Reason 2: You

296 12 2
                                    

“A, ano ba toh?” tanong ko sa kanya. Kasalukuyan kasing kaming nasa sala at tinatakpan niya ang mata ko gamit ang isang bandana.

“Basta. Pangalawang rason.”

Dahan-dahan niya akong inalalayan sa pag lakad, paakyat kami sa hagdan.

Matapos naming makaakyat narinig ko ang pagbukas ng isang pinto at sabay noon ay pagkatanggal ng bandana na nakatakip sa mga mata ko.

“Mira, Ito ang kwarto ng kambal.”

“A, hindi ako pumapasok dito simula nung insidente. Bakit dito?” nagtatakang tanong ko sa kanya.

“Pangalawang rason Mira, Ikaw.”

“Ha? A naman eh, nagbibiro ka ba?”

“Hindi, tumingin ka sa higaan.”

Noong binaling ko ang atensyon ko sa higaan, hindi ko mapigilang umiyak muli. Nakakalat sa mga higaan ng kambal ang mga crayons, cardboard, cartolina at iba pang materials pang kulay. May isang napakalaking Cartolina sa sahig.

HAPPY BIRTHDAY ATE MIRA!

Yun pala ang dahilan kung bakit ayaw nila akong papasukin doon, ang dahilan kung bakit lagi silang nagkukulong sa kwarto, naghahanda para sa birthday ko.

“Umalis sila noon kasi sabi ng kambal na kulang raw yung materials nila.” Pag-amin sa akin ni A na naging dahilan ng bagbuhos ng luha ko.

“E-ella. S-steven. Patawarin niyo ako. Nasayang tuloy tong ginawa niyo. Sana kinalimutan niyo na lang ang birthday ko. Mahal na mahal ko kayo. Sorry, sorry. Kasalanan ko tong lahat. Sorry.” Paulit-ulit kong sinabi habang umiiyak.

“Napaka unfair A. sobrang unfair. Bakit ba kailang pa nilang mawala? Ako na lang sana yun! Kung di dahil sa pesteng birthday ko hindi sila mawawala. Hindi na lang sana ako pinanganak!” niyakap ako nang mahigpit ni A.

“Hindi Mira. Mali ka. Wag mong sisihin ang sarili mo. Halika, may ipapakita pa ako sayo.”

Dinala niya ako sa kwarto nina mama at papa, isa pang kwartong hindi ko pinuntahan matapos ang insidenteng iyon. Pinaupo niya ako sa higaan nina mama.

In-ON niya ang Tv at lumabas dito ang mukha ni papa na para bang nagseself shot sa sasakyan.

“Papunta na sa hospital kasi naglelabor na si mommy!”

“Daddy! BILISAN MO NA! LALABAS NA!” sigaw ni mama mula sa likod. Napatawa ako sa mukha niya. Si daddy pala yung nagdadrive nakuha pang magvideo.

Biglang nagskip yung video at this time nasa hospital na.

“Lalabas na si Baby Mira! Naglelabor si Mommy ngayon Mira! Waiting for my angel to arrive.” Sabi ulit ni papa habang nakikita sa video si mama na nakahiga sa bed na umiiri.

“HWAAAAAAAAAAAAA!” narinig kong may umiiyak na baby tapos biglang nahulog yung camera.

“Daddy! DADDY! Oh my gosh Doc! Yung asawa ko nahimatay!” sigaw ni mama.

Nahimatay pala si papa nung pinanganak ako?

“Hahaha. Nahimatay pala daddy mo?” sabi ni A.

“Oo nga eh. haha.” Tawa kami ng tawa ni A.

Nag skip ulit yung video. Lumabas doon si mama na nasa bed, may karga-kargang kumot na naka balot.

“Shhh. Natutulog ang baby ko.” Sabi ni mama.

Lumapit yung camera na nagpapakita sa akin, ako pala yung nakabalot sa kumot.

“Baby Mira, baby ko. Si Daddy ito, sorry ha hindi kita nasalubong ng maayos, nahimatay pala ako. hehehe.” Sabi ni papa sabay nag self shot. May bandage sa noo niya.

“Mira, welcome to the world my angel, mahal na mahal kita. Ang saya-saya naming dalawa ng mommy mo. We will never regret having you as our daughter.”

Lumapit sa akin si A at bumulong, “Second reason Mira, Ikaw.” Sabay halik sa pisngi ko.

-------------------

Hala bakit may kiss? O__O love team mirA na yan! Sana nagustuhan niyo tong chapter na toh :D

5 Reasons Why.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon