Chapter II

17 2 0
                                    

*****

"Ishi, nasaan si Sensei?"

Tanong ni Koe.

Naabutan kase naming nakaupo lang si Ishi sa may itaas ng puno malapit sa bahay ni Sensei.

Umiling lang si Ishi.

"Kita mo 'tong lalaking ito. Tinatanong tapos iiling lang. Sarap batuhin." Yamot na sabi ni Koe.

I smirked. Then,

"What theー??!!"

Sinipa ko ang puno kung nasaan si Ishi. Naout of balance sya kaya, ayun! Sinapo nya ang puwet nyang tumama sa lupa. Haha.

Humagalpak ng tawa si Koe.

Ako naman ay naghanda para sa susunod na mangyayari.

Tiningnan ako ng masama si Ishi. Yung tingin na nakamamatay.

Napaatras ako nang bigla nya akong sinugod.

Sabi ko na nga ba eh.

Buti nalang at naging alerto ako at bigla ko syang nirepel.

Tumilapon sya pabalik at tumama ang likod nya sa puno kung saan sya kanina nakaupo.

"Ops! Sorry." Sabi ko na pinipigilan ang pagtawa.

Pero sa totoo lang kinakabahan na ako.

Alam ko kaseng wala akong laban kay Ishi.

Sa aming tatlo, si Ishi ang pinakamalakas. Sya ang palaging nangunguna sa mga trainings namin kay Sensei. Maliban sa sya ang nag-iisang lalaki sa grupo, sya rin ang nagsisilbing leader namin.

"Humanda ka." Seryosong sabi ni Ishi ng makatayo sya.

Geez! Nakakatakot si Ishi.

Aakmang susugod sya ng muli syang tumilapon. This time tumilapon sya sa may left side nya.

"Sei! Takbo!"

Nakangiting sigaw sakin ni Koe.

Napangiti rin ako sa ginawa nyang iyon.

"So, the brats are joining their forces against me, huh?"

Nakangising sabi ni Ishi as he stood up.

Nagsummon sya ng sword sa magkabilang kamay nya at sinugod kami ni Koe.

Nagsummon din ako ng ice sword at nag clash ito sa espadang gamit nya laban sa akin.
Nakita kong may nag appear ding spear sa kamay ni Koe na agad namang isinangga nya sa espadang ginamit sa kanya ni Ishi.

Pareho kaming tatlo na tumilapon dahil sa impact pero mas stable ang pag landing ni Ishi sa lupa compared sa amin ni Koe.

Agad ko namang itinusok ng malakas ang ice sword ko sa lupa ang it created frozen stalagmites sa lupa papunta kay Ishi at napaiwas sya agad. Pero hindi nya namalayang sinugod din sya ni Koe ng spear nya. Buti nalang at nadaplisan lang sya sa kanyang pisngi na agad namang nagbleed.

"So you three are doing your own training without me."

Bigla naman kamin napatayo at in-unsummon namin yung weapons namin.

"Sensei!"

Halos sabay kaming tatlo.

Ngumiti si Sensei at tumingin kay Ishi.

"Mukhang pinagkaisahan ka ng dalawang dilag na ito ah."

Nagsmirk lang si Ishi sabay pahid sa pisngi nyang nasugatan.

"Yeah, but I know they can't beat me."

"Pasensya na Ish. Hehe." Sabi sa kanya ni Koe.

Lumapit ako kay Ishi at chineck ang sugat nya sa mukha.

The ElitesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon