First Sight

34 1 0
                                    

Advantage talaga ang tumira malapit sa school. I don't need to wake up too early but still, nasa vicinity na ako at mahaba pa rin ang time ko before mag-start ang class.  Nag-e-enjoy lang akong nakaupo dito sa bench sa ilalim ng puno.  Ang sarap ng hampas ng hangin sa aking mukha.  Nahanap ko na ang magiging favorite part ko dito university, ang field.  Dahil malaki at sobrang lawak ang field na ito, malayang nakakadaan ang hangin.  May malalaking puno dito kaya mas fresh ang air, plus may shade pa kung saan ako nakaupo.  Nice place to rest after my morning walk and read my pocket book or mag-sound trip.

"Hi Louisse!  Serious na serious naman at nakatitig pa sa kawalan.  Ano ba yan?!" Habang tumatakbo papalapit sakin si Garnet.

"Ano pa ba?  Eh di sound trip.  Di ba kwento ko naman sayo mahilig ako sa music?" Sagot kong nadidismaya dahil na-distract ako.

Mahilig kasi akong mag-daydream.  Kapag nakalagay na ang earphones sa mga tenga ko, para akong nagte-teleport.  Para bang napupunta ako sa iba't-ibang magagandang lugar.  Minsan naman, para akong nagta-time travel.  Naaalala ko ilang events na nangyari na sakin.  Dipende sa playlist ko.

"Tara na sa taas, para makaupo tayo ng maayos best." Sabay hila sa braso ko.

"Wait lang, ayusin ko muna mga gamit ko. Ikaw naman, ang lakas makahila.  Parang mauubusan ng upuan oh." Habang kinukuha ko mga gamit ko at sabay na kaming pumunta sa classroom.

*****

"Ayun! Dun tayo sa front row ulet?" Excited na tanong ni Garnet.

 "Ok lang best. Or if you want, sa second row naman.  Ang hirap kasi mag-notes kapag nasa kabilang board na ang prof at sa unahan tayo eh." Yaya ko sa kanya.

Habang nag-bababa ako ng mga gamit ko, may binubulong sakin si Garnet. Ang problema, di ko sya napapansin. Until, hinampas nya ko sa balikat ng notebook.

"Aray! Ano ba naman best?" Irritated kong pagkakasabi sa kanya.

"Ano ka ba best, may sarili ka bang mundo?" Ngingiti-ngiti sya sakin. Parang gusto kong maasar sa kanya. Nakakapikon ang mga ngiti nyang parang smiley sa chat.

"Ano ba best? Anong may sarili akong mundo?   Pwede bang focused lang?  Wala akong autism no!" While looking inside my bag for my headset.

Magheadset na nga lang ako para di makastorbo sa iba.

"Oy! Ano ba best! Para namang di ka kinakausap oh." Naiinis nyang hila sa headset na nasa kamay ko.

Humarap ako sa kanya. I stared at her. She stared back at me. Then sabi nya,

"Best, tao ka ba? Ok lang naman magsariling mundo, pero andito naman po ako. And baka naman pwede tayong maki-mingle naman sa iba.  Para maging barkada naman po tayo hindi mag-bestfriend lang ang ending natin.  Ang dami nating classmates oh." Sabay gesture sa paligid.

"Anong meron best?" Sinabi ko habang nag-ba-browse ako ng music ko.

"Best?" Pangungulit ni Garnet

"Yes?" My plain reply.

"Wala ba tayong classmate na crush mo?" She whispered.

"Huh? Crush? Ikaw pa nga lang ang nakakausap ko di ba?" Then I rolled my eyes.

"Ok best, ganito na lang, sino sa mga boys ang sa tingin mo cute?" She whispered closer to my ears.

Since makulit sya, I looked around and looked at every boy inside our classroom.  One looked like Emilio Aguinaldo.  Chinito ang mga mata at brushed up ang buhok nya.  In fairness, cute ang dating nya sakin kasi chinito sya.  Sakto naman ang pangangatawan and also medyo matangkad sya. Another one looked playboy naman. Meztizo, matangos ang ilong, round ang mga mata and hati sa gitna ang buhok.  Pang Backstreet Boys ang dating.  Guwapito! Pero parang in a relationship na.  Meron naman napaka-manly ang dating, very tall, fair skin and medyo bilugan ang katawan. Bilugan din ang mga mata, may makakapal na kilay at may konting bigote na rin.  Ngayon ko lang napansin na nakangiti pala sya sakin.  Lumingon ako kay Garnet hoping na sa kanya nakangiti. Pero busy na si Garnet kaya sakin pala talaga sya nakangiti.  Nag-scouting pa ulit ako.  Meron kaming classmate na may macho built.  Halatang-halata ang gel sa buhok na naka-spike.  Ang outfit, loose shirt and loose pants with malapad na belt. Parang rapper naman with matching baseball hat pa.  Ok lang pero di ko type ang get up.

Zooming out, tinitingnan ko sila.  May mga nakikipag-kulitan sa girls and meron ding puro sila boys.  May mga nagbabasa at meron ding naglalaro ng cards or nagkukwentuhan lang.  May ilan ding may mga partners.  Until, I saw this solo guy minding his own business.  As if wala sya sa classroom.  Walang kausap and tahimik lang.  Nag-o-observe saming mga classmates nya.  Zooming in again.  Hati rin sa gitna ang kanyang buhok.  Medyo chinito, matangos ang ilong at medyo harang ang mga tenga (parang daga). Mga labing manipis sa ang taas at medyo makapal ang baba.  Mga labing slight lang ngumiti if may pumapansin sa kanya. Para bang gusto nyang maging invisible sa iba as much as possible.  Moreno at may katamtamang pangangatawan.  Simple manamit, white polo shirt, maong pants and rubber shoes. 

Mysterious type ito ah.

"Sya." I told Garnet while staring at my phone.

"Ano ulet yun best?"  Nagulat na sagot sakin ni Garnet.

"Sabi ko, sya.  Five o'clock mo.  Yung naka-white polo shirt. Yung tahimik na katabi ng mama nating classmate."

"Ahhhhh... Ok ah... Mukhang cute sya best. Gusto mo kausapin natin?" staring at me like a child na may gustong ipabili sa nanay nya.  Before pa nya ko mahila, isang barkada ng girls ang lumapit samin.  

"Hi girls!  Ok lang ba makipagkwentuhan sa inyo?  Para naman magkakilakilala tayo?  Alam nyo naman na gusto naming maging at home kayo dito sa university na ito." Sabi ng isa sa kanila.


  ------------------------------------------------------ 

 Hi guys!

Thank you guys for reading.  Please vote or follow.  Feel free to white comments and suggestions.  Thank you all again and God bless!

~ plumaniamihan ~


------------------------------------------------------

Photo taken from https://www.hearingsolutions.ca

Video from https://www.youtube.com

  ------------------------------------------------------  

Loving Him (Soul Mate Series Book 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon