CHAPTER NINE
"ANAK? Charlton, baby gising ka na." Niyakap sya ng isang magandang babae dahilan para mapaigik sya ng magdampi ang kanilang katawan. "I'm sorry anak masyado lang masaya si mommy dahil gising ka na sa wakas." Tinitigan nya lang ito. Tila ba isang milagro ang nangyaring pag-gising nya sa labis na saya na nakikita nya sa mukha ng babaeng yumakap sa kanya.
"Hindi mo ba kaya magsalita, anak?" Umiling lang sya bilang sagot.
Nanghihina pa ang katawan nya at isa pa masakit ang ulo nya na para bang inuntog ng ilang ulit. Dumako ang mata nya sa pinto ng bumukas iyon. Labis din ang saya ang bumalatay sa gwapong mukha ng lalaki ng makita sya.
"Baby, you're awake. Thanks God." Bulalas nito at mabilis na hinakbang ang pagitan nila para lang halikan sya sa noo.
Nagtititigan lang silang tatlo na para bang biglang may nahiyang magsalita. Ano nga ba ang sasabihin nya?
"Ilan araw akong walang malay?"
Nagkatinginan muna ang dalawa na wari bang may hindi maintindihan sa sinabi nya.
"Anak—."
"Answer me." Pinigil nyang huwag sumigaw dahil may kung anong mabigat sa dibdib nya na hindi nya mawari at naiinis sya sa ideyang ang tagal-tagal sumagot ng dalawang tao sa harap nya.
Umupo sa gilid nya ang babae at bahagyang hinaplos ang braso nya. "Two weeks baby." Nakahinga sya ng maluwag sa sinabi nito akala nya kasi ay buwan o taon ang binilang bago sya muling nagising.
"Sino kayo?" Tila nagpasabog sya ng bomba sa harap ng dalawa sa tanong nya.
"Hindi mo kami naaalala?" The woman asked in disbelief.
"I won't ask you that question kung kilala ko kung sino kayo."
"Charlton," May himig na banta sa boses ng lalaki.
"I am just being honest here, kung ayaw nyong magpakilala pwede na kayong umalis. You can leave this room anytime."
"We are your parents. I am your mommy Amber," Pagpapakilala ng babae. "And this is your daddy Clarkson." Tukoy nito sa lalaking nakatitig lang sa kanya.
"What happened to me?"
"Nahulog ka sa hagdan sa hindi malaman na dahilan. Masakit pa ba ang katawan mo, anak?" She nod her head. "Mawawala din 'yan nandito naman kami para alagaan ka."
"Okey thank you."
"About Ryxer—."
"Who's that?" Kunot-noo na tanong nya sa mommy nya.
"Never mind, your friend."
"So... Where is he?" Bigla syang kinabahan sa tanong nya.
"Umalis na two weeks ago, sayang nga dahil hindi mo sya nakita at hindi ka man lang nakapagpaalam sa kanya."
Kung kanina buong katawan nya lang ang masakit, ngayon naman pati ang dibdib nya ay sumasakit. Bahagya syang tumagilid kahit halos maluha na sya dahil napupwersa ang katawan nya. Kinagat nya lang ang pang-ibabang labi nya para hindi marinig ng mga ito ang paghikbi nya.
"Bakit kailangan ko magpaalam sa kanya? Kung tunay syang kaibigan, hindi sya aalis at hindi nya ako iiwan sa ganitong sitwasyon."
"Anak, may dahilan kung bakit sya umalis."
"At ang dahilan na iyon ang magiging dahilan din kung bakit hindi ko na sya ituturing na kaibigan o kung ano pa man." Hindi nya alam kung saan sya kumukuha ng lakas para huwag amatungal ng malakas dahil sa balitang iyon. Basta, masakit sa dibdib na marinig mula dito na iniwan sya ng kaibigan nya daw.
"Ryxer loves you sana mapatawad mo sya sa ginawa nya." Bakit ba nito ipinagtatanggol ang lalaking iyon?
"Love? Ang tunay na nagmamahal hindi nang-iiwan." Tuluyan ng umagos ang butil-butil na luha na kanina nya pa pinipigil. "Hindi nya ako mahal at hindi rin ako mahalaga sa kanya dahil nakaya nya akong ipagpalit sa ibang bagay, hindi sya marunong maghintay."
"Don't say that baby, you need to hear his side first before you judge him. Hindi gano'n klaseng tao si Ryxer, hindi sya 'yung taong inaakala mo." Mahinahon pa din ang boses ng mommy nya habang sya ay halos sumigaw na.
"Ako ang anak nyo bakit parang mas sya pa po ang kinakampihan nyo? Ako na nga itong iniwan at sinaktan tapos ganito pa ang gagawin nyo." Naramdaman nya ang paghaplos ng isang kamay sa likod nya na tila ikinakalma sya. "Iwan nyo po muna ako kasi mas lalo lang akong nasasaktan na isipin na mas mahal nyo sya kaysa sakin."
Wala syang narinig na kahit anong sagot mula sa kausap nya bagkos mahihinang hikbi din ang naririnig nya na sinasabayan ang iyak nya. Kaya tuloy imbes na titigil na sya sa pag-iyak ay mas lalo syang napaiyak. Para kasing ipinaparamdam nito sa kanya na sya ang mahal nito at sa kanya ito kampi.
"Hindi kami aalis Charlton dito lang kami ng daddy mo hindi ka namin iiwan, please huwag mong isipin na hindi ka namin mahal anak dahil ang totoo ay mahal na mahal ka namin at handa kaming ibigay lahat sayo kahit ano pa 'yan."
"I'm sorry mom, dad. Sorry for acting like this." Hindi ko kasi maintindihan 'yung sarili ko kung bakit nasasaktan ako ng ganito.
"Sshh, its okey baby naiintindihan ka namin. Magpahinga muna kayo ng mommy mo, kukuha lang ako ng pagkain natin at sana pagbalik ko hindi na kayo umiiyak."
"Thanks dad." She uttered enough for him to hear her. Ipinikit nya na lang muli ang kanyang mga mata at ikinalma ang kanyang sarili.
Maya-maya lang ay bumalik na ang daddy nya na may kasunod na tingin nya ay isa sa mga kasambahay nila, may dala ang mga ito na tray ng pagkain. Ang weird lang kasi hindi naman sya nagugutom pero takam na takam syang kumain. Inalalayan sya ng mommy nya makaupo. Hindi nya naman magalaw ang mga kamay nya ng maayos kaya hinayaan nya na lang din na subuan sya nito.
"Namiss mo kumain?" Maaliwalas na ulit ang mukha ng mommy nya.
"Yes mom, hindi naman ako nagugutom pero gustung-gusto ko kumain at masarap po ang mga 'to." Tukoy nya sa nilagang baka na umuusok-usok pa.
"Favorite mo ang pagkain na 'to, Charlton kaya sigurado akong magugustuhan mo talaga 'to." Sinubuan ulit sya nito.
"Ano pa ba ang gusto mong kainin?" She motioned her head to her dad.
"Something sweet dad, like chocolate or chocolate cake."
"Okey kukuha ako. How about you, babe? What do you want to eat?" Tanong naman nito sa mom nya.
"Kung ano ang gusto ng anak natin iyon na lang din ang kakainin ko."
"Mom, share na lang tayo mukhang hindi ko 'yan mauubos lahat."
She babble. "Sure baby." Inumang nito sa bibig nya ang pomelo juice para makainom sya. Sa dami ng flavor ng mga juice ang pomelo ang pinaka favorite nya, ewan nya nga din sa sarili nya kung bakit. "Anak, sabihin mo lang sakin kung may masakit pa ha?"
Pwede ko rin ba sabihin na masakit ang puso ko?
"May masakit pa po sakin."
"Ha? Ano 'yon?"
Itinuro nya ang kanyang dibdib kung nasaan ang puso nya. "Masakit po dito." Binigyan nya lang ng tipid na ngiti ang mom nya na hindi naman umabot sa mga mata nya.
Wala eh, kahit anong pilit nyang pag-ignora sa nararamdaman nya ay hindi nya talaga kayang isawalang bahala. Sana nga namanhid na lang sya, sana may gamot na pwedeng pumawi ng sugat sa dibdib nya.
Kapag pinikit nya ba ang mga mata nya mababawasan 'yung mabigat na nagpapasikip sa dibdib nya?
Kung magpapakatatag ba sya malalagpasan nya din 'yung sakit ng sugat sa puso nya?
BINABASA MO ANG
RACE 1: Left Behind
RomanceAll that Charlton Forbes daydreamed about was to be noticed by her childhood sweetheart--Ryxer Wilson--as a grown woman. She's already got everything that people could have; a loving and supporting family, a group of friends who truly cared for her...