"Hinahanap mo na naman si Darwin?"
Napatingin ako kay Ate Joan nang bigla niyang tanungin iyon. Napangiti na lang ako dahil wala naman akong dapat ideny sa tinanong niya.
Narinig ko na lang ang mabigat niyang paghinga.
"Hay nako Christine! Baka si Darwin na ang sasambahin mo niyan. Tandaan mo, magsisimba tayo. Nandito tayo for God!" Ate Joan
"Opo ate. Sabi kasi ni JM, si Darwin ang magseserve ngayon." Sabi ko kay Ate.
Si Ate Joan lang naman ang lagi kong pinagkkwentuhan tungkol sa pag hanga ko kay Darwin. Simula kasi nung makita ko si Darwin noong Holy Week ay siya na lagi ang hinahanap ko sa simbahan tuwing may meeting, formation, prayer meeting at kapag magsisimba kami. Syempre, si God pa rin naman ang priority ko. Pero hindi naman maiiwasang magkagusto sa kachurchmate diba...
Ako nga pala si Christine. Incoming first year college pa lamang sa pasukan. Simula pa kasi noong bata pa ako kay certified alagad na ako ni God. Kaya extra curricular activities ko na ang pamamalagi sa simbahan.
I have my social life naman. Hindi lang naman ako puro banal noh. Baka lagpas langit na ako nyan. Wala pa namang dasal pabalik haha.
Eto ako ngayon, hinahanap na naman siya. Lingon dito, lingon doon.
Simula kasi nang matapos ang Holy Week ay lagi ko nang tinitignan si Darwin tuwing magseserve siya sa assigned schedule niya. Syempre, alam ko yun. Dakilang stalker.. este admirer niya ako eh.
De joke, sinasabi lang sa'kin ni JM yung schedule ni Darwin tuwing may serve siya. Kampi ko kasi dito sa JM haha kasabwat ko siya dito.
Alam na ng lahat na may gusto ako kay Darwin....
Maliban na lang sa kanya..
Magkaibigan kami, oo.
Pinakilala kasi ako ni JM sa kanya. Diba sabi ko sa inyo, kasabwat ko siya. Pero hindi ko expected na ipapakilala niya ako. Impromtu lang yun no. Di ko idea yun
Kaclose ko kasi si JM sa mga altar servers. Marami akong kaclose I guess.
Sila yung lumalapit eh. Except nga lang dito kay Darwin. Pachix kasi eh haha joke
Laging magkapartner si JM saka si Darwin sa mass. Kaya siguro close silang dalawa.
Nung una ko pa lang makita si Darwin ay tinanong ko na siya sa mga kachurchmates ko.
"Ah si Darwin? Nako ate, maraming nagkakagusto dun, lalong lalo na sa mga Lectors. Crush ko nga yun dati eh kaya lang --"
Hindi na nakatapos sa pagsasalita si Jencel kasi biglang sumingit si Eric.
"Kaya lang snob yun sa mga girls." Eric. Isa rin sa mga altar servers
"Oo ate. Tama yun" Jencel
Nawalan ako nang pag asa sa sinabi ni Eric saka ni Jencel sa'kin. Snob daw si Darwin sa mga girls. Pero, wala naman sigurong mawawala kung susubukan ko diba?
At dahil maganda ako......
Joke. haha
At dahil mabait and I'm sociable, I tried to approach him after nung pagpapakilala ni JM sa'ming dalawa. Naisip ko na lang tuloy, 'Lokong Eric yun, hindi naman snob si Darwin eh'
Infact, naging close pa kaming dalawa. Yung tipong, bigla niyang kukunin ang kamay mo para lang magbless siya sa'yo. Haha, lagi niyang ginagawa yun para lang asarin ako pero deep inside naman, kilig ako kasi hinahawakan niya kamay ko.
BINABASA MO ANG
Crush Kita I Guess... (One Shot)
RomanceOne shot story collection of a girl having unrequited crushes.