoping. Hoping that one day, I will go back to my old self.