VOL Chapter 22

26 3 0
                                    

Chapter 22

Gaya nga ng sinabi ni Master Joshua. Sinabit ko sa zipper ng bag ko si Baby Turjay... hehehe. Ang cute ng name no?

Pagdating ko sa school, wow! himala! Maaga ata pumasok si kuya. Anong nangyari? Pagpasok ko sa school, nakita ko agad siya sa gate.

Di ko sana siya papansinin pero siya na mismo ang lumapit sakin.

"Good Morning"

"Good Morning din"

"Tara sabay na tayo sa classroom"

"Ok"

Naglakad na kami sa pathwalk papunta ng building namin. At sa paglalakad namin, nahahalata kong nagbubulungbulungan ang lahat ng mga estudyanteng nasasalubong namin.

"Sila na ba?"

"Siguro, palaging magkasabay yan umuwi eh."

"Tingnan mo, ang cute nila oh."

Siniko ko si Joshua at binulungan,

"Hoy, anong meron bakit nagbubulungbulungan silang lahat?"

"Hayaan mo na."

Nakaraos rin naman kami sa mga tao at nakarating sa 4th floor.

"Sige, pasok na ako ha?"

"Ok, sabay tayong umuwi mamaya ha?"

"Ok."

Umalis ni si Joshua at papasok na sana ako ng may makita akong cute sa bag niya.

Kaya pala kami pinag-uusapan dahil pareha kami ng key chain. Hahaha, ang cute, yung sakin may ribbon, sa kanya naman wala. Hahaha. Ang cute naman. :D

Inspired ako sa klase ko, natutuwa ako kay Joshua. Maganda pala tong may M.U no, kahit wala kayng committment sa isa't-isa, feel mo naman kayo na. Hahaha.

Recess time, hindi sumabay si Carla sakin, tutulong daw kasi sila sa Filipino Club para sa buwan ng wika. Paglabas ko ng classroom, naka-abang si Yanch.

"Sabay na tayo ng recess, wala akong kasama  eh."

"Ah, sige, wala naman si Carla eh."

Naglakad kami papuntang canteen. Asan kaya si Joshua at bakit parang di ko siya nakikita?

Nasa may canteen na kami pero naririnig ko parin ang bulungbulungan ng mga tao.

"Hayaan mo na sila, ganyan talaga yan."

"Thank you Yanch ha, nakakahiya kasi, transferee pa naman ako."

"Oo nga pala, bakit kayo magkapareha ng key chain ni Joshua."

"Ah, yun ba? Ah, eh, kasi, wala lang. Trip niya lang daw, nakita daw kasi niya sa bahay nila tapos sayang naman daw."

"Ahh, ganun ba."

Hindi ko alam kung maiilang ako kay Yanch o ewan.

Yanch's POV

Nakakapanibago ang kilos ni Joshua, at nahahalata namang gusto niya tong si Deiane. At eto namang Deiane na to, nagfefeeling.

Transferee? Ang landi na? Makikita mo Deiane, ikaw mismo ang lalayo kay Joshua.

Valley of Lost Love (On-going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon