Si Isco ay isang magiting na mandirigma ng kaharian ng Capella. Siya ang pinakamalakas nilang mandirigma. May hawak siyang isang malaking espada na pinanglalaban niya sa digmaan. Lahat ng tao ay humanga sa kakayahan niyang lumaban dahil hindi pa siya natatalo sa kahit anong digmaan. Sinasabi niya ang lakas niya ay nanggaling sa kanyang pamilya. Si isco ay may isang anak na si Cyrus at ang asawa niya na si Silvia. Si Cyrus ay isang tagahanga ng kanyang ama, kaya't gusto rin niyang maging isang mandirigma.
Nagpapahinga sa kanyang tahanan si si Isco at nang may biglang kumatok sa kanyang pinto.
Sundalo: "Kamahalang Isco, paparating na po ang hukbo ng alabasta. Malapit na po nilang mapasok ang kampo natin."
Isco: "Ngunit, hindi ba sa susunod pa na araw ang simula ng laban?"
"Pakibantayan ang aking pamilya at ako'y maghahanda na para sa labanan."
Sundalo: "Nalinlang po tayo ng mga kalaban, sumugod sila ng hindi ayon sa ating pinag-usapan."
Isco: "Hindi bale, ihahanda ko nalang ang hukbo na lalaban sa Alabasta. Ipapakita ko sa mga tuso na yan ang hinahanap nila."
Dali-daling sinuot ni Isco ang kanyang mga sandata at sumakay sa kanyang kabayo pataungo sa pinangyayarihan ng labanan. Ngunit pagdating niya wala siyang nakitang naglalaban na sundalo kaya't nagtaka si Isco dahil tila walang bakas ng patayan sa kanyang pinuntahan.
Isco: "Hukbo ng Alabasta, lumabas kayo sa pinagtataguan niyo at labanan niyo ako."
Hindi alam ni Isco na mali ang impormasyon na binigay ng sundalong kumatok sa kanyang pintuan isa pala siyaa mga sundalo ng Alabasta at nilinlang lamang siya nito.
May plano palang binabalak ang Heneral ng Alabasta na si Kali, nagtungo siya sa bahay ni Isco upang dakipin ang pamilya ni Isco dahil napagalaman niya na ang kahinaan ni Isco ay ang kanyang pamilya.
Kali: "Butihing Silvia at Cyrus, sumama kayo sa akin ng mapayapa upang walang masaktan."
Silvia: "Hindi! Hindi kami sasama sainyo, ililigtas kami ng asawa ko na si Isco! Humanda kayong lahat mga walang-hiya kayo!"
Habang pabalik si Isco sa kaharian ng Capella, tinambangang siya ng isang libong sundalo ng Alabasta. Hindi nagdalawang-isip si Isco at lumaban siya ng buong lakas para makabalik sa kanyang pamilya.
Biglang may dumating na sundalong naka-kabayo kasama na ang Heneral ng Alabasta na si Kali, pati na ang pamilya ni Isco.
Kali: "Kung ayaw mong patayin namin ang pamilya mo, sumuko ka na! Isuko mo ang kaharian mo at ibaba mo ang iyong sandata. Kapag hindi mo binaba ang sandata mo papatayin ko ang iyong pamilya."
Walang nagawa si Isco, ibinaba niya nag kanyang sandata dahil hindi niya kaya isakripisyo ang pamilya niya para lang sa giyera.
Isco: "Ibababa ko na ang sandata ko, Ibibigay ko na ang kaharian ko! Pakawalan mo lang ang pamilya ko parang awa mo na."
Dinakip si Isco ni Heneral Kali at ikinulong niyo ito sa pinakailalim ng kaharian ng Alabasta upang 'di na muling makalabas si Isco.
Si Heneral Kali ang naging bagong Hari ng Capella at dito nagtapos na ang kagitingan ni Isco dahil sa pagsuko niya kay Heneral Kali dahil hinding-hindi maipagpapalit ng sinumang Ama ang kanyang pamilya sa kahit anong bagay pa.
-WAKAS-