CHAPTER 1

4 0 0
                                    

Angelo Point of View:

"Angelo may naghahanap sayo sa labas."

Nang pagtingin ko sa kaklase ko ay namumutla sya. Namumutla sa takot.

Tumayo na ako sa kinauupuan ko at pumunta na sa may pinto kung saan sya naroon.

"Dada."

Pagtawag ko sa kanya. Lumingon sya sakin na nakakunot ang nuo.

"Bat ang tagal mo? Gano ba kalayo ang upuan mo mula dito?"

Masama nanaman ata ang gising nya -.-

"Pasensya na Dada m-may ginagawa l-lang a-ako."

Inirapan nya lang ako at huminga ng malalim. Pinipigilan nya kasi mag sungit.

"Sabay tayo umuwi mamaya. Kaya daanan mo ako sa room, maliwanag?"

Tumango na lang ako sa kanya kaya umalis na din sya.

I'm Angelo Smith. 19 years old at 3rd year college na ako sa kursong Civil Engineering. Yung babae na pumunta kanina dito? Sya si Daniela Gomez. At sya ang aking Girlfriend.

Naging Girlfriend ko si Dada (Nickname ni Daniela) dahil sa mga magulang namin. Gusto kasi ng Mama ko si Dada at gusto naman ako ng Mama nya para sa kanya. Pero hindi kami naka 'arrange'. Pareho namin ginusto na maging mag Girlfriend at Boyfriend. Niligawan ko sya at sinagot nya ako. Pero hindi ibig sabihin eh may gusto kami sa isat-isa. Basta sinunod lang namin yung gusto ng mga Mama namin. Tapus.

Kung magkasundo kami? Oo. Medyo? Hindi ko din masabi kasi yung pagkakasundo namin ni Dada eh base sa mood nya. Ang problema eh, paiba iba ang mood nya kaya swertihan na lang kung good mood sya. Pero pag bad mood naman sya bibilhan ko na lang sya ng Ice cream para kahit papano eh lumamig ang ulo nya.

Madaming takot kay Dada dahil medyo siga sya dito pero para sa akin hindi naman talaga sya nakakatakot at hindi naman talaga sya siga sadyang matapang lang talaga si Dada. Mali lang talaga sila ng tingin sa kanya. Para sa akin isa paring normal na babae si Dada. Yung nasasaktan, umiiyak at---

"HOY NERDO DIBA SABI KO SUNDUIN MO AKO SA ROOM? "

Nangitla ako sa gulat nang marinig ko ang boses ni Dada. Pagtingin ko sa room namin ay wala nang tao. Napasobra ata ang pag iisip ko -.-

"Pasensya na Dada. Hindi ko napansin na uwian na pala."

"Pano mo mapapansin eh kanina ka pa tulala. Matetegok ka na ba at ganyan kalalim ang iniisip mo?"

Grabe naman to.

"Hindi naman sa ganun Dada. Gusto mo ng ice cream? "

Tinaasan nya ako ng kilay tska nag sabing...

"Y-yung strawberry. " sabay talikod at puntang parking lot.

Napailing na lang ako at pumunta na sa bilihan ng Ice Cream.

Unperfect CoupleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon