Chapter I

24 2 0
                                    



****

Nagising ako dahil sa bahagyang pag uyog sa akin.

"Sei."

Rinig kong tawag ni mama.

Umungol lang ako.

"Sei, anak. Gising na. Hinihintay ka na ng mga kaibigan mo sa labas."

Bigla naman akong napamulat. Nandito na sila? Ba't ang aga naman? Teka, anong oras na ba?

Napatingin ako sa relong nakapatong sa lamesa sa tabi ng kama.

7:30am

Napabalikwas ako ng bangon.

Si mama naman ay nagulat at muntik nang mahulog sa pagkakaupo nya sa kama.

Naku! Kaya naman pala nandito na sila. Tinanghali ako ng gising!

Dumiretso ako banyo upang maligo.

Mula sa loob, narinig kong lumabas si mama ng kwarto dahil sa.mahinang pagsara ng pinto.

Tsk, buti nalang pala at ginising ako ni mama. Kung hindi lagot nanaman ako nito kay Sensei.

Matapos ang ilang minuto, lumabas na ako ng kwarto.

Inabutan ko ang isang babae at isang lalaking halos kasing edad ko sa labas ng bahay namin na nag-uusap.

Napahinto sila nang makita nila akong papalapit.

Ngumiti yung babae, pero yung lalaki ay bakas sa mukha ang pagkadismaya.

"Sorry."

Salubong ko sa kanila.

"Hay nako, Sei. Ewan ko nalang kung anong mangyayari sayo kung hindi kami dumaan dito sa bahay nyo. Malamang mapupuno nanaman yang tenga mo sa sermon ni Sensei dahil late ka nang gumising."

Napakamot ako sa tenga dahil sa sinabi ni Koe.

"Sorry na nga di ba? Saka kahit na sermonan ako ni Sensei, eh di ko na yun maririnig dahil sayo palang puno na ang tenga ko sa sermon mo."

Sinamaan ako ng tingin ni Koe.

"Tapos na kayo?"
Tanong ni Ishi na kanina pa kami tahimik na pinapanood.

Sabay naman kaming napatingin sa kanya. Pero tumalikod lang sya at nagsimula nang maglakad papuntang kakahuyan.

Sumunod naman kaming bigla ni Koe.

************
Mayamaya pa ay nakarating na kaming tatlo sa isang maliit na bahay sa kalagitnaan ng kakahuyan.

Nakita naming may lumabas na lalaki mula sa bahay.

Matangkad sya at matipuno ang katawan. Around 30 ang edad nya at medyo may mga maliliit na buhok na tumutubo sa may part ng baba nya.

"Late na kayo."

Sabi nya sabay tingin sa wrisk watch nya.

"Pasensya na Sensei. Si Sei kasi eh."

Sinamaan ako ng tingin ni Koe.

Problema nito?

Ngumiti lang si Sensei.

Napahinga naman kami ng maluwag ni Koe nang makita naming ngumiti si Sensei. Mukhang di naman kami masesermonan. Hehe.

Si Ishi naman ay nakatayo lang sa gilid namin. Halatang inaantok pa.

"Ipasok nyo na yang mga gamit nyo sa loob at aalis na tayo."

The ElitesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon