PROLOGUE

10 0 0
                                    

"Ano ba! Tignan mo nga yang kinikilos mo!Bwisit!" Nakakainis naman oh. Kahit kelan ang tatanga kumilos ng mga katulong namin. Nabuhusan tuloy ng Juice yung napaka ganda kong dress! At isa pa, mahal toh!

"Sorry po Madam Keisha" Sabi ng tangang katulong namin. Psh! As if naman malalabhan toh ng madalian at matuyo kaagad ko. Tss! Pupunta pa naman ako sa Birthday ng Bestfriend ko'ng si Stacey.

Umirap ako sakanya at tumayo na ako at pumunta sa kwarto ko. Pinili ko yung blue na fitted sakin at nag high heels ako ng blue rin. Tapos sinuot ko yung necklace ko na binigay sakin ng Lola ko nung bata palang ako.

Sumakay na ako sa Honda ko'ng sasakyan. Plinay ko yung music at yun! Sumakto sa favorite kong kanta. Tadhana - Up Dharma Down.

Nandito na ako venue at grabe kahit kelan bongga mag pa-party to'ng Bestfriend ko. Hahaha!! Pumasok na ako sa loob at ang daming handa! Grabe nagugutom ako wuahaha!! Pero syempre mamaya na ako kakain. Hahanapin ko muna si stacey.

Psh! Grabe talaga yun! Yung ganda ko'ng toh hinahanap sya. Pasalamat sya bestfriend ko sya at birthday nya ngayon. 10 minutes na akong naghahanap sakanya wala pa rin. Aisshh!! Magtatanong na nga lang ako.

"Excuse me? Nakita mo ba si Stacey?" Tanong ko sa lalake.

"Mukha ba akong tinatanungan?" Aba't sumasagot sya! Agh! Di nya ba ako kilala?! Ngayon lang sa buhay ko na may magtangkang barahin ako! Tss!

"Psh! Ang arte! Kala nya pogi na sya nyan!" Sabi ko'ng pabulong.

"Ehem. Miss may sinasabi ka ba?" Sabi nya. Kainis talaga syaa! Umirap nalang ako sakanya at umalis na dun.

"Bessss! Keisha!!" Anak ng tokwa! Dito ko lang pala sya makikita sa labas! Haggard na siguro itsura kakahanap sakanya.

"Ikaw! Kanina pa kita hinahanap! Saan ka ba nagsu-suot? Nangha-hunting ka ba?!" Sabi ko sakanya na pasigaw.

"Sorry Keisha! Nga pala, may ipapakilala ako sayo. Pogiiii syaa. Ang hawt! Sigurado ako'ng magugustuhan mo sya!!" Tae talaga toh si Stacey. Sabi ko'ng ayaw ko sa mga lalaki eh.

Hayssss. Sumama na lang ako sakanya. Paano pa ako makakatakas? Eh ang higpit higpit ng hawak nya sa kamay ko parang takas mental yung pang hawak sakin.

"IKAW?!" Sabay pa kaming nagsabi ng kupal na toh.

Oh lord! Bulag ba to'ng si Stacey? Saan banda yung gwapo na sinasabi nya dito sa lalaking toh? Sa paa? Saan? Bwisit. Sya yung tinanungan ko kanina na kung saan si Stacey. Psh! Tapos binara pa ako. Haha. Kainis.

"Teka magkakilala na ba kayo?" Stacey.

"HINDI!" Sabay nanaman kami! Tss. Gaya gaya.

"Tama na nga yan! Nakaka bingi! Tsk!" Sabi ni Stacey.

"Yun pala eh! Keisha, Si Lance nga pala. Bestfriend ko nung Elementary ako." Yaks! Bestfriend?! Ew.

"Wala akong pake" Tapos inirapan ko yung bestfriend ni Stacey, si Lance. Hayss.

"Wala rin naman akong pake sayo." Syetee. ang sama nya huhu. Pero syempre hindi ako magpapatalo.

"So? Aalis na ako dito nagsasayang lang ako ng laway psh!" Sabi ko.

"Hoy kayong dalawa hindi ba kayo marunong mag respeto? Sa harap pa talaga ng birthday girl. Duh!" Oo nga pala, may regalo ako dito sa baby ko (stacey) Niregaluhan ko sya ng panty HAHAHA!! Kasi last year, pumunta ako dito sa bahay nila kaso wala sya kaya pumunta na lang ako sa kawarto nya tapos nag halungkat! At ayun nakita ko ang mahiwagang panty ni Stacey na butas! HAHAHAHA!!!

Aalis na ako pero hinawakan ako sa kamay ni stacey at tinignan ng masama. Alam kong ibig sabihin ng mga tingin yan! aishh!

From Strangers To LoversTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon