PINIKOT?

56 4 4
                                    

"Tusheber tagay ko na!"

"Bilisan mo namang uminom! Uhaw na uhaw na kami!"

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

"Bilisan mo namang uminom! Uhaw na uhaw na kami!"


Lumalagatok na batok ang inabot ko sa syota kong si Tusheber. Palibhasa'y patpatin ako at maliit. Kung hindi lang niya ako pinikot, hindi sana siya ang kasama ko ngayon.


"Pinagmamadali mo ako, alam mong dalawa lang tayong umiinom dito!" Bulyaw niya sa akin. "Umamin ka nga, Elmiro. Nag-aadik ka ba?" dagdag niya.


Nainis ako sa sinabi niya. Hindi porket payat ako ay nag-aadik na ako. Siya yata itong adik eh. Hindi niya yata nakikita mga kasama namin.


"Nandito kami, Tusheber!" Sigaw ni Lizelle.


"Nasaan kayo?" hinanap ng syota ko sila Lizelle. "Pinagtitripan ninyo ba ako?"


Ipinihit ko pakaliwa si Tusheber. "Nandiyan pala kayo," natatawang sabi ng syota ko.


"O-Oo nga. Natatakpan mo kasi kami," nauutal na wika ni Lizelle.
"Oh kanino na!" Sigaw ni Marco.


"Sa akin pa rin, Marco. Dami ninyo kasi nilagay sa baso ko," wika ng syota ko.


Napakamot-ulo na lang ako at si Marco na tanggero namin. Ang bagal-bagal uminom ng syota ko. Halos wala pa sa kalahati ang naiinom namin. Kung kanina ay nasa bente kami mahigit, lima na lang kami. Nabagot at bumili na lang ng kanya-kanyang alak ang iba kong mga kaibigan.


"Tara na nga! Umuwi na tayo!" Pagyayaya ni Marco.


"Ito na tapos na ako uminom," pag-aawat ni Tusheber, sabay abot ng baso na may apelyido pa.


"Ano ba iyan may apelyido pa!" Pagrereklamo ko naman.


Tinignan ako ng masama ng syota ko. "May angal ka?" wika niya na nandidilat pa ang mata.


Umiling-iling ako. "Wa-wala syempre," sabay tingin kay Marco. "Tagayan mo na ako tol dali! Tatlong sunod ah!"


Tatlong magkakasunod na tagay ang itinagay ko. Hanggang sa makatagay na rin sila Marco, Lizelle at Ketya.


"Ikaw na Tusheber," sabi ni Marco.


Tinignan ng masama ng syota ko si Marco. "Ako na naman? Katatagay ko lang ah!" akala niya'y dinadaya namin siya. "Nilalasing ninyo ba ako? Sabihin mo lang Marco kung gusto mo ako! Kahit hindi naman ako magpaalam sa syota ko. Pagbibigyan kita," sabay kindat ni Tusheber.


"Kilabutan ka huy! Mabuti nga at pinagtiyagaan ka ni Elmiro!" naku patay! Bugbug sarado na naman ako sa syota ko.


"Anooooonnnggg ssaaaaabbiiii mooooo!!!" parang naging babaeng Hulk ang syota ko. Inangat niya ang lamesa sabay bato sa malayo. "Ulitin mo ang sinabi mo, Marco!"


"Sabi ko! Pinikot mo lang si Elmiro kaya ka niya pinatulan! Pinikot mo lang siya!"


"Pinikot!"


"Pinikot!"


"Pinikot!"


Para kaming nasa Ghost Fighter at nasa loob ng arena. Parang mga halimaw na inuulit ulit ang mga salitang "Pinikot mo lang siya!"


Hinawakan sa leeg ni Tusheber si Marco at pinilipit nito ang leeg ng kaibigan ko hanggang sa mamatay. Pati sila Lizelle ay kanyang dinamay. Sinipa niya si Lizelle at napunta sa bubungan. Parang may super power ang syota ko.


"Kayo! Ano tinitingin-tingin ninyo diyan!" Pinagdiskitahan ng syota ko ang mga usisera na sumilip sa bintana. Agad namang isinarado ng mga usisera ang bintana. "At ikaw..." sabay hawak niya sa buhok ko. Para akong laruan na inaangat.


"Anong sabi mo? Pinikot lang kita?"


"Hi-hindi. Hi-hindi ko iyon sinabi."


Susuntukin na sana ako ng syota ko nang bigla akong magising. Naalala ko, hinimatay nga pala ako nang daganan ako ni Tusheber.


"Mabuti na lang at panaginip lang iyon," nabanggit ko sa aking sarili.


"Elmiro, gising ka na ba? Kain na tayo ng pananghalian," wika ng syota ko sa labas ng kwarto.


"AYOKO! KUMAIN KA MAG-ISA!" Sigaw ko sa kanya.


WAKAS  

Maangas kong SyotaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon