Fourth Taste

391 5 0
                                    

Kath's POV

Napabuntong hininga ako ng malalim habang pinagmamasdan ko siya na mahimbing na natutulog at mahigpit na nakayakap sa akin.

Sa lahat ng pinagdaanan ng kaibigan  Kong ito na parang ate ko na rin, mabuti man o hindi Ay nandoon ako, Ay naging saksi ako. Hindi Lingid sa aking kaalaman ang nakakadiri at nakakatakot na nakaraan niya ngunit mas pinasya kong manatili sa tabi nito.

'Kung kaya ko lang.. Kung sana dumating ako ng mga panahong iyon.. Kung sana ako nalang ang pwedeng makaramdam ng sakit na iyan ate.. '
Naiiyak kong sambit, bakas ang pagod at  luha sa mukha ni ate Xandra kahit ito'y tulog. Kaya Mas lalo ng naninikip ang aking puso.

Isang malalim na buntong hininga Ulit ang aking pinakawalan, simula ng nakilala ko si ate Xandra Ay naging parang roller coaster na ang buhay ko, at Hindi ko pinagsisisihan yun. Sa halip Ay pinagpapasalamat ko pa nga iyon!

Napabuntong hininga Ulit ako..

'Nakakailang buntong hininga na ba ako?' Tanong Ko sa sarili ko, sa isip-isip ko Ay natatawa ako kasi kinakausap ko ang sarili ko.

Isang buntong hininga pa ulit, sabay lingon sa aking katabing orasan na lumilikha ng ingay,

'Hay.. alas syete na pala.. Hindi ko man lang napansin.' dahan-dahan kong kinalas ang pagkakayapos sakin ni ate Xandra at nakatingkayad na lumabas ng kwarto.

Nagsimula akong magluto ng almusal, naglinis, pagkatapos ay naligo, sabado ngayon pero gaya ng nakasanayan, inuuwi namin ni ate Xandra ang trabaho dito sa condo.

Naalala kong naipangako ko kay ate Xandra na ako na ang maghahanap ng bagong niyang sekretarya. Naalala Ko tuloy yung huling aplikante na nainterview ni ate,,

'Hmmm.., mukhang meron na akong ideya kong sino' nakangiting wika Ko sa aking sarili.

FRB NOTE:

11 Chapters left

Hello po! Salamat po sa matyagang pagbabasa nitong aking istorya. 😂

Pwede po kayong mag comment :)
Share me your thoughts.

Amazona Lilies-  My sweet taste of Dominance. My Dominant (book1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon