004

15 0 0
                                    

Kiko POV

Isang napakaliwanag na ilaw ang nakita ko at nang mawala nakita ko nalang na nasa loob ako ng kwarto ko. Ano to panaginip?... Hindi... Sigurado akong hindi... Sila Dwin? nasan na kaya sila?

*Tootooth! Tootooth!*

[Kiko? Nasan ka? Pumunta ka dito samin ngayun na, itext mo narin si Jovan.] Txt message ni Dwin

Nagmadali ako papunta sa kanila, pagka paalam ko sa nanay ko ginamit kona ang bike ko para mabilis.

*Tok! Tok!*

"Dwin!!!"

"Wait lang kiko, nanjan na."

"Anong nangyayari? Si Jovan?"

"Mamaya kona sasabihin, pag kasama na natin si Jovan, tawagan mo na sya dali! " Nagmamadali niyang sabi

"Sige sige"

*Cring! Cring!*

"Jovan?"

"Oh? Kiko? Papunta ko kala Dwin nasan ka?"

"Nandito sa kanila, dalian mo... Tumakbo kana"

"Sige sige" *Tuth*

*Tok! tok!*

"Dwin! Kiko!"

"Si Jovan nayan..."

Binuksan ko ang pinto para papasukin si Jovan, nagulat ako sa itsura niya, pawis na pawis. Nagmadali kaming pumasok sa kwarto ni Dwin, pagbukas namin ng pinto ay nakaabang na si Dwin, kakaiba itsura niya seryoso at nakangiti.

"Guys... kompleto na tayo... tayo ang "The Best 3" T B3" Sabi ni Dwin habang nakangiti, yung klase ng ngiting parang may masamang binabalak

"Ha?" Naiinis na tanong ni Jovan

"Guys hinigop ako nung Capsule nayon... isa yung time machine at may nakita akong lalaki sa loob non, hulaan niyo kung sino ang nakita ko"

"Sino?" Sabay naming tanong ni Jovan

"Ang lalaki yon ay ako... ako daw siya, at guys kamukang kamuka ko siya at naniniwala ako na ako talaga siya."

Nagulat ako sa sinabi ni Dwin, nakita niya ang sarili niya sa loob ng capsule? Palabiro si Dwin, pero hindi siya magbibiro tungkol sa mga gantong bagay.

"Parang imposible naman yan." Seryosong sabi ko

"Oo Kiko, oo... Ako siya dalawang pung taon mula ngayon"

"Kung seryoso kanga Dwin, maniniwala ako sayo, sa nangyari satin kanina at sa nakita kong liwanag na talagang kakaiba, hindi malabong time machine nga yong capsule nayon" May punto si Jovan

"May binigay sya saking flash drive at tatlong gamot."

"Gamot? Para san?" Tanong ko

"May gera daw sa hinaharap, kelangan daw nating pigilan yon, basta parang ganon... Nandito daw sa flash drive ang lahat ng sagot sa tanong natin."

Folder name "TATLO"
Answer.txt
How To Use i1.pdf
World War 3 (2035).mp4

"Wow ha, may time machine siya tapus isang lumang flash drive ang dala niya?" Nakangiting sabi ni Jovan, kahit saan talagang sitwasyon kaya netong mag biro.

Pinanuod namin ang video na nasa flash drive at nagulat kami sa mga nakita namin.

"Shit!" Sabay sabay naming reaksyon

Ang laman ng video ay isang  gera... hindi lang basta gera, nakaktakot na gera, nakakakilabot, puro usok, puro bangkay, kadiliman, kasamaan.

Pag katapos ng video, binuksan namin ang file na ang file name ay "Answer.txt".

"Answer.txt"
Hindi kayo magiging superman oh ano pamang inaasahan niyo, siguro magiging lagpas ang kakayahan niyo kesa sa normal na tao pero hindi kayo makakalipad, hindi magiging invisible, at lalong hindi bumubuga ng apoy. Papataasin lang ng gamot ang abilidad niyo, mas patitibayin, mas palalakasin.

Isang napaka talinong tao ang nakaimbento ng gamot na hawak niyo ngayon, yun ay si Dr.Franko, at siya ay ang lolo mo Kiko. Ang gamot nayan ay ginagawa na niya sa kasalukuyang panahon niyo sa ilalin ng gobyerno ng pilipinas, tinawag ang proyekto na "IMPAKTO 001" gagastusan ng gobyerno ng America ang proyektong yan para gawin ang gamot na tinawag nilang "i1" pinaikling "IMPAKTO 001". Matatapos niya yan sa darating na dalawang taon mula sa panahon niyo, bali sa 2017. Ang gamot na yan ay para sa bawat sundalo ng Pilipinas, may inaasahang epekto ang "i1" sa bawat indibidwal na 100% pero palpak ang gamot, hindi gagana ng tulad sa inaasahan, 20% lang ang naging epektibo. Pero ang 20% ay lubos na epektibo na kaya makakatulong parin to sa gera. May hindi inaasahang mangyayare, nang ako na ang uminom ng "i1" umakyat ang epekto neto sakin ng halos 30% at paglipas ng taon ay mas tumataas pa, 50% na to ngayon. Bakit naging ganon? Sa pag-aaral naming tatlo ito ay dahil saktong sakto ang DNA ko sa "i1". Parehas na parehas tayo ng DNA Dwin, kaya inaasahan namin tatlo mula dito sa future na gantong ganto rin ang magiging epekto neto sayo...

TATLO: Tatlo Lang DapatTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon