I'm Dumphresiamiu Lee. 16 years old. Mayroon akong boyfriend. His name is Leffprium Kim 18 years of age.

Matagal na kaming mag-on. At hanggang ngayon kinikilig pa rin ako kahit sa mga simple gestures niya lang. He is my first love. Naalala ko pa 'yung una naming pag kikita.

**FLASHBACK**
Bakit ba kasi kailangan ko pang pumunta sa office ng Dean? Wala naman akong kasalanan. Argh. Kakaasar talaga.

Tinahak ko na ang daan papunta sa office ng letcheng Dean na 'yan. Yes, Letche, dahil pinsan ko lang naman ang Dean. -_- awkward. Tinitrain na siya ngayon pa lang since gusto niya naman raw siya ang mamahala sa campus nila so 'yun.

Nakarating naman ako sa wakas. Saka pumasok ng walang alinlangan. Nahuli ko pa siyang may kahilikang ibang babae.

"Typical Playboy"

Plain kong sabi saka umupo sa isang single couch. Sabay labas ng phone ko.

"Damn it! Sia! Hindi ka ba tinuruan nila Auntie na kumatok muna bago pumasok!?"

Sabay layo sa babaeng kahalikan niya. Saka inayos ang nagusot niyang damit at buhok.

Tinaasan ko siya ng kilay. At nilipat ang tingin sa babaemg kahalikan niya. Saka nagroll eyes.

"Ikaw hindi ka ba tinuruan ni Auntie na ilugar ang kalandian?"

Lumabas na ang babae. Tila nahiya. Nahihiya pa pala ang linta? Well, walang may paki.

"Tsss..."

"What do you need?", dagdag pa niya sa sinabi niya.

"Tsk. Duh! Ikaw kaya nagpapunta sa'kin dito! Pektusan kita diyan, eh!"

Saka ko siya binato ng school shoes ko. Kakaasar. Papuntahin ka ba naman sa office niya tapos pinapadali ka pa then magugulat ka na lang sa nakita mo dahil may kahalikan ang pinsan mo tapos ako may kailangan!? What the hell!?

Tinapunan ko siya ng isang death glare. Takot 'yan sakin. Kaya hindi ako magtataka kung bakit bigla na lang siya magsorry diyan.

"Okay, sorry na."

Kitams?

"Anyway, pinapunta kita rito para imeet si----"

*knock*knock*

"Come in."

Tapos pumasok na 'yung... lalaki?

"Oh, andito ka na pala. Leffprium Kim, this is my cousin. Dumphresiamiu Lee. Sia, this is Leffprium Kim. My best buddy."

Pakilala ng pinsan ko. By the way, He is Delion Lee.

"Nice to meet you...?"

"Sia. Call me Sia. Nice to meet you, too. Leff.", saka ko inabot ang kamay niyang nakaextent.

Gosh, ang lambot ng kamay niya. Super! 😍😍 feeling ko naging heart na mata ko.

"Anong tawag mo sa kanya, Sia? Leff?"

Takang tanong na para bang hindi siya makapaniwala sa sinabi kong pangalan. Bakit may mali ba sa sinabi ko?

"What?", tanong ko sa kanilang dalawa.

"Nevermind", sabi pa ni Delion. I can sense na may tinatago itong dalawa. Oh, well. Walang may paki.

"Gusto ko sanang malaman niyo na kayong dalawa ang ipapadala ko sa Korea bilang presensya ng ating School. Got it?"--Delion.

"What? Ayoko. Delion!", sinigawan ko siya. Wala akong paki kung may makakita sa ganito kong side.

"Ooops. Sorry. Oo nga pala. Sige papalitan ko na lang ang magiging partner mo, Prium", sabi pa ni Delion. Buti naman at nagets niya ang ibig kong sabihin.

Ayokong pumunta sa Korea dahil ayaw ko lang. Basta. Ayaw ko lang talaga doon.

Aalis na sana ako ng biglang magsalita si Leff. Na siya namang ikinagulat ko.

"Sige, ibahin mo ang partner ko, Delion. Makakaasa kang walang may dadalo sa pagtitipun sa Korea para sa Presence ng School na 'to."

Kaasar. Sino ba 'to?

"Oh, tapos!? Letche, sino ka ba!?"-ako

"You're First love."--Leff

"Watch your mouth", saway sakin ni Delion. As if naman na mapipigilan niya ako in this state. I'm a hard headed brat. Hindi mo ako mapapatino ng basta-basta.

"Haaa! Wag kang hangal! Wala akong interes sa lalaki. Libro ka ba? Hindi, diba? Letche ka sa lahat. Wag ka ngang FC!"

Singhal ko pa sa kanya. Letche. Pinapunta lang ako rito para sirain ang araw ko😠😠

"I guess, walang dadalo sa Korea. Sorry, Delion. This is the first time na hindi kita matutulungan. Sorry talaga, Pare.", sabay tapik sa balikat ni Delion.

Napabuntong hininga na lang si Delion saka napahawak sa kanyang sintido.

"Pasensya na, Prium. I guess, hindi ko talaga mamamana 'to Campus na 'to. Sige na. Ingat ka."

Saka niyakap si Leff. 'Yung bro hug. Basta 'yung ganun. Doon lang rin nag sink in lahat ng sinabi ng pinsan ko.

Noooo! Itong school na lang ang pangarap niya. So kung hindi ako papayag, hindi niya rin ito mamamana? At kasalanan ko pa talaga 'yun? Kaasar.

Lalakad na sana paalis si Leff kaso pinigilan ko siya. Damn. Ayaw kong gawin 'to. Pero kailangan, eh. Hindi ko matiis si Delion. Kaasar.

"Payag na ako."

Sabi ko. Tumigil sa paglalakad si Leff at napalingon sakin si Delion with his confused look. I just rolled my eyes. Tsk.

"Payag na ako. Okay? Sige, aalis muna ako."

Saka ko sila iniwan sa loob ng office ni Delion. at bumalik sa room ko.

**END OF FLASHBACK**

So, 'yun. Hahaha. Sa totoo niyan. Nag-iinarte lang ako that time. Saka hindi din naman totoo na ayaw ko sa Korea. Gustong-gusto ko sa Korea. As in! Kaso, dahil sa isang tao kaya ako lumalayo sa Bansang gusto ko. Si Sehun Shin. Ex-boyfriend ko. Yeah. Bitter ako, noon. Not now. Kami na kaya ni Leff so, ano pa ang ikakabitter ko?

Naalala ko 'yung mga panahon na nandoon kami sa Korea. Napaka over protective niya. Parang Delion lang. Sus, hindi lang kami magpinsan ni Delion, ako na siguro ang nagpatino sa kanya. Kaso, hindi eh.

Noong nasa Korea kami that time. Ang dami naming memories like strolling. Pumunta sa iba't-ibang coffee shops.

Ang dami naming memories sa Korea. Pagkatapos sa Korea. Umuwi na rin kami then pinasalamatan kami ng mga staffs sa school ni Delion. Hahaha.

Then that time. Pinakilala ko na siya parents ko. As a friend, duh! Wag kang ano👊

Napakasarap sa feeling.
~~~~~~~~~~~

-Admin Black_Aster

35sakura
Namja5788
oshinnesolon
Rudesweetheart01

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Apr 06, 2016 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

I Was Dumped By YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon