Chapter 3

2.9K 77 5
                                    

Lory Pov!

Binuksan ko kaagad ang laptop ko pagkagising ko para icheck kung sumagot na siya pero wala pa rin. Tatlong araw na kaming hiwalay at tatlong araw na din na hindi siya nagpapakita o nagpaparamdam man lang. Hindi ko na din macontact ang cellphone number niya pagkatapos ng makipaghiwalay siya sakin kaya sa email niya nalang ako nagpapadal ng message na hanggang ngayon wala pa rin akong natatanggap na sagot kahit palagi naman siyang online. Ilang beses ko na rin siyang pinuntahan sa photoshoot niya dahil isa siyang model pero ipinagtabuyan niya ako at hinayaang kaladkarin ng mga alalay ng manager niya na kahit kailan hindi niya hinayaang mangyari noon.

Marami akong natatanggapna message galing sa mga kaibigan at relatives ko, sa mga nakakalilala sakin na pinapalakas ang loob ko at galing din sa mga bushers nanoon pa galit sakin at yung mga fans ng isa ring model na noon P nalilink sa kanya.

Nanlalabo na ang mga mata ko dahil sa kakaiyak at humahaldi na din dahil sa kulang sa tulog. Hindi niyo naman ako masisisi kung bakit ako nagkakaganito. Six years na naging kami tapos tatawagan niya lang ako at sasabihing hindi niya na ako mahal? Hindi ako naniniwala sa kanya kaya hindi ako susuko kaya susubukan ko ulit. Kinuha ko ang tissue paper na mauubos na naman dahil sa kakaiyak ko.

"Mike can we be together again? I love you so much babe. Please? I will do anything just tell me. Okay?" senend ko ang message na yun sa kanya pero wala pa ring sagot galing sa kanya kaya Magpapadala ult ako.

"Sumagot ka naman oh. I'm sorry kung may nagawa ako o nasabi na hindi mo nagustuhan promise hindi ko na uulitin babe." pero wala pa rin.

"Mike naman nag.aalala na ako sayo. Sumagot ka naman oh. Ano ba ang gusto mong gawin ko para lang maging tayo ulit?" kahit anong ipapagawa ko sa kanya gagawin ko basta bumalik lang siya sakin.

"Mahal mo pa naman ako di ba?"

Kahit natatakot ako na malaman ang sagot niya sa huli kong tanong isenend ko parin baka sakaling matauhan na ako. Sakto namang pumasok si mom kasunod si dad kaya isinara ko na ang laptop ko.

"Umiiyak ka naman? Anak ano ka ba naman tatlong araw ka ng umiiyak ng dahil sa lalaking yun. Namamaga na yang mata mo." inabot ni mom ang tissue sakin na agad ko namang kinuha at inilabas ang kanina pang gustong lumabas sa ilong ko.

"Mom ang sakit eh."

"Ganyan talaga anak ang pag.ibig may nasasaktan at may nasasaktan kaya sa huli masasaktan ka pa rin." sabi ni dad na nasa tabi ko rin. Nasa kwarto ko kami ngayon at sinusubukan nila akong patahanin.

"Wala namang iba sa sinabi mo dad. Walang choice sa pag.ibig kundi masaktan."

"Yun nga ang gusto kong sabihin. Kapag nagmahal ka masasaktan ka. Hayaan mo na ang Mike na yun kung ayaw niya na sayo. Alam mo Princess kaya ka nasasaktan ng ganyan dahil inubos mo ang lahat ng pagmamahal mo sa kanya na hindi naman dapat. Lory masyado ka pang bata para seryosohin ang ganyang bagay bakit kaya hindi ka na lang humanap muna ng trabaho para kahit papaano malibang ka naman at makalimutan mo ang lalakeng yun."

"Hon naman eh kita mo ng nasasaktan ang anak natin pinilressure mo pa na maghanp ng trabaho." awat ni mom kay dad na agad namang idenepensa ni dad sabagay sanay naman si dad sa ganyan dahil isa siyang batikang lawyer.

"Hindi naman sa pinepressure ko ang anak natin hon. Sa tingin ko makakatulong yun na makalimutan niya ang Mike na yun. Alam ko anak na hindi mahirap makalimutanang six years naging boyfriend mo Princess pero ngayong break na kayo siguro kailangan mong libangin ang sarili mo. Princess hindi lang siya ang lalake dito sa mundo mas marami ka pang makikilala na mas deserving kaysa sa Mike na yun kung iniwan ka niya hayaan mo siya. Hindi mo ba naiisip na baka sign na ito ng diyos kung bakit kayo naghiwalay dahil para ayusin mo mun na ang sarili mo. Kung magmumukmok ka lang dito eh parang sinasabi mo na panalo siya at talo ka."

"Pero paano dad?"

"Simulan mo sa paghahanap ng trabaho."

"Wala na bang ibang choice dad? Paano naman nila ako tatanggapin eh two years na akong graduate ni walang job experience at lahat ata ng subjects ko eh niretake ko lang."

"Bakit ka ba ganyan mag.isip? Subukan mo muna."

"Sige po dad bukas na bukas din maghahanap ako ng trabaho papatunayan ko sa Mike na yan na hindi ko siya kawalan."

"Niyan ganyan nga. Basta itong tatandaan mo princess Briones ka at ang mga Briones hindi sumusuko kaya maligo ka na muna sumasama na kasi ang amay ng hangin dito."

"Dad naman eh." kinabig niya ako at niyakap.

"Binibiro lang kita. Sige na alis na kami ng mama mo."

"Sige po ingat po kayo."

Niyakap din ako ni mom at lumabas na sa kwarto ko. Binuksan ko ulit ang laptop ko at nagsimula na namang pumatak ang luha ko dahil sa sagot niya sakin sa messenger.

"Bakit hindi mo kayang tanggapin na wala na ako na hindi na kita
mahal o gusto mo pang ulitin ko pa sayo na hindi na kita gusto Lory, hindi na at huwag mo nga akong tatawaging babe nasusuka ako. Wala ka ba talagang respeto sa sarili mo? Alam mo ba kung bakit ayoko sayo? dahil masyado kang iyakin ni hindi mo nga kayang mahalin ang sarili mo kaya pwede bang huwag mo na akong guluhin nakakagulo ka na ng relasyon kaya itigil mo na nga yang pagkadesperada mo dahil wala ka ng magagawa cause I don't love you! Nakakahiya ka Lory!"

Pinusanan ko ang mga luha ko.

"Yun ang gusto mo? Pwes sige ibibigay ko." itinapon ko ang tissue at sinusubukan kong pigilan ang luha ko pero hindi ko kaya dahil may pumatak na naman. "Bakit hindi ko kaya?" dumapa ako sa kama at sinimulan ulit na umiyak.



---------------------
Malapit na silang magkita ulit guys pero bago yan pavote naman ako oh, comment don pala.

Thank you.

The Billionaire's Fake Idiot FianceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon