We're all excited. I woke up early to take a bath, to have my make-up and hair done in time. We don't want to be late. Never! In this kind of event, we never wanted to be late. And because we're so excited, pati parents ko maaga nagising. After hours of preparing, kinuha ko na ang aking graduation cap and gown.
"Ma, ok na po ba make-up ko? Hindi po ba sobra? Buhok ko po? Simple lang pero ok na po ba?" I asked her with a smile.
"Ok naman anak. Maganda na yang ganyan. Tara na at baka ma-late pa tayo." Sabi ni mommy sakin na halata din ang excitement.
Si Mommy, simple lang ang gusto. Hindi maborloloy sa katawan at sa mukha. Kaya kapag sinabi nyang ok, hindi ako maputla at hindi rin OA. Make-up ko? Powder. Konting blush-on. Naglagay ng konti sa kilay para gumanda ang curve. Mascara sa eyelashes ko and liquid eye liner sa ibabaw ng eyelashes na medyo pinalampas ng konti sa aking mga mata. Mukhang pang pusa mga mata ko. Hair ko? Half-moon lang pero kinulot ko mga dulo. Sakto naman yun sa long hair ko.
Ganito yata talaga whenever may ga-graduate sa college na family member. Excited lahat, nag-se-celebrate lahat. Parang sobrang busy ng boarding house at pati ang aming land-lady. May celebration pa after ng ceremony with family and relatives na malapit samin dito sa Manila. Ang sarap ng feeling na after mo pag-hirapan, ito na... Ito na yung moment na yun.
"Ano pang iniintay nyo dyang mag-ina?! Tayo na at kanina pa nag-aantay ang driver." Sigaw ni daddy na nauna nang sumakay ng kanilang hired van.
*****
Kahit sobrang dami ng tao, I immediately recognized him. He looked good. He was wearing his new sky blue long sleeves with matching tie. Slacks pants that was finely ironed and a pair of shiny black leather shoes na naiirita syang gamitin. Well combed hair at naka-gel. Naka-powder ang face nya. He gave me a big smile when he looked at me. He raised his black gown and toga, a gesture saying that we did it.
My excitement was written all over my face that my mom cannot help but notice.
"Sige na anak, lapitan mo na sya. Di pa naman kayo mag-katabi ng seat di ba?" She's smiling at me, so sweet.
This is it! This is our big day. Sa lahat ng pagod at pagpupuyat, here we are. Both of us. Walang naiwan. Pareho kaming aakyat ng stage. Pareho kaming mag-hahagis ng toga right after the program.
------------------------------------------------------
Photo taken from Cliparts.co
Video from https://www.youtube.com
BINABASA MO ANG
Loving Him (Soul Mate Series Book 1)
Genç KurguSome people believe that finding the love of their life is finding their soul mate. A person with whom they have an immediate connection the moment they meet. But that's not always the case. Louisse, a college girl who will be focusing on her stud...