CHAPTER TEN
"MOM, gusto ko po mag-aral din sa ibang bansa." Nasa garden sila ng ina habang busy ito sa pagdidilig ng mga bulaklak at halaman do'n.
"Are you sure?"
"Yes. Gusto ko lang maiba 'yung environment ko."
Ilan buwan na din kasi ang lumipas simula ng bumalik ang lahat ng ala-ala nya. Sana nga hindi na lang bumalik kasi mas lalo lang syang nasaktan na isipin na iniwan sya ni Ryxer. Hindi na din sya nagtangka na kontakin ito, bakit pa?
"Kahit ayokong umalis ka wala na din naman akong magagawa, malaki ka na at may sarili ka ng desisyon." She walk closer to her mom and hug her from behind.
"Hahanapin ko ang sarili ko mom, kapag nandito lang ako at kayo ang kasama ko ni daddy baka hanggang tumanda ako ay idedepende ko pa din ang sarili ko sa inyo. Sabi mo di ba lahat ng umaalis ay may dahilan? Iyon ang gagawin kong dahilan sa pag-alis ko, kapag nahanap ko na ang sarili ko... I promise mommy I'll be back as a reformed woman."
"I'll wait for you Charlton, we'll for you."
"Thank you mom for not leaving me, thank you kasi lagi mo na lang ako iniintindi. Ikaw talaga ang pinaka the best na mommy sa buong mundo." Kahit papano ay gumagaan ang loob nya kapag kausap ang ina pero tama nga siguro na umalis muna sya at hanapin ang kanyang sarili.
"I will talk to your brother para magkasama kayo doon."
"No mommy please don't do that. I want to be alone, ayoko ng may inaasahan na naman ako. Hayaan nyo po muna akong mabuhay ng mag-isa."
"Pero anak—."
"I'm begging you mom, this is my last wish, hayaan nyo po ako mag-isa. Mag-uumpisa ako sa wala, gusto ko magkaroon ng normal na buhay. Gusto ko paghirapan lahat ng bagay na naisin ko. In short, gusto kong maranasan ang maghirap."
"Charlton, hindi madali 'yang gagawin mo baka hindi mo kayanin."
"Kakayanin ko mommy at pagbalik ko gusto ko maipagmalaki nyo na ako sa mga tao. Pagbalik ko hindi na ako 'yung Charlton na mahina at walang alam sa mundo."
"You leave me no choice baby, I doubt it if your dad will agree."
"He will mom at kapag hindi... Hmn, tatakas ako."
"Hey don't do that." Napalingon sila pareho sa boses ng ama. "Hindi mo kailangan tumakas dahil pumapayag na ako sa gusto mo."
Tinignan nya ang ama ng may pagdududa. "Daddy, I swear kapag pinasundan nyo ako magagalit talaga ako sa'yo." Kahit naman wala sya masyadong alam sa mundo, batid nya na iba kumilos ang ama at hindi nya hahayaan iyon.
"You are really smart, Charlton."
"Dad,"
"Okey fine." He raised his two hands as a sign of defeat. "We will let you live your life without us, without our help and without our guidance."
"And without our family name."
"What?" Bulalas ng mommy at daddy nya.
She smile at them. "I won't use my real name. Forbes is too famous for being rich, and I don't want to be known as a rich woman sa lugar na gusto kong puntahan." Yumakap sya sa magulang. "Alam ko naman po na hindi nyo ako kayang tanggihan. Bukas na bukas din ay aalis na ako." Hinigpitan nya ang pagkakayakap sa dalawa dahil siguradong huling yakap nya na iyon at hindi nya alam kung kailan mauulit.
"Mom, dad, I'm sorry kung iiwan ko kayo. Hindi ko na po kasi talaga alam ang gagawin ko at ang mararamdaman ko. Masakit pa din po pala isipin na iniwan na ako ni Ryxer. Ang sakit mommy kasi akala ko sya 'yung taong hindi mang-iiwan. I trust him so much pero sinira nya ang tiwalang ibinigay ko. I want to forget him, I want to forget the pain cause by him. I need to do this, I need to runaway and heal my wounded heart. I'm sorry mommy kung hindi ako naging malakas, kung hindi ko kayang harapin lahat ng sakit. I hate myself for being weak at sa pagbabalik ko sana makalimutan ko na lahat ng sakit na ibinigay nya... Lahat-lahat."
BINABASA MO ANG
RACE 1: Left Behind
RomantikAll that Charlton Forbes daydreamed about was to be noticed by her childhood sweetheart--Ryxer Wilson--as a grown woman. She's already got everything that people could have; a loving and supporting family, a group of friends who truly cared for her...