TEASER

0 0 0
                                    

Teaser [EDITED]

"Lord, please.. Bigyan niyo na po ako ng boyfriend. Ang tagal ko na pong hinihiling 'to sa inyo.." may papunas punas pa syang effect sa mata kahit wala naman talagang lumabas na luha.
"Tiffany!!"
"Grabe makasigaw, te? Bakit ba?"
"Ito na ata ang sagot sa mga dalangin mo!" Si Klareng, kasambahay namin. Siya pinaka-close ko kasi parehas rin naman kaming age.
"Teka, masakit sa eardrums. Huminahon ka! Inhale..exhale."
"Ayan, ayan. Okay na! Pinapatawag ka nila Ma'am Maddison at Sir Chase!"
"Sus, akala ko naman kung ano. Bakit daw?"
"Basta! Ikaw na mismo ang makinig sa balita nila para mas masaya! Dali halika na!" Nagpahila naman nako dahil wala rin naman akong nagawa at biglaang hila neto ni Klareng.
"Ma, Pa?" Bumeso naman ako sa kanila bago muling nagsalita. "Bakit niyo po ako pinatawag?"
"Princess, may magandang balita kami sayo. Una, lilipat ka sa Millea Dormitory, natural ang pangalawa eh dun ka na mag-aaral sa Millea University. Alangan naman sa iba, hindi ba? Kaya nga sa Millea Dorm kita pinasok eh." Pilosopo rin 'tong si Papa eh. Pero ano daw? Lilipat ako?
"Teka, bakit biglaan? Maayos naman ako dun sa University ko ah. Pinamimigay niyo na ba ako?"
"Hindi 'no. Grabe ka naman, ililipat ka lang pinamimigay ka na agad namin? Last year mo na 'to sa kurso mo kaya gusto namin na dun ka magtapos. Dapat doon ka talaga papasok noon pa man kaso nag-enroll ka naman agad kaya wala na kaming nagawa."
"Kailan po ako lilipat dun?"
"Ah, ayun. Pagkatapos nito maligo ka na dahil ngayon ka lilipat. Inayos na ni Klareng yung gamit mo. Wag ka magalala, every month may darating na allowance dun tsaka yung mga stock mo ng food."
"Ahh.. osige po. Pero teka Klareng, sabi mo ito na ang sagot sa dasal ko. Asan na?"
"Ma'am, kayo na po ang magsabi."
"Princess, ang magiging dormmate mo dun ay lalaki! Nako, ubod ng gwapo at sure akong siya ang pinapangarap mo at dinarasal mong maging nobyo!"
"Huh? Teka. Oo nga dinadasal ko yan pero ma, mali naman ata 'yun! Lalaki siya at babae ako. Hindi kami pwedeng magsama sa iisang kwarto! Mamaya manyakin pa 'ko nun eh! Dad, oh!"
"Nak, pumayag na rin ako kasi wala nakong choice. Siya lang ang walang dormmate dun. Kung pipilian naman kita ng dorm na ikaw lang eh magiging apat na million na ang ibabayad ko. Kaya ko naman kaya lang.. dapat pala binilhan na lang kita ng bahay kung ganun diba? Don't worry, Princess. He's harmless. Chineck na namin ang background niya. I will never let him touch you. Well, pwede naman ang ibig kong lang sabihin eh 'yung touch na bawal pa. Alam mo na 'yun."
"Errr, weird. Sige na po, maliligo na po ako." Nako, eto na ba talaga ang sagot sa mga dasal ko?

-
A/N: Teaser is up! :) Btw, may ibang scenes po dito na hango sa tv series na It Started With a Kiss/They Kiss Again. Hindi po same ang plot ng story, may iba lang pong kaparehas na scene. Credit na rin po and hindi po purkit ganun eh ginaya ko na. Likha po ito ng malikot kong imagination. :)

Tiffany: The NBSB by: siebangs

Tiffany: The NBSBTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon