First Encounter

24 2 0
                                    

I'm starving

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

I'm starving. Bakit ba kasi alanganin ang oras ng break namin.

Parang ang tagal ng break. And late na ako nagising today kaya di ako nakapag-breakfast.

Ilang minutes pa ba? Ayaw ko pa namang magutom. Makakapag-taray ako ng di oras!

"Best, mamayang lunch sabay daw tayo kina Lovely, Donald and Jake. Is it ok with you?"

Lovely Rose Villar, she's one of those pretty girls in our class. With long dark hair, sakto lang height, makapal na eyelashes, round eyes, fair skin with rosy cheeks and medyo balbon. Bumagay sa kanya. Donald Argulia is the biggest guy with konting bigote. And Jake, Jake Florez. The mysterious cute guy na sinabi ko kay Garnet the other day.

As much as I wanted to disagree, wala naman akong magawa dahil sobrang excited ng bestfriend ko. And mukhang nakapag-decide naman na din sya for the two of us. Besides, mas masaya kumain kung mas marami ang kasama.

*****

Break time na. Sobrang gutom na talaga ako. Gusto ko na sanang mauna na kami ni Garnet sa paglabas ng room pero before ko pa mabitbit ang bag ko, lumapit na yung tatlo.

"Ano Garnet, tara na?" Lovely asked.

"San nyo gusto kumain?" Garnet asked.

"Gutom na gutom na tong si Louisse. Mukha ngang kakain to ng tao." She added.

"Louisse pala name mo." Donald said to me with his trademark pleasant smile.

"Ah... Yup..." I answered without looking at him.

We went out the room and started to look for a good place to eat. While walking,

"So Louisse, kambal pala tawag sayo ni Tanya?" Sabi sakin ni Lovely.

"Huh? Ahhhh, si Tanya Cruz. Yung may mala-pusang mata? OO, madaldal nga eh. Kasi daw magkasing height kami and pareho kaming mahilig sa dancing kaya sabi nya, kambal daw kami. Super friendly nga nya eh." Nangingiti kong sagot.

"So mahilig ka pa lang sumayaw Louisse. Turuan mo naman ako." Pangungulit ni Donald.

"Ha? Pag may time na tayo sige turuan kita." Then I smiled back to him.

"Promise yan ah?" With a big smile

"Yes po. Grabe ka ah. Makulit ka din." Biro ko.

"Ako makulit? Hindi naman, gusto ko lang matuto sumayaw masama ba yun?" Sabay kiliti sakin.

"Napaka-persistent mo din no? Sige, pag may time na ok?" Medyo nasungitan ko ata. Sobrang gutom na din kasi ako.

"Eto naman kinukulit lang. Ang cute mo kasi pag naiinis ka. Oh, dito na lang tayo." Pointing into that familiar canteen.

"Masarap na food dito. Student meal. Sobrang affordable pa. Di ba Jake?" He added and Jake just smiled.

From the time na makahap kami ng seats naming until makatapos kaming mag-order, hindi ko pa rin naririnig ang boses ni Jake. Di pa din sya nagsasalita. Nakikinig lang sya, iiling at tatango lang.

Ano ba naman 'tong si Jake. Di ko malaman kung pipi ba sya or bungal lang kaya ayaw mag-salita. Or.... Baka naman ayaw lang talaga makielam sa mga pinag-uusapan namin.

"Ikaw best, anong masasabi mo sa group ni Tanya?" Biglang tanong sakin ni Garnet.

"Ok lang din naman sila. Napaka-friendly nila diba?" Hoping they will agree.

"Sobrang friendly nga eh. Parang tatakbong mayor. Feeling friends nya lahat ng classmates natin. Di ba kayo naiingayan sa group nila? As if they own the whole room."

First time naming syang narinig mag-salita. Very plain lang ang facial expression nya and nakatingin lang sa kinakain nya.

"Saka sabi nya, twin sister ka daw nya di ba? Payag ka ba?" Without looking at me.

Well, I think I am interested on how he interprets things around him. Sa tingin ko magkakasundo kami nito. Nag-o-observe lang sya and sa tingin ko binabasa nya mga tao by the way they act and the way the speak. Parang nag-i-investigate lang. Mukhang brainy ang Jake na to.

"Dipende." I answered back without looking at him too.

Donald looks at us puzzled. Parang gusto nya ulet sumingit at kulitin ako but hindi nya alam kung papano mag-uumpisa.

From then on, lagi na kaming magkakasama. And si Donald, di ako tinantanan. Ako talaga kinukulit nya. Mahilig magpatawa, mahilig mangiliti. In fairness, mapapangiti at napapatawa nya ko. Si Lovely naman, makwento, palaging bumabangka. Si Garnet, minsan feeling ko nagseselos sa pagiging close namin ni Lovely. And si Jake, bumabanat-banat lang. Sumisingit-singit lang. Tatawa-tawa sa mga pinagkukwentuhan namin. Madalas nagre-react lang.

And feeling ko, sobrang saya ko na sila nakasama ko. I feel very lucky for having them as my friends. Napaka-diversed ng group namin. Iba-ibang personality but still the friendship is there.

------------------------------------------------------

Hi!

Thank you again for reading.  Please continue voting and follow me please.  I am open for comments and insights from anyone.  Thank you again so much!  See you again next chapter.

~ plumaniamihan ~

  ------------------------------------------------------  

Photo was taken from http://thewallpaper.co

Video from https://www.youtube.com/

Loving Him (Soul Mate Series Book 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon