Kyla's POV
I'm just a simple girl na naghahangad na magkaroon ng true love but I'm not like the other teenagers na easy to get. A lot of people wonder kung bakit wala pa daw akong boyfriend since I'm now in Grade 10 or 4th year. Bago na kasi ngayon, may tinatawag na silang K-12 curriculum. Nakakapagod din minsan mag-aral but I never take my studies for granted.
Ever since, I'm always the top 1 in our class at tuwang-tuwa sina mommy at daddy sa akin. They are very proud to me at kahit anong gusto ko ay ibinibigay nila sa akin but I'm not a spoiled brat. I'm always a good and responsible daughter and a very loving and caring ate.
Ewan ko ba pero mas expert pa ang sister ko tungkol sa love kahit 14 years old palang siya. And take note he had her first boyfriend when she was still 12 years old and she was still in 6th grade that time. Buti pa siya dahil nagka boyfriend na siya nung elementary pa siya pero ako, kahit ako yung ate no boyfriend parin since fetus.
Hindi naman ako pangit kung tutuusin nga mas maganda pa ako kaysa sa sister ko. Hehe pero joke lang yun. I mean magkasing-ganda lang kami ng sister ko nagmana kasi kami kay mommy na super ganda at ni daddy na ubod ng gwapo.But I believed that someday mahahanap ko rin si Mr.Right na mamahalin ako at ituturing ako na parang isang prinsesa.
Mahilig nga pala akong manood ng mga Disney Movies at ang pinaka paborito ko sa lahat ay ang kwento ni Cinderella. Sana magkaroon din ako ng happy ending at di ako matulad sa sister kong napaka bitter. Magmula kasi nung nag break sila sa pangalawa niyang boyfriend naging bitter na siya di pa kasi siya nakapag move on sa ex-boyfriend niyang napaka feeler pero hindi naman gwapo.
Mas boto pa nga ako dun sa first boyfriend niya kasi ang cute ng dimples pero nag break lang din sila just after 4 months. Ang landi din kasi ng sister ko eh kahit sino nalang yung mga naka date niyang mga boys. Hindi ko na nga mabilang kung ilang boys na ang naging mga crush niya.Pero bakit nga pala ako puro kwento sa lovelife ng kapatid ko eh tungkol naman sa akin ang kwentong ito. Kung sa bagay nakakasawa naman yung kwento ng lovelife ng kapatid ko kaya enough nalang at ililibing ko nalang ulit ang kwento ng lovelife niya kasi mas maganda pa rin itong lovelife ko kaso nga lang hindi ko pa nakikilala si Mr.Right.
Alam ko naman kasing may milagro na gagawin si Lord para makilala ko yung magiging prince charming ng buhay ko, pang fairytale talaga yung peg. Gusto ko din kasing sumakay sa magic carpet kasama si Mr.Right katulad nina Princess Jasmine at ni Aladdin. Nakaka-inggit din kasi yung love story nila. Pero alam kong malapit ko na ding makilala si Mr. Right at magkakaroon kami ng happy ending.
Maglalaro din kami sa snow gaya nang ginawa nina Belle at Beast pero hindi naman ibig sabihin na maging kamukha ni beast yung magiging boyfriend ko. At siya ang magiging knight and shining armor ko kapag papatayin na ako ni Maleficent, pang Sleeping Beauty lang ang peg.
At hahalikan din niya ako kapag nahimatay ako matapos kong makain ang apple na bigay ng wicked witch, ang galing diba, hulaan niyo nga kung saang kwento yan nanggaling.... oo tama kayo sa Snow White and the Seven Dwarfs. Kung sa bagay kamukha ko din naman si Snow White. I have lips that is red as snow and skin that is white as snow. Idol ko din kasi si Snow White.
At kung sakaling magiging frog si Prince Charming ko wala siyang dapat na aalahanin kasi I will kiss him and turn him into a handsome prince back again. Someday mangyayari din lahat ng ito at hindi lang puro gawa ng malikot kong imahinasyon. Kahit si King Triton, hindi siya magiging hadlang sa pag-iibigan namin ni my loves ko kung sakaling maging mermaid man ako.
Napaka ambisyosa ko talaga pero libre naman mangarap diba. Kung mag wish tayo dapat natin sulitin kasi once you'll lose that opportunity, it will never be back again. Pero dapat din tayong mag-ingat sa mga wish natin kasi baka at the end we will regret it.
Knock Knock!! Genie ikaw ba yan kasi ready na tong mga three wishes ko. Ikaw nalang yung kulang. Kanina pa ako naghihintay 'wag mo naman akong paasahin sa wala. Pero naniniwala pa rin akong may totoong genie na tutulong sa akin para mahanap ko si Mr.Right ko.
Kahit na pinagsasabihan ako ng kapatid ko na para daw akong tanga kasi kahit na 2016 na eh naniniwala pa din ako sa mga genie. Pero wala akong pake sa mga sinasabi nila kasi alam kong magiging fairytale ang love story ko at tutulungan ako ni genie at naniniwala din ako na binabantayan ako ng aking fairy godmother. Wait ka lang my handsome prince kasi paparating na ako. To infinity and beyond!!
BINABASA MO ANG
That Genie is my BOYFIE (On-going)
General FictionHey guys! Ang kwento na ito ay tungkol sa isang teenage girl na walang alam tungkol sa totoong nangyari sa past life niya. Maraming mga sikreto ang kanyang mga magulang na hindi sinabi sa kanya. Nag transfer siya sa isang prestigious school at nakil...