Maaga akong bumangon, ayaw kong ma-late. Naligo ako and nag-bihis, then nag-breakfast. This is my first day in college. Nakaka-excite and kabado at the same time. This is a university and unlike ng school ko sa province, this is a big school. Malawak at malayo-layo din ang lakarin. Need kong maaga makapasok since hahanapin ko pa ang room ko. And siyempre, makikiramdam pa ko sa mga kaklase ko. Sinu-sino kaya ang magiging friends ko? Ngayon lang ako papasok ng school na wala akong kakilala.
After kong titigan ang sarili sa salamin; wearing my new uniform, I decided to get my bag and went out of the boarding house. And dahil walking distance lang ang boarding house namin sa gate ng school and maaga pa naman, medyo relax naman ang morning ko.
Pag labas ko ng street namin, kita ko na ang dami ng students sa main street.
Sobrang daming tao naman. Then, I stopped.
Sa bagay, sa laki ba naman ng university na to, hindi ba naman dadami ang students nila? Papano kaya kung sa university belt pa ako napadpad? Mas lalo na. So, I decided to start walking again.
*****
Malayo pa lang ako kitangkita ko na ang university gate. May arko na parang luma ang design. Made from cement ang arko pero may brick effects. At syempre, dito nakasulat ang name ng university na to. Para bang very proud i-announce sa lahat at ipinagbabanderahan ang pangalan nya sa lahat. Sa sobrang dami ng students nito, pati pila kita ko din kahit malayo pa lang ako. Medyo mainit pa naman. Buti na lang, may umbrella ako, kahit mainitan ako sa pila ok lang.
*****
Sa wakas dito na ko sa building namin at nasa second floor ang classroom ko. Dahan dahan kong binuksan ang pintuan at unit-unting lumalakas ang ingay sa loob ng room. Bakit pa ba ako magtataka? Usual naman ito sa isang classroom kapag walang professor or teacher. Unti-unting kumakabog ang dib-dib ko. Pag-tingin ko, isang grupo agad ang nakita ko. Siguro mag-kakakilala na sila sa high school pa lang. Samantalang yung iba naman, solo and tahimik din, just like me. Habang naka-tayo ako sa may pintuan, nag-scan ako for vacant seat.
Anak, hanap ka ng upuan malapit sa harap kung walang bakante sa unahan. Para mas malinaw at mas maririnig mo ang pagtuturo. I remembered. Bilin ito ni mommy sakin before kami mag-hiwahiwalay.
Duon, halos malapit na sa table ng professor may vacant seats pa. Ayaw ko sanang sobrang lapit kasi kinakabahan ako pero ok na rin sakin. At least hindi hirap mag-take down notes nito and sa pakikinig ng lessons. Habang naglalakad ako papunta sa harap, tahimik akong nakikiramdam sa paligid. Ibinaba ko ang back-pack sa upuan. Habang dinidiretso ko ang binti ko ay iginalaw-galaw ko ang mga balikat ko para ma-relax. Sa dami kasi ng laman ng bag ko, ang bigat. Wala pa ang text books dyan. May naramdaman akong kumalabit sa balikat ko.
"Hi, I'm Garnet Quintana. Ikaw?" May kabilugan at pangahin ang mukha ng babaeng naka-upo sa likod ko. May manipis na mga labi na nakangiti sakin. Mga mahiyaing bilog na mga mata. Mahahaba at nakababang pilikmata. Para tuloy syang inaantok kahit hindi. Long wavy ang buhok na nakalugay. Mas mabilog sakin ang pangangatawa at sa tingin ko, di nagkakalayo ang height namin. Para sakin, pleasant ang kabuohan ng kanyang appearance.
"I'm Louisse. Jessica Louisse Pilar" Sinabayan ko ng tipid na ngiti.
"Taga-san ka? Ako, galing pa ng province. Bago lang ako dito and wala pa akong friends. Ok lang ba sayo ako sumama?" Mahiyaing pagtatanong nya.
"Galing din akong province. Sakto, bago lang din ako dito. Wala pa din akong kakilala." Mas maaliwalas and mas firm na pag-sagot ko sa kanya.
Bigla syang lumipat sya sa tabi ko since vacant din ang seat sa tabi ko. Nag-kwentuhan na kami while wala pang professor. Marami agad kaming napag-usapan. Tungkol sa kanya and tungkol sakin. As if matagal na kaming mag-kakilala sa gaan ng feeling ko sa kanya at sa dami naming pinag-uusapan pa. That moment, feeling ko best of friends na kami agad.
The door suddenly opened. A tall slim woman with brownish hair came in.
"Good morning class!"
------------------------------------------------------
Good day everyone!
Since may event po ako this coming week, I decided to update this book today. Medyo malayo ang pagitan ng pag-update ko. Just hang on guys. Ang I'm hoping na aabangan nyo lagi mga susunod na chapters. Thank you so much sa mga bumasa, sa nag-follow and nag-vote kahit kokonti lang kayo. Sa mga bagong bumasa, please do vote po. Thank you in advance.
Until next chapter!
~ plumaniamihan ~
------------------------------------------------------
Photo taken from http://all-free-download.com
Video from https://www.youtube.com
------------------------------------------------------
BINABASA MO ANG
Loving Him (Soul Mate Series Book 1)
Teen FictionSome people believe that finding the love of their life is finding their soul mate. A person with whom they have an immediate connection the moment they meet. But that's not always the case. Louisse, a college girl who will be focusing on her stud...