"Good Morning sir." bati ng guard sakin at sunod.sunod ng bumati sakin ang mga empleyado dito. Hindi na ako nag.abalang sumagot magmumukha lang akong parang sirang cd sa kakaaulit ng sagot sa kanila kaya araw.araw nila akong binabati pero araw.araw din na hindi ko sila pinapansin parang wala lang na tao sa paligid kaya ang tawag nila sakin dito "THE SNOB TERROR PRESIDENT." ayos lang sakin yun dahil ginagawa ko naman ng maayos ang tungkulin ko bilang presidente ng company na ito pwera lang sa pagbati sa kanila. For almost four years ba naman na palagi na lang ganito ang naririnig ko. Hayy!
Wala akong kasabay sa loob ng elevator kaya mas ayos okay yun sakin at least walang babati sakin dahil naririndi na ang tainga ko gusto ko nga magpalabas sana ng memorandum tungkol dun pero baka pangatawaan nila at kapag may investors o kliyente baka hindi na din nila batiin at sigurado akong hindi papayag si dad ukol dun.
Bumukas ang elevator sa third floor at may pumasok na dalawang babae.
"Good Morning sir." sabay nilang bati. Aba nagpacute pa ang isa.
Yan na naman! Bakit pa ba kasi nauso ang kultura na yan. Lintik. Pero teka lang parang naiinis ako sa pabango na naamoy ko? Hindi ko alam kung anong pabango yun pero naiinis ako sa tuwing nalalanghap ko. Hindi ko lang talaga maalala kung saan ko yun naamoy. Daig ko pa ang buntis. Lumabas na sila sa 4th floor.
Ting!
Sa wakas nakarating din sa 6th floor. Buti na lang walang tao sa hallway makakapagpahinga ang tainga ko. Mukhang busy na ang mga tao dito. Bumukas ang isang pinto ng office at may lumabas na babae at ngumiti pagkakita sakin.
"Good Morning sir."
Teka bakit naamoy ko na naman ang nakakairitang pabango na yan? Saan ko nga ba kasi naamoy yan? Bakit kasi hindi ko maalala.
Kagaya kanina hindi ko rin siya pinansin. Dumiretso na ako papuntang office."Sir tumawag nga po pala si mam Thea kanina hinahanap po kayo."
Bungad sakin ng secretary ko Pagkapasok ko. Yan ang gusto ko yung hindi ako binabati kasi pinagsabihan ko na siya. Sa lahat ng empleyado dito siya lang ang pinapansin ko dahil hindi siya nagpapakita ng motibo at maganda ang ugali huwag na nating pag.usapan ang mukha niya. Joke lang... Ni hindi nga ako tiningnan. Nakatingin lang siya sa laptop. Teka naamoy ko na naman ang pabango na yun.
"Bakit daw?" habang papalapit ako ng papalapit sa secretary ko mas lalo kong naamoy ang pabango naiirita ako pero gustong.gusto ko siyang malanghap para maalala ko kung bakit familiar sakin. Nagmumukha na tuloy akong aso sa kakasinghot.
"Hindi ka niya daw po macontact."
"Okay. Meron pa bang iba?" nilagpasan ko na siya pero singhot pa rin ako ng singhot. Gusto ko talaga maalala kung bakit naiirita ako sa amoy.
"Si Mr. Chandrew Santiago nga po pala pinacancel yung meeting dahil out of town daw siya tatawag na lang po kapag nakabalik na siya. Sir okay lang po ba kayo?"
"Oo. Bakit?"
"Kanina ka pa kasing singhot ng singhot."
"Ayos lang ako. Sinisipon lang."
P*ta! Kapag naalala ko talaga kung kanino ko naamoy ang pabango na yan humanda siya sakin.
"Ahh."
Naglakad na ulit ako pero tiningnan ko ulit siya.
"Ano bang pabango mo?"
"Bagong product po ng pabango natin. Delicate sky fragnance." sagot niya.
"Bago?"
"Opo sir. Last week pa lang po dinistribute sa mga buyer. Bakit po?"
"Wala."
Iniwan ko na siya. Kinuha ko kaagad ang telepono sa table ko pagkaupo ko sa swivel chair at tinawagan ang namamahala sa pagdidistribute ng mga pabango ng company.
"Good Morning this is Madelyn of Heaven's Dew Perfume. What can I do for you sir?"
Pati ba naman sa telepono. Sige papalampasin ko muna.
"Good Morning. This is Alexander Buenidicto gusto kong magpadeliver ng Delicate Sky Fragrance here in my office. Just one piece and I need a report according to that perfume."
"Ikaw pala sir Alex. Noted sir. Just ten minutes."
"Okay, thank you."
Binaba ko na ang telepono at sinimulan ko ng basahin ang mga papel na nasa harapan ko.
Bigla namang tumunog ang telepono."Sir okay na po nagawa na naman ang pinapagawa niyo samin at sinisigurado po namin na solve na ang problema niyo. bukas." report kaagad sakin ni Robert pagkasagot ko ng telepono. Noong isang araw inutusan ko siya na pumili ng mga babae na pwedeng magpaggap bilang fake fiance ko at kung bakit? Abangan niyo na lang.
"I hope so because I'm running out of time. Send mo na lang ang address sakin dahil ayokong masira ang araw ko."
Binaba ko na ang tawag. Noong huli ko siyang makausap noong isang araw nagkandaleche.leche ang araw ko.
"Teka, yung babaeng yun..."
Napatingin ako sa pinto ng may kumatok.
"Yes?"
"Sir may naghahanap sainyo from marketing department."
"Let her in." pumasok na yung babaeng sinasabi niya at umalis na rin siya. "Take your sit." namula pa siya pero napakaprofessional niya hindi niya hinahayaan na maapektuhan ang trabaho niya ng paghanga niya sakin. Bibigay din to mamaya. Pinatong ko ang kamay ko sa mesa.
"Thank you sir. Heto na nga po pala yung pinapadala niyo." iniabot niya sakin ang pinadala ko sa kanya.
"Thank you." inilabas ko na ito sa kahon nito at inamoy. Ang bango pero naiirita ako sa amoy.
"May problema po ba sa perfume na yan sir?"
"Wala." sumandal ako sa upuan at itinukod ang isa kong siko sa armrest. "According to my secretary last week niyo pa lang idinistribute to so, kumusta naman?"
"Mas mabenta po yan kesa sa mga nauna nating inalabas ngayong buwan. More than 100 boxes na ang napurchase pwera sa mga kahon na ideneliver sa ibang bansa at may bagong order pa kaming natatanggap kaya bukas magdedeliver ulit ang mga tauhan natin."
"Okay. Good, good job. Yun lang naman ang kailangan ko. You can go now. Thank you sa pagdala nito."
"Okay po sir." tumayo na siya at naglakad na palabas ng office ko. Napailing.iling na lang ako. Kahit hindi ko nakikita ang mukha niya alam ko kung ano ang reaksyon ng mukha niya. Napadako ang tingin ko sa suot niyang sapatos.
"That shoes. Shit!" mahina kong mura. Naalala ko na. "Wait!" tawag ko sa kanya. Tumigil siya sa paglalakad pero hindi siya lumingon. "Madelyn." tawag ko ulit sa kanya. Lumingin siya sakin pero para na siyang kamatis.
"Ye-s sir?" bumigay din siya.
Huminga muna ako ng malalim at sumandal sa upuan ko.Baka kapag sinabi ko sa kanya na gusto kong kunan ng picture ang sapatos niya baka ano pang isipin niya.
"Wa-wala. Pakisabi sa mga kasamahan mo good job."
"Yes sir."
Tumalikod na ulit siya at nagmadaling lumabas ng office ko. Ang wiweird talaga ng mga babae dito.
"May bagong memorandum na akong ipapalabas."
--------------------
Nagsisimula pa lang po ang story kaya humihingi ako ng pasensiya kung hindi masyadong maganda ang chapter na ito pero ipinapangako ko po na sa susunod na mga chapters mas gaganda na ang flow ng story kaya sana po basahin niyo hanggang sa huling chapter. Thank you. Hanggang sa susunod.oooops... comment niyo nga pala at pavote na din. Thanks po ulit.
BINABASA MO ANG
The Billionaire's Fake Idiot Fiance
Roman d'amourI'm not an ordinary man kaya mula bata hindi ko naranasan ang magkaroon ng ordinaryong buhay at mas lalo itong gumulo when I met this girl na unang babaeng naglakas ng loob na kalabanin ako. Yes, she is strong but she's not clever in short tanga siy...