Sa lugar na di karaniwang masaya
Tila lumingon ang aking mata
Ang aking puso ay biglang naglagablab
Sa loob ko'y may biglaang alab
Unti-unti ko nang tinalikuran
Katahimikay aking kinlimutan
Kapayapaan unti-unting naglaho
Patungo sa paglalaganap ng dugo
Alang-alang sa mga nagimg bayani
Ako'y handang makipag-ubusang lahi
Alay ko'y buhay sa aking bansa
Ako'y di papipigil sa pagsagasa