Chapter 18 - The End

12.1K 212 11
                                    

Napagpasyahan naming umuwi makalipas ang anim na araw na pamamalagi namin sa resort. Napagplanohan na rin naming dumeretso sa bahay. Kakausapin namin ang mga magulang namin. Sisimulan namin sa mga magulang ko. Hindi kami nagpark sa bahay. Tatlong bahay pa bago ang bahay namin-dun nakapark ang kotse ni Reagan.

"Are you ready?" tanong niya sakin sabay hawak sa kamay ko. Naramdaman ko ang panlalamig ng kamay niya. Siguro, tulad ko ay natatakot din ito sa maaaring kahinatnan ng gagawin naming ito.

"Ikaw kaya ang hindi ready ehh." pabirong tanong ko para naman mabawasan ang tensyong nadarama nito. Or more like- namin. Ngumiti ito bilang sagot sa biro ko saka kami lumabas ng kotse. Naglakad kami papunta ng bahay. Wala naman kaming naging problema dahil open ang gate. May mga tao lang sa gazebo na malapit lang sa fountain area sa front garden. Guess who? my parents with Reagan's father. At mukhang masaya ang mga ito.

"What's the meaning of this?" tanong ni Reagan na medyo pinalakas ang boses. Parang isang taong lumingon ang mga ito. Saka bumaling ulit sa isa't isa at itinuloy ang pinaguusapan. Lumapit kami sa kanila at saka pumagitna. May pa coffee coffee pa silang nalalaman. Samantalang kaming mga anak nila nanlalamig sa takot na makausap sila.

"Mama, why..." may itatanong sana ako pero nagsalita ito.

"Ohh Kumusta lakad niyo?" nanlaki ang mata ko sa tanong nito na as if nothing happened. As if normal lang na nandito kami. As if hindi kami tumakas. At higit sa lahat, as if hindi nila kami pinaglayo sa loob ng napakatagal na one week.

"What is this? Bakit parang bati na kayo?" balik tanong ko. Naramdaman kong hinawakan ni Reagan ang kamay ko.

"Kapagod mag-artista." kunwariy nagpapay pa si Mama.

"Did you just set us up?" tanong ni Reagan na sa Daddy niya nakatingin.

"Tumpak!" sagot nito.

"Pano niyo nagawa samin yun?" sabi ko.

"Ahy Ahy may gana ka pang magtanong?" sabi ni Mama. "Alam naman siguro ninyo ang dahilan mga anak." patuloy pa nito.

"Nakausap ko si Atty. Co Reagan." feeling ko kilala ko ang Atty. Co na sinabi nito. "Sinabi niya sakin ang papeles na pinagawa mo sa kanya. That was a wrong move anak. Nakalimutan mong mas loyal sakin si Atty. Co." napapailing na sabi nito. Natandaan ko narin si Atty.Co. Siya nga ang pinagawa ni Reagan ng kontrata namin.

O.O kami

"See? Mas malaki ang kasalanan niyo samin." dugtong ni Papa na sakin nakatingin. Naalala ko tuloy yung utos niya sakin. Nangako pa naman akong tutuparin iyon.

"I'm sorry Papa." sagot ko habang nakayuko. "I failed."

"Are you kidding me? Anong tawag niyo sa pagtatanan niyo?" sagot nito. May point nga naman Ito. Naihiwalay ko nga pala si Reagan kay Rica.

"Kelan niyo po nalaman?" tanong ni Reagan sa Daddy niya.

"Bago pa kayo ikasal." sagot nito na ipinanlaki ng mga mata namin.

"We Got Married" (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon