Trust
Kanino ba ito dapat ibigay?
Sakanya ba o sakanya?
Sa nagmamahal ba sayo o sa minahal mo?
Sino ba talaga ang mga taong mapagkakatiwalaan?
Porke't ba mabait dapat na nating pagkatiwalaan?
Kesyo ba gusto siya ng lahat dapat na siyang pagkatiwalaan?
Pero paano pala kung pakitang-tao lang ang lahat?
Kailan nga ba tayo dapat magtiwala?
Kung kilalang-kilala nyo na ba ang isa't-isa o kung mahal mo siya?
Pero paano mo nga ba masasabing mahal mo ang isang tao kung hindi mo naman ito pinagkakatiwalaan?
Diba sabi nga ni Eros ng Greek Mythology na Love cannot live without trust ?
Kung malalaman nga lang sana natin ng maaga kung kanino at kailan ito dapat ibigay...
Sana wala ng mga pusong nasasaktan...
Sana wala ng mga taong nagdaramdam...
Sana wala ng pagmamahal na nasasayang...
Kung alam lang sana natin...
Sana....