HIS Side of Story #7

169 2 1
                                    

Chapter 7

Binaba niya ang bag niya saka tumuntong sa likod ko. Tapos, nag over the bakod. Anak naman ng..

Ano ba sa tingin nya ang ginagawa nya?

"Anong ginagawa mo dyan?" worried kong tanong ko sa kanya.

Nasa kabilang bakod na siya, nasa loob na siya ng garden ng mga Yeo!

Pinagpagan nya ang palda nya saka sumagot, "Sumunod ka kung gusto mo.." and then she smirked.

Malamang, susunod talaga ako. Iniwan niya yung bag niya sa akin e.

So ayun nga, nagtrespass kami sa Garden nila Ting.

Maganda pala dun pag gabi. Ang laki ng garden.

"Hindi ka ba natatakot na mahuli?" tanong ko sa kanya habang naglalakad kami.

"Hindi." sagot niya. Wala talaga siyang kinatatakutan. Kakaiba talaga ang babaeng ‘to.

Tahimik lang kami na pareho habang naglalakad.

Bakit kaya ganun? Ang komportable ko na sa kanya. Yung parang dati lang. Yung parang nung mga bata lang kami. Tsk. Parang nasasanay na ako na lagi akong nasa tabi niya. Lately, lagi na lang siya ang kasama ko. Takte. Sabihin niyo. Pwede bang gusto ko na ulit ‘tong baliw na si Frina?

Hindi rin ako sigurado sa letsugas kong feelings. Pero isang bagay lang ang sigurado ako. Hindi ko na kayang lumayo pa sa kanya.

Naglakad-lakad pa kami. Dala ko pa rin ang bag niya.

Binasag ko ang katahimikan ng paligid, "Hindi ka ba hahanapin sa inyo?" tanong ko sa kanya.

Malayo pa rin ang tingin nya, "Nagpaalam ako.." sagot naman nya.

Mabuti naman para sa kanya. Ako kasi hindi e.

"..sabi ko kasama kita." Dagdag ng witch.

"ANOO?!" gulat kong tanong. Nag paalam sya kay Tita Eunice na kasama ako? Wah.

Baka anong isipin ng mga yun.. Baka akalain nila nililigawan ko ‘tong Bruha na ito. Letsugas. Ayoko!

[Yeohee: Ay Blue. Ganun agad? Hahahaha. Magkasama lang kayo iisipin na na nililigawan mo sya?]

Tumingin sya sa akin saka napatawa ng ubod ng lakas. "CHILLAX man! Hindi ikaw ang pagagalitan pag-uwi!" cool niya na sabi.

Pinapakaba ako ng babaeng ito. Baka bukas hindi na ako makapasok. Baka bukas wala na akong buhay. Baka bukas.. Wah. Hindi pwede!

Nagsalita siya ulit, "Kung mai-in love ka Blue," sabi niya.  

Napatingin ako sa kanya.

"Pwede bang.. Sa akin na lang?"

Ang lakas ng tama nito.

"Ano bang sinasabi mo?" natatawa kong tanong.

"Possibility.. Wala?" tanong niya.

Tumahimik ako.

Ano nga ba?

"Wag kang seryoso. Dinadama mo e. Nagtatanong lang ako.." patawa-tawa niyang sabi. Taposdinagdagan pa nya. "Malay ko ba na sa ilang araw nating pagsasama e nahulog ka na pala.." sabay smile nya.

Grabe. Assuming. Feelingera. Lahat na. Sige Frina. Ikaw na.

"Dama mo?" tanong ko sa kanya.

"Feel ko. Likas na feelingera 'to dude!" sabay pat nya pa sa balikat ko.

Napailing ako, "Iba ka talaga.."

Ngumiti siya, "Alam ko.."

Napangiti rin ako.

“Frina, bakit ganyan ka?” bigla kong nasabi.

Nagtataka syang tumingin sa akin.

“Anong bakit ganito ako?” tanong nya.

“Ha? Wala.” Natahimik na lang ulit ako. Hindi ko na kasi alam ang sasabihin ko.

Naguguluhan ako. Bakit parang bumalik yung dati? Bakit parang gusto ko na sya ulit? Namiss ko lang ba sya? Yung friendship namin? O gusto ko na talaga sya?! Lintek.

Pwede ba na mahal ko na ulit ang loka-lokang 'to?!

“You say it best. When you say nothing at all..” she said.

Ano daw? Nababasa nya ba ang iniisip ko?

Takte talaga. Nasa kalagitnaan ako ng pag mumuni muni ko ng naramdaman kong tumigil sya sa paglalakad.

Napatigil kami sa paglakad nung marating namin ang Bench na nasa puso ng garden. May nakasulat doon, binasa ni Frina. "For Laura, from Crispin who stood by her side till the end."

Sa ilalim nun, may nakasulat pa. Binasa ko, "For the people who sworn to love each other forever."

"Sh-t." bulong ni Frina. "Alam mo yung Notting Hill?"

Ha? Ano daw?

Umiling ako.

She sighed.

Nagulat ako nung umupo sya dun, "Samahan mo ako." pakiusap niya.

Nilapag ko ang bag namin at tumabi ako sa kanya. 

Blue's TaleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon