Hindi ko alam kung ano ba talaga ang gusto ko.
Bata pa lamang ako, nakaka appreciate na ako ng kagandahan ng babae. Gaya na lamang ng mga posters, pictures na nakikita ko sa magasin kung saan girls ang nasa center fold *salbahe. Hindi ako kagaya ng mga teenagers na ang mga crush ay sina Joe Jonas, Edward Cullen,Taylor Lautner at Justin Beiber. Ang mga crush ko ay sina Katty Pery,Demi lovato at Taylor Swift. Nagkakagusto din naman ako sa mga lalaki, pero hindi yun nagtatagal. May naging Boyfriends naman ako kaya hindi ko masasabi na tomboy ako.
Ang tanda ko na pero nasa stage padin ako ng identity crisis.
Mas lalo akong naguluhan nang makilala ko si Dea, matangkad siya ng kauti sakin,balingkinitan ang katawan,morena, mahaba ang buhok,matangos ang ilong at singkit ang mata.Third year High School siya nun at third year College naman ako. Nakilala ko sya last summer (required kasi kming 3rd yr colleges na mag take ng summer classes). Siya naman ay nag sasummer dahil bagsak sya sa tatlong major subjects. Napadaan siya minsan sa room namin. Tinawag sya ng prof. nagkwetuhan sila at nagbibiruan habang nag eedit naman ako ng power point presentation ko sa subject ni prof. Habang abala ako sa pag eedit, naibaling ko ang atensyon ko sa kausap ni prof. na ubod ng ingay na babae.
"Siguro kaya hindi ka pa nagkakaboyfriend kasi mga katulad mo yung gusto mo" sabi ni prof.
"Hmmmm.. opo Sir , pano ninyo nalaman?"
"hehee.. secret"
Napatingin ako bigla sakanya at nagtinginan naman kaming dalawa. Sa mga oras na yon, ang sarap ng feeling ko. Pero hindi ko maintindihan kung bakit, basta alam ko, unang kita ko palang sakanya nagusuhan ko na siya.
Niligawan nya ako at naging kami naman agad. Siguro nung pasukan na ok pa naman kami palaging magkausap. Pero nawalan nadin kami ng communication marahil sobrang busy ko sa school at naintindihan ko naman siya kasi hindi rin alam ng parents niya na may karelasyon siyang babae.Hindi ko na siya nakita noon mga three months din kahit nasa iisang School kami. After one month nagkaroon ako ng boyfriend na tomboy, (magulo ba?) si Pao.Nagbreak din kami after three months siguro dahil malayo kami sa isa't isa at hindi ko na makayanan na habang nagpapakasaya ako sa piling nya, eh kinokonsensya naman ako dahil sa excuse na sinabi ko sa lola ko " La, Gumagawa kasi kami ng thesis at hindi yun magiging madali, kaya medyo matatagalan kami you know?" totooong gumawa kami ng thesis, pero hindi nung mga panahong kasama ko si Pao. Satwing pupunta ako sa kanila, pagsubok talaga ang pinagdadaanan ko kasi naghahanap ako ng bebentang dahilan para makapag overnight ako. Malayo din ang La Union bah! kaya pag nagpunta ako dun nagssleep over na ako para naman masulit ang pamasaheng pinag ipunan ko, at marahil selfish siguro ako dahil hindi ko kaya na every month mag save ng pamasahe paputang La Union na nagkakahalaga ng 500 pesos.
Tinamaan din siguro ako sa talk ni Father minsan " SA PANANALANGIN NATIN MAKIKITA ANG KALIWANAGAN, SA PANANANALANGIN, HINDI TAYO MAAARING MAGTAGO"
tinumbok ng mga salitang yun ang puso ko.
Aray. bakit nga naman satuwing magdarasal ako, at ihihingi ng guidance si Pao, nagfaflashback sakin ang mga pagkakasala ko sa Diyos. Pinipilit ko sa sarili ko na hindi naman siguro masamang humingi ng guidance para sa ibang tao regardless of them being lesbian. Pero wala, talo talaga ako nang panalangin.
marami din akong narinig na side comments tungkol sa pakikipagrelasyon sa lesbians
"wala kang mahihita jan"
"tigilan mo na yan! sisirain mo lang buhay mo"
Actually, hindi ko naman sinira ang buhay ko. Nag explore lang siguro ako at naniniwala ako na sa mga karanasang ito, marami akong matututunan at magiging daan ito para matuklasan ko ang hinahanap ko. Ano nga ba ang hinahanap ko? Sa ngayon, hindi ko pa alam.
----
Nagpatuloy parin ako sa pagkakacrush sa mga lesbians and girls.
Nagsimula ang pagka crush ko sa kanya nung sumali sya sa Campus Ministry, Organization yun sa school namin na binubuo ng mga choir members, KOA at Lec. Comm. Sya yung pianista sana namin, kasolang hindi na natuloy kasi hindi pa nya napag aaralan yung mga piyesa ng mga kakantahin namin.Madalang ko na lang syang makita nun kasi hindi na siya umaattend sa mga practice namin.
Buti nalang at Intramurals na. Player kasi sya ng volleyball, at take note! nkakuha sya ng award na best attacker. Ang galing naman kasi nya. Simula noon, palagi ko na syang inaabangan sa eating area sa campus.Malas ko lang nang malaman ko na hindi na pala sya pumapasok. Nalaman ko yun mismo sa kanya.
Paano ko nga ba siya nakatext? Si Maya, ung kababata ko na lumipat ng tirahan sa may malapit sa school, nagkita kami minsan sa park,nakakwetuhan ko sya. Three years ang agwat namin ni Maya, graduating na ako sa college at fourth year high school pa lamang sya kung kaya't medyo naboboring siguro ako na kausap sya. Hanggang sa magtanong ako kung may boyfriend na sya sa edad na kinse.Naikwento nya sakin si Jhay bigla akong nagkaroon ng interes na makinig sa mga sinasabi nya. Sino ba naman ang hindi makikinig kahit sa pinaka maliit na impormasyon tungkol sa taong gusto mo? Ex nya pala sa Jhay. Noon ko lang nalaman. Nadismaya ako. Pumapatol pala si Jhay sa mas bata sa kanya. Pero hindi yun naging hadlang para mawala yung nararamdaman ko sakanya.
Hindi. Hindi si Maya ang nagbigay ng number nya saakin. Binigyan ako ng text mate ni Maya, Si Pete isa syang "Butch" o mas kilala ng marami na tomboy na bestfriend ni Jhay.Nahiya naman ako kay maya, kaya pumayag ako na makatext ko sya kahit alam naming dalawa ni Maya na may boyfriend ko noon si Pao.
Pero hindi,hindi ko kay Pete nakuha ang number ni Jhay kundi kay Luisa, sa bestfriend ko na President ng org. namin. Nasaknya kasi lahat ng contacts ng mga members ng Ministry. Nabigla nga sya minsan ng aminin ko sa kanya na ninakaw ko yung number ni jhay sa phone nya. Hindi naman nya ako pinagbawalan na magustuhan si Jhay dahil na rin siguro nagkarelasyon na rin sya sa mga kagaya ni Jhay. Ibig kong sabihin, Lesbian.
Naintindihan naman ako ng mga close friends ko sa isyung ito. Pero hindi parin syempre maiiwasan na masaktan ako sa mga jokes nila. kapag may gimik ang barkada palagi nilang sinasabi na " Ay si Karla, wag niyo na yan warningan na bka mabuntis, hindi yan mabubuntis ! kasi girls yung mga nkakarelasyon nyan" hinahayaan ko na lamang sila kasialam ko naman na nagbibiro lang sila.
---
Araw-araw ko parin syang tinetext at binabati ng walang kamatayang "Good morning, Happy lunch,Good aft, at Good night" Naiirita na siguro sya kaya hindi na nya ako nirereplyan ngayon. Ewan ko ba ba't di ako nagsasawa kahit wala naman akong napapala. Nasasaktan ako satuwing sinasabi ko na gustoko siya, pero ayaw nyang maniwala. Nagjojoke ba daw ako? lakas naman ng trip ko! ang nakakainis pa, ate pa talaga tawag nya sakin. Isa pa, pinipilit nya akong ireto sa bestfriend nya na si Pete.
Sinubukan kong kalimutan sya. Ang araw-araw ay nagsilbing pagsubok upang labanan ang kagustuhan kong itext sya. Hanggang sa magka crush nanaman ako sa campus.IIang weeks ko palang syang nakikita, gusto ko sya kasi ang bango nya at malinis siya sa katawan. As usual, Lesbian nanaman siya. Nadismaya nanaman ako sa pangalawang pagkakataon. Malaman laman ko ba namang Ex pala nya ang bestfriend ko na si Luisa at parehas pa kami ng nagustuhan sa ex niya ah.
Ayoko na..
Palagi nalang ganito..kundi sawi , Epic Fail sa huli.
siguro mas mabuti na munang maging single ako.
Maghihintay nalang ako ng tamang panahon.Palagi kasing sinasabi ng mga kaibigan ko na " Masyado ka kasing showy at vocal. That's why it turns out to be disappointing on the guy/girl's side." tama naman siguro.
Hihintayin ko nlang yung time na kaya ko nang panindigan ang mga pinapasukan kong relasyon. Yung walang pagkakataon na pwedeng ma-fall ako sa iba habang may boyfriend ako, at yung kaya kong tumayo sa desisyon at pinaniniwalaan ko.
Pero sa ngayon gaya nga ng sabi ko, hindi ko nakikita ang hinahanap ko, kung ano man yun, hindi ko rin yun alam ..
.
.
.
.
.
.
(please leave comments, suggestions) feeling ko kasi may kulang pa and it needs so much revision, how about on the coherence of ideas? magulo din po ba? Is it not awkward writing stories like this one? It's based on a real life story hindi po story ko.haha ..First time ko lang po magsulat. I need your help ;')
BINABASA MO ANG
UNDETERMINED
Short Story"Ang tanda ko na pero nasa stage parin ako ng identity crisis"