…if X=1and if the value Y=X, what isthe value of Y? the unswer is "unknown". Kasi medyo mahina talaga ako sa Math. At ang formula nato or formula nga ba talaga. Hindi ko alam kung nag iexist ba sa mga makakapal na libro ng Algebra at Geometry. Basta familiar lang si X at si Y sakin.
Chapter 1 (08-24-2013)
Sasakyang dumaadaan, sari saring mukha.. may estudyante, mga ale, mama, bata, vendors, tambay na walang magawa at iba iba pang uri ng tao na iba iba ang pinagagawa. Ganyan ang nakikita ni sya sa maghapong pagtayo upo nya sa Brix's Café na binabantayan nya.
Si Yana ang taong madaling mainip. Hindi sya sanay na walang pinagkakaabalahan, hindi sya mapakali sa isang lugar lang na wala syang ginagawa na kahit na ano.. lalong lalo namang allergic sya magstay ng bente quarto oras na sa loob lamang sya ng kanilang bahay.
Napipermi lang sya sa isang lugar halimbawa nalang ng apat na sulok ng kanyang kwarto kung may pinagkakaabalahan syang artworks..like doing her scraptbook, painting, drawing, sketching o di kaya coladge. Minsan nasa part sya ng bahay nila, sa garden at nagagardening. Minsan sa may porch lang sya ng bahay at habang sinishape into aomething ang kanyang modeling clay at minsan nagbabasa kung sinipag syang taposin ang isang librong nasimulan ng basahin.Kung hindi naman sya mahagilap sa bahay nila. Malaman nakikipagkentohan na naman sya sa closest friend nyang si Acel.
Hindi naman talaga obligado na magtrabaho sya. Kung iisipin nyan.. kaya nman syang buhayin ng papa nya. Ang sa kanya lang, kahit papano gusto nyang magkaroon ng personal allowance. Sariling pangastos sa sarili tulad na lang pambili ng shampoo, sabon, sanitary napkins, lotion, conditioner, facial cleanser at kung anu-ano pang ginagamit nya for her daily hygiene. Hanggat kung pupwede kasi.. ayaw na nyang iasa pa yun sa kanyan papa at lalo naman ayaw nyang humingi ng pera sa kanyang mother earth habang nasa puder sya ng kanyang father earth.
FLASHBACK
Tok! Tok! Tok! At may pumihit sa pinto ng kwarto nilang magkapatid. At kahit hindi nya imulat ang mga matang antok na antok pa kahit 10:00 AM na.. alam nya kung sino ang may gawa ng mga katok at ingay nay yun. Naramdaman nya ring may bumukas sa bintana at medyo nasilaw sya sa salubong na liwanag at init ng araw, kaya padabog nyang hinagilap ang kanyang unan tinabunan nya ang kanyang mata. May kumuha ng unan na yun.. hinagilap nya ulit at nilagay ulit sa mga mata. May kumuha na naman. Hinagilap nya ulit.. at hanggang parang nakikipag bunong braso sya sa pakipag agawan sa unan.
“Mama.. anu ba?!!!”
“Gumising ka na at magtatanghali na!’
“Ang O.A. nyo naman, Wednesday po ngayon at wala akong pasok sa trabaho..masama po bang matulog ng medyo mahaba-haba since na day off ko naman ngayon? Kadalawang beses sa isang buwan lang po ako magdi day off, at tama bang pumasok nalang kayo bigla ditto ng key aga-aga? Makatarungan bang mambulabog kayo basta basta? Paano naman ang karapatang pantao ng isang mamayang Pilipinong tulad ko?
Medyo pasigaw at mariing sabi ni Aya.. sabay simangot. L
“Anong kara-karapatang pantao ang pinagsasabi mo dyan?”
“Mama.. please naman, pwede bang bumalik ka nalang mamayang after lunch? Maya na tayo mag-usap pagkagising ko.”
“Hindi pupwede.. may sinabi sakin ang kapatid mo, gusto kong pag-usapan natin yun ngayon na!”
Napatalikod sya sa kanyang ina sabay hablot sa paborito nyang stufftoy na si Snowie, na bigay pa ng kanyang ate Rea.
”Anon na naman ba ang sinabi ni Hana sa inyo at napasugod kayo dito huh?”
“Ano ba talaga ang plano mo sa buhay Alyana? Bakit imbes na magstay ka nalang dito sa Generals , naiisipan mo na namang umuwi satin? Nag-iisip ka ba talagang mabuti sa mga desisyon mo na yan? “