A Writer's Epical Love (ONE SHOT)

15 1 0
                                    

READ FIRST OR ELSE NAH~!

A/N: *kaway-kaway* Hello sayo! Bago ka magbasa, gusto kong humingi muna ng dispensa sa lahat ng typos at grammatical errors ng storyang to kasi talagang kapos ako sa oras para i-edit ito T.T Soo~ MARAMING SALAMAT SA LAHAT NG MAGBABASA, NAGBABASA AT NAKABASA NA NITO :) God bless you all sweethearts :*


with all of the hugs and kisses,

lalelaleynona


********


"Oy, magsusulat ka na naman ba?" Tinaasan ko lang sya ng kilay.

"Paki mo?" At nagpatuloy akong lumagpas sa kanya. Hinawakan nya ang braso ko kaya naman napahinto ako.

"Tinatanong kita." Huminga akong malalim at tsaka sya hinarap. I scowled at him.

"Kailangan ko pa bang isalaysay sayo kung bakit ako pumupunta dito?" Taranatado pala ang 'sang to eh. Hindi porke't kapatid nya ang may-ari ng net cafe na palagi kong pinupuntahan eh may gana na syang manghimasok sa kung anong gagawin ko.

"Tss. Nagtatanong lang eh." Binitiwan nya ang braso ko at napakamot sa batok nya na para bang nahihiya sya. Psh. Hindi ko nalang sya pinansin at nagpatuloy na lang ako ng lakad patungo sa cubicle ko.




I am a writer. Araw-araw, gumagawa ako ng mga kwento na pawang imahinasyon lamang. Araw-araw nag a-update ako sa mga storyang ginagawa ko kaya ako suki sa net cafe ng kuya ni Riyan, yung asungot na kumausap sakin kanina. Hindi ko alam kung anong problema nya sa buhay at talagang ang hilig nyang salubungin ako pagka papasok ako sa cafe nila. Mula nung, hindi ko alam kung aksidente nga ba o sinadya nya, ang tumingin sa ginagawa ko at nalaman nyang nagsusulat ako. Mula nun, paborito nya nang mag eavesdrop sakin kaya minsan nasisinghalan ko sya. H



Sa totoo lang, wala ni isang nakakaalam na writer ako. At ayokong may makaalam non.




"Lexalelalee UD ka na po."

"Otor! Ano nang sunod?"

"UD PLEASE!"

"UD na pleaaaaase!"



Iilan lang yan sa mga comments ng mga readers ko sa isang on-going story na ginagawa ko.


"Aba! Ang nagger ng mga readers mo ah." Bigla akong napatayo agad at tinabunan ang screen ng computer ko.


Err, wrong move.


Halos di ako makahinga dahil talagang pinipigilan ko ang hininga ko dahil sa sobrang lapit ng mga mukha namin.


"A-ano k-ka-"

"Bat nauutal ka Xela? Mas gwapo ba ko sa malapitan?" (Xela is read as 'Shela') Bigla akong nakaramdam ng sobrang hiya at pagkainis , kaya naman sinuntok ko ang mukha nya at sapol na sapol ang suntok ko sa ilong nya.

A Writer's Epical Love (ONE SHOT)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon